Chapter 35 - Goodbye

150 12 14
                                    


Claire's POV



Isang araw palang kami ni Miah dito pero parang ang tagal na kaming nandito. Especially na nandito si Zac...Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung magkita silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan if that happens. Maybe because I was guilty...No---I don't know. Kahit naman hindi talaga namin mahal ni Miah ang isa't isa at pinagkasundo lang kami, I still cheated on him...Right?

Zac, isn't really helping me here! May parte saakin na naiinis sa kanya, galit pero may parte din saakin na gusto siyang makita? Hindi ko alam, naguguluhan na ko sa nararamdaman ko!

Eto na ba yung tinatawang nilang malandi!? OMG! Malandi nga ata ako!? Hindi---That thing about what happened to me and Zac is just an accident---Right!? OMG! Nagging kabit pa ko! Tangina! I'm the number one against sa mga cheating, kabit, mang-aagaw...Pero ako naman tong gumawa ng mga iyon--nang hindi sinasadya!

Aish! Ang dami ko na ngang problema dumagdag pa tong dalawa! Kung i-ghost ko kaya sila----Hindi ano ka ba Claire!

"Argh!" Inis kong sigaw at inumpog ang ulo ko sa lamesa.

Nasa restaurant ulit kami ni Miah ngayon. Sa pinagkainan namin kahapon. I'm sitting alone at our table right now, dahil nasa CR siya.

"You, okay?" Agad akong na-alarma at umayos ng upo nung narinig ko ang boses ni Miah. I just looked at him and watched him as he sat down on the chair in front of me.

I was about to talk but my eyes settled on the man who just entered the restaurant. Agad na nanlalaki ang mga mata ko nung nagtama ang tingin namin dalawa. He just looked at me serious bago siya nag-iwas ng tingin at umupo sa pang-isang taong table na di kalayuan saamin!

"Hey." Pukaw ng atensyon ko ni Miah.

"H-ha?" Nauutal, kinakabahan kong tugon sa kanya.

"What happened to you? Mukha kang nakakita ng multo." Natatawa niyang sabi.

"Wala, pagod lang siguro ako." Tugon ko at muling tumingin sa gawi ni Zac na agad kong pinagsisihan dahil nakatingin siya sakin!

Agad akong nag-iwas at buti nalang dumating na ang pagkain namin ni Miah. I was just quite habang kumakain kami. Hindi ako makapag-focus for some reason. Maybe the fact that Zac is just a few centimeters away from us!? The fact that I know that he's still staring at me!?

"Ba't parang tahimik ka ngayon?" Napaangat ako ng tingin kay Miah. I stopped eating and stared at him.

"Palagi naman akong tahimik ha." Dinahilan ko at napayuko ulit, muling tinignan lang ang pagkain ko.

"Yeah, I know. You're just extra quiet today." Aniya. Napaunok naman ako at pinatiling walang espresyon sa mukha ko.

"I'm just admiring the moment." Sabi ko.

"Na kasama ako?" May pilyo siyang ngisi. Napairap naman ako.

"Sa sarap ng pagkain." sabi ko sa kanya. Napanguso naman siya't kumain nalamang.

Napailing-iling ako't pinagpatuloy ulit ang pagkain. Nung tapos kami ay nagpaalam siyang may gagawin lang. I was actually curious kung ano ang pinagkakaabalahan niya, kahapon pa siyang may ginagawa ha! Well, baka nga meron nga siyang totoong misyon dito, hindi lang ako kasali dahil hindi na ko sinasali ng utol ko! Magreklamo nga kung may time ako.

Mag-isa ako ngayon dito sa kwarto. Kanina pa actually! Ang tagal ni Miah sa pinagkakaabalahan niya! Hindi naman sa nagrereklamo ako pero---sinama sama niya ko dito tapos iiwan din!? Tss. Nanonood ako ng TV nung nakatanggap ako ng text galing sa Unknown. Kinuha ko ang phone ko sa side table na nasa tabi ng kama ko at binasa ang text.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now