Chapter 15 - Friendly Date Part III

198 11 3
                                    




Claire's POV


"Grabe nakakapagod." Natatawang sabi ni Rhian at umupo dun sa bench na nasa harapan namin.

Napaisip ako sa sinabi niya. Anong nakakapagod sa ginawa namin eh hindi naman kami sumakay sa mga extreme rides. Ang paglalakad ba ang tinutukoy niya?

"Bibili lang kami ng tubig." Sabi ni Miah at tinanguan si Zac. Umupo naman ako sa bench malayo kay Rhian dahil ayokong dikitan siya.

"Ba't ang layo mo?" Natatawang tanong niya. "Takot ka ba na baka masampal kita?" seryoso ko siyang nilingon. "Joke." Nag-peace sign pa siya.

"Hindi naman ako takot sayo, hindi naman tayo close para tumabi ako sayo diba?" Sarkastiko kong tugon.

"Of course we were not close, we are frenemies." Tumawa siya mag-isa, nag fake smile lang ako at nag-iwas ng tingin sabay irap.

Napatingin nalang ako sa gawi nila Miah, nakapila sila sa bilihan ng pagkain.

"Ba't ka pa bumalik?" Basag ni Rhian sa katahimikan. Ramdam ko ang inis niya nung tinanong niya yun.

"Bakit hindi?" tugon ko ng hindi siya nililingon.

"Bakit dun ka na sa ibang bansa habang buhay."

"Tss." I laughed sarcastically. "Alam mo kasi sa pagkakaalam ko hindi naman ako pinagbawalan ng presidente dito sa Pilipinas."

"Ako oo." Napalingon ako sa kanya, ganun din siya. Pareho kaming nagtaas ng kilay sa isa't isa. "I forbid you to come back."

"Nandito na ko eh. Ano pa bang magagawa mo? And besides, who are you to tell me na bawal akong umuwi dito?" Hindi siya nakasagot. kumuyom na ang kamay niya, senyales na galit na siya sa kin. "If this is about him...Don't worry, hindi ako makikialam sa inyo." Nag-iwas na ko ng tingin.

"Kahit anong gawin mo, hindi na siya babalik sayo dahil kasal na kami. I trust him, but you..." Nakita kong nilingon niya ko sa gilid ng mata ko. "Not even 1%."

"The feeling is mutual Rhian." Nakangisi ko siyang nilingon. "Tsaka hindi ko na binabalik ang mga naiwan ko sa nakaraan." seryoso kong tuloy.

"Here's the water and food." Rinig kong sabi ni Miah. Agad naman ngumiti si Rhian at nilingon sila. Napabuntong-hininga naman ako at tinaasan ng kilay si Miah.

"Thanks Hon." Rinig kong sabi ni Rhian, napaiwas naman ako ng tingin nung nagtama ang tingin namin ni Zac.

"Here." Sabi ni Miah. Binigyan niya ko ng tubig at pagkain.

"Ba't iisa tubig at pagkain?" Takang tanong ko. Nakatayo si Miah sa harapan ko habang nasa bulsa ng pants niya ang mga kamay. Nakatayo din si Zac sa harap ni Rhian.

"Wala na kong pera, ano ka sinuswerte? Sabi ko lang kagabi i-libre kita pagkain, hindi lahat lahat." reklamo niya. Natawa naman ako dahil sinadya kong iwanan talaga ang pera ko sa bahay.

"Hindi mo klinaro eh." Nakangising sabi ko.

"We can buy another one." Singit ni Rhian. Hindi ko siya pinansin, hinayaan ko nalang si Miah ang kumausap sa kanya.

"Hindi na, share nalang kami ni Clarissa. Salamat na lang." Tugon ni Miha. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Sinong nagsabing isha-share ko to sayo!?" Taas kilay kong tanong. I don't share, especially food.

Magsasalita na sana si Miah kaso may nagsalita sa likuran niya.

"Miah?" napalingon kaming lahat sa babaeng tumawag kay Miah.

Us against the World - TOTGA Book 2 Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang