Chapter 32 - Who are you

111 10 1
                                    


Author's Note:  Sorry guys for the late, late super late update. Naging focus po kasi ako sa summer school ko kaya hindi po ako palaging naka-focus sa book na to. But I'll try my best po para mag-update mas maaga every week po. Thank you for understanding<3




Claire's POV


Nasa tapat ako ngayon ng bahay namin. Tinanggal ko ang helmet ko at pinatong yun sa motor na ginamit ko papunta dito. Tinignan ko ang bahay namin habang inaayos ko ang buhok ko.

"Ma'am Claire, ikaw po pala." Sabi ng guardia. Nginitian ko siya.

"Hello po manung." Bati ko sa kanya. Pumasok ako sa loob, dala-dala ang helmet ko.

Pumasok ako sa loob nung binuksan ni manang ang pinto nung nag-door bell ako.

"Manang asan sila Daddy?" Tanong ko sa kanya nung ang tahimik ng bahay.

"Nasa labas po hija, may meeting lang po si Sir at sinama niya si Ma'am ngunit pauwi na sila hija." Tugon ni Manung.

Tumango naman ako sa kanya at tumingin sa itaas. "Sa kwarto lang po ako." Paalam ko sa kanya tsaka umayat na papunta sa kwarto ko.

Ngunit ang totoo ay nung umalis si manang bumaba ako sa hangdan at pumunta sa opisina ni Dad. But it was lock! Tumingin ako sa paligid ko. Walang tao. Kinuha ko ang hairpin na nasa buhok ko tsaka ginamit ko yun upang buksan yung pinto.

I used to do this back in Australia. Kaya mabilis kong na unlock ang pinto ng opisina ni Dad. Tinago ko ang hair pin sa leather jacket ko tsaka dahan-dahan kong binuksan ang pinto. I looked around bago ako pumasok sa loob.

It was dark, konting ilaw lang dahil sa araw. The light from the sun was good enough for me to roam around.


"Heart na sa loob na ko." Sabi ko kay Heart sa earpiece na suot ko.


["Okay, my man is outside to check if your Dad is back." ]Tunog niya.


"Okay." Tugon ko tsaka naglakad papunta sa table niya.


The table was clean. No papers. Just some pencil, pens, and my Dad's laptop. Tumingin ako sa likuran ko kung saan ang bookshelf. I look every book na nandun. It's all about solving cases. Mystery. Pinaglandas ko ang hintuturo ko sa mga libro at tumigil ito nung may librong nakuha ng mga mata ko.

It has the title ZKR (Does not exist in the real world). I was curious dahil first time kong makita ang librong yun. Kinuha ko yun at tinignan ang harapan.



ZKR

Inside, the lies reveal



Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa. Napailing-iling ako tsaka ibabalik na sana kaso may nahulog na papel galing sa loob ng libro. I put the book back bago ko kunin ang papel sa sahig. The back says 'my son' at blanko na lahat. Binaliktad ko yun. It wasn't a piece of paper but it's a picture of a baby boy.

Us against the World - TOTGA Book 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon