Chapter 24 - Tagaytay

181 9 11
                                    


Claire's POV


Nag dri-drive ako ngayon papunta sa Tagaytay dahil day off ko ngayon at gusto kong makapag-relax. I'm wearing black jeans and a tank top.

Nag-stop muna ako sa isang restoran na kinakainan ko noon...namin ni Zac. Ang laki na ng pinagbago nito, mas lumaki na. Lumago narin at rinig kong may ibang branches na sila sa ibang parte ng Pilipinas.

Papasok na sana ako sa loob kaso nabangga ako sa lalaking papasok din at naitapon ang kapeng hawak niya sa white polo niya and worse its...Zac.

"I'm so sorry Mr. Rodriquez." Kinakabahang sabi ko at kumuha ng tissue sa bag ko.

Binigay ko sa kanya yun at nag-alinlangan siya kung kukunin niya ba o hindi pero kinuha niya din saka pinunasan ang damit niya.

"Don't!" Pagtigil ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa pagsigaw ko. "If you rubbed it in, mas lalala yan." Tugon ko habang nakatingin sa damit niya.

"Good afternoon Sir Ma'am." Napatingin kami sa waiter nung bumukas ang pinto. "Dalawa lang po kayo?" Tanong niya.

"Ah yes, seperate table." Tugon ko.

"Iisa lang po ang available na table Ma'am." Tugon ni ate.

"Ah..." napalingon ako kay Zac na busy parin sa pag diin ng tissue sa polo niya. Hay naku sabi na ngang mas lalala eh!

Napaangat siya ng tingin sakin nung maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. He stopped cleaning his polo and raised his brow at me.

"What?" Malamig siyang sabi sakin.

"They only have 1 table available, do you...Do you want to share?" Hindi siguradong tanong ko.

"Sure." Tamad niyang sagot tsaka nilinid ulit ang polo niya.

"We'll take the last table." Nakangiti kong sabi sa waiter.

"Sige po Ma'am pasok po kayo." Sabi niya.

Pumasok naman kami ni Zac at sinundan namin ang babae papunta sa table namin. Nag-paalam muna si Zac na pupunta siya sa CR para maghugas at magpalit. Iniwan naman niya ang gamit niya sa table.

"Ma'am ready na po ba kayong mag-order?" Napatingin ako sa waiter na dumating.

"Ah, isang chicken inasal and coke please." Sabi ko sa waiter, nilista naman yun ng waiter sa note na hawak niya.

"Si Sir po?" tanong niya.

"Ah..."

Should I order the same thing? Yun naman ang palagi namin ino-order noon eh. Pero baka nag-iba na ang gusto niya.

"Ma'am?" napatingin ako sa waiter. Magsasalita na sana ako kaso dumating si Zac, iba na ang suot niya.

"A-ah." tumingin siya sakin. "Ano daw gusto mo?" Tanong ko.

"Chicken Inasal please and coke." tugon niya. Nagpaalam na ang waiter kaya tahimik ulit kami ni Zac.

Nung dumating ang pagkain namin, hindi parin kami nag-usap at nagpansinan. Patapos na kaming kumain, kanina pa siya may kausap sa phone niya tungkol sa trabaho niya ata.

"Yes, I'll see what I can do about that." rinig kong sabi niya. Nung tapos na kong kumain uminom ako ng coke at inubos yun. "Yes. Let's just discuss this when I'm back in Manila." tuloy niya.

*Ring.Ring*

Napatingin naman ako sa phone ko nung tumunog yun. Agad ko naman yun kinuha sa table at sinagot ang tawag galing Zoe.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now