Chapter 42 - Lost

116 9 6
                                    



Claire's POV



Nagising ako nung may maramdaman akong mabigat sa ibabaw ko. Napangiti ako nung naamoy ko ang pabango niya. I felt his hot kisses all over my face and neck.

"Zac." Natatawa kong bangkit sa pangalan niya.

Nakayakap siya sakin. Ang kanyang mga braso ay nakapulupot sa aking bewang. Kung kayat nadaganan ko ang kanyang mga kamay. I can feel his body heat dahil topless siya. Sweat pants lang ang suot niya.

"Hmmm." Ngumisi siya at hinalikan na ko sa labi na natugunan ko naman. "Good morning my love." Malambing niyang bati saakin at hinalikan ang pisngi ko.

I giggled and hugged my arms around his neck. "Morning." bati ko pabalik.

"Bukas na tayo uuwi sa Manila. I want to stay here another day with you---actually forever." Aniya tsaka niya hiniga ang ulo sa dibdib ko.

Napangiti naman ako. "Wala ka bang trabaho?" Tanong ko sa kanya. Ayoko rin naman bumalik sa Manila ngunit meron pa akong kailangan gawin. One more day with him can't be hurt.

Napailing siya. "My company can survive for a day without me." Aniya.

"Saan naman tayo pupunta kung ganun?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm..." nag-isip siya. "Dito nalang kaya tayo sa kama."

"Ha? Buong araw dito lang? Ano hihiga lang tayo?"

Tumingin siya sakin at ngumisi. "Ang rami kayang pwedeng gawin sa kama."

"Huy! Magsitigil ka Zac!" Saway ko sa kanya. Mas lalo siyang ngumisi.

"Pwede natin i-try ang iba't ibang posisyon---OUCH!" Natatawa niyang sabi nung pinikot ko ang tenga niya.


"Pwede ba magsitigil ka! Ang aga Zac." natawa lang siya sa sinabi ko at hinalik-halikan ako.

"Okay. I'll stop now."

Napairap ako sa sinabi niya.

"Tumayo ka na nga! Gutom na ko." Aniko.

"My baby is hungry." Pang-asar niya. Inirapan ko nanaman siya. "Want breakfast in bed?" Ngising tanong niya.

"Zac!" Pinanlakihan ko siya ng mata na ikinatawa niya lang.

"Let's go. Nakapang-luto na ko ng breakfats natin." Aniya tsaka siya tumayo sa pagkakadagan saakin at hinila ako.

Nauna ng bumaba si Zac, kinailangan ko pang mag toothbrush at maghilamos bago ako bumaba. Naabutan ko siyang nagtitimpla ng kape. Still topless kaya bumaba ang tingin ko sa abs and...v-line niya. Damn. I just need coffee and rice. Tinitignan lang ang katawan niya may ulam at pandesal na.

"Your mind still not change about breakfast in bed?" Napatingin ako sa kanya dahil nagsalita siya. His eyes were twinkling in adoration and amusement. Napatikhim ako at napaiwas ng tingin.

I went at the island table and sat on the high chair. Meron na duon ang fried rice, hot dog, egg, and tocino. Napatingin ako sa tasang inilapag niya sa harapan ko.

"Thank you." I smiled at him.

"You're welcome baby." He said and kissed my forehead when he sat beside me.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now