Chapter 13 - Friendly Date Part I

210 10 3
                                    




Claire's POV


"Rise and Shine!"

Nagising ako dahil sa biglaang ilaw na tumama sa mata ko. Napakunot ang noo kong nilingon kung sino ang lapastangang nagbukas ng kurtina at agad kong binato ang yakap kong unan sa kanya nung makita ko ang ngisi niya.

"The fuck is your problem!" Inis kong sigaw at nagtaklob ng kumot.

"Come on we have a date princess." Hinila ni Miah ang kumot ko pero hinila ko pabalik kaya nag tug and war kami.

"Miah! Let go of my blanket!" Sigaw ko sa kanya. Nakaluhod na ako ngayon sa kama ko at nakatayo naman siya sa gilid ng kama ko.

"Ikaw nalang kasi ang bumitaw." Natatawang sabi niya.

"Argh! I want to sleep!" Reklamo ko. Napangisi naman siya ng nakakaloko. Bigla niyang hinila ang kumot ng malakas kaya napayakap ako sa kanya.

Na out balance siya kaya napahiga kami sa sahig. Ouch! Yung siko ko!

"Aray ko." Natatawang sabi niya.

"Ouch Miah!" Reklamo ko at umalis sa ibabaw niya. "Argh!" Padabog akong tumayo at naglakad papunta sa CR. Nalakasan ko ang pagsara ng pinto kaya gumawa ito ng ingay.

I heard the door open and close, sa labas. Napabuntong hininga nalang ako at naligo. Nagsuot ako ng normal kong sinusuot. Black jeans, tank top at nagsuot din ako ng denim jacket paired with boots.

Paglabas ko nakangising nakaupo si Miah sa high chair. Nakasandal ang siko niya sa table at nakatingin sakin.

"What!?" Masungit kong tanong.

Simula pagdating ko dito sa Pilipinas wala na kong naging matinong gising sa umaga! Lagi nalang akong binabagabag ng magkaibigang agents.

"Why so grumpy." Sinamahan ko ng tingin si Miah nung pinisil niya ang ilong ko.

"Eh tangina naman, ang aga aga nandito ka! Tsak paano ka nakapasok!?"

"You told me your password."

"Kailan!?"

"Nung lasing ka."

"Argh." Inirapan ko siya.

"Tss. Are you ready? Let's go." Aya niya at naglakad na papunta sa pinto.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko at nilapitan na siya.

"Out."

"Di pa ko kumakain." nakanguso kong tugon. Basta, ayokong lumalabas pag hindi ako nakakakain.

"Let's grab something outside." Napatango nalang ako at lumabas na kami.

Pumunta kami sa isang karinderya ni Miah. Walang masyadong tayo dito dahil maaga palang. Si Miah na ang nagbayad sa agahan namin. Tutal naman sabi niya babawi siya hahaha.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko nung nasa sasakyan na kami.

"Sa Ilocos." Tugon niya. Napatigil naman ako sa paglagay sa seat belt ko dahil hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.

"W-what?" Kinakabahan, gulong-gulong tanong ko.

"Just kidding." Bawi niya agad. Agad naman sumingkit ang mata ko at pinaghahampas siya.

"Tangina mo!" Inis kong sigaw sa kanya at hindi na siya pinansin.

"Tulog ka muna, malayo konti ang pupuntahan natin." Rinig kong sabi ni Miah. Kunot noo ko naman siyang nilingon.

Us against the World - TOTGA Book 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon