Chapter 30 - Hospital

163 7 5
                                    

Not edited yet 


Claire's POV


Mabilis akong nakabalik sa Manila dahil binilisan ko talaga ang pagpapatakbo ng sasakyan ko. Buti nalang walang pulis na nahuli akong nag o-over speeding.

Pagdating ko sa hospital kung saan si Miah agad akong nag-park at bumaba. Hindi ko na suot ang hoodie ni Zac, iniwan ko sa sasakyan ko at baka magtaka nanaman si Kuya kung kanina yun. He never seen me wearing hoodie, kaya baka magsuspetsya siya.

Nung nakarating na ko sa floor ng kwarto ni Miah, nakita ko sa gilid ang mga lalaking nakauniform at nagbabantay sa isang pinto. I recognize one of them kaya lumapit na ko sa kanila.

They looked at me and greeted me. "Where's my brother?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa loob po." Tugon ng isa. Tinanguan ko siya tsaka ako pumasok sa loob.

Napatigil ang lahat na nasa loob at tumingin sa gawi ko. Nasa side ng kama nakatayo si Kuya, nasa harapan naman nila ang Doctor ang dalawang nurse na babae. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nairita sa mga nurses. Pinagmasdan nila ako ulo hanggang paa at tinaasan pa ng kilay ang taray!

Tuluyan na kong pumasok sa loob at sinara ang pinto. Tinanguan ako ni Kuya at sinenyasan na lumapit at yun ang ginawa ko. I couldn't see Miah's face dahil nakaharang ang Doctor. Ngunit nakaupo siya't nakasandal sa kama niyang nakarecline. Nung tuluyan na kong nakalapit nagtama na ang tingin namin ni Miah.

May Bandage siya sa ulo, puro gas-gas din ang kanyang mukha't braso. He looks fine...but in pain. He immediately smiled at me, kaya nginitian ko rin siya.

"And you are?" Napatingin ako sa Doctor.

I was ready to answer it pero sabay na sumagot si Kuya at si Miah.

"His friend." si Kuya

"My fiancée." si Miah

Tumingin ako sa dalawa. Nagkatinginan sila, parehong masama ang tingin sa isa't isa.

"Whatever." Sabi nalang ni Kuya at inirapan si Miah. Napailing-iling naman ako sa kanilang dalawa.

"Tss. Rehina, come here." Malambing na sabi ni Miah. Napakunot ang noo ko dahil first time kong narinig ang malambing niyang boses na parang bata.

"Fucking asshole!" Mura ni Kuya kay Miah. Ngunit hindi siya pinansin ni Miah at nakatingin lang sakin.

Naglakad nalang ako palapit sa kanya at tumayo sa tapat ni Kuya, malapit kay Miah. He held my hand and squeezed it.

"Ang sakit ng ulo ko." Ngusong sabi niya.

"Fuck you moron! Kanina nga hindi ngayon sumakit!?" Inis na tanong ni Kuya.

"Eh wala na yung gamot eh, nararamdaman ko na ang sakit." Nakanguso parin si Miah.

"We just injected the pain reliever. Dapat wala kang nararamdaman sakit." Sabat ng doktor.

"Oh see!" Si Kuya.

"Baka walang epekto. Claire, oh binubully nila ako." Pagsumbong niya sakin at mas lalong ngumuso.

Narinig ko ang malutong na mura ni Kuya. Napapikit naman ako at napailing-iling tsaka tumingin sa doktor.

"Kamusta na siya Doc?" Tanong ko sa kanya.

"Like I told them earlier, okay na siya. Natahi na namin ang sugat niya sa ulo. Ang bilis niya ngang nagising eh, he should be awake after 2-3 days but he is immediately awake a few hours after the surgery." Tugon ng Doktor. Tumingin naman ako kay Miah, he's just staring at me and smiled at me. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling tumingin sa Doktor nung nagsalita. "He needed to stay here for a few more days para ma-monitor namin siya. Overall, he's perfectly fine. Hindi naman malakas ang naging impact ng pagkakauntog niya sa maubela."

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now