Chapter 19 - Chance

215 14 4
                                    


Claire's POV


"Nakakaloka diba!? Akalain mo yun, harap harapan hinalikan ng lalaki ang babae!" Sabi ni Zoe ngunit hindi ako nakikinig sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang iniisip ang nangyari.

"Huy!" Natauhan lang ako nung alugin ako ni Zoe.

"H-ha?" Nauutal kong sabi at tumingin sa kanya.

"Nakikinig ka ba!? Ano bang problema mo at kanina ka pa tulala diyan!?" Kunot noo niyang sabi.

Napabuntong-hininga naman ako at napasandal sa swivel chair ko. Dalawang linggo na ang nakaraan simula nung naging fiancé ko si Miah. I talked to Dad about my engagement with Miah, but his decision is final. I even begged my brother and sister to convince my Dad to stop the wedding, they tried but Dad's decision still stays the same!

Pagkatapos ng party ni Dad hindi ko na nakita si Miah ng isang linggo, then 3 days ago nagpakita siya sakin at pinag-usapan namin kung ano na ang mangyayari.

Dun niya binigay ang singsing na suot ko ngayon...

Throwback 3 days ago.

Nasa restoran kami ngayon ni Miah, nag-aya siyang mag-lunch dahil malapit lang daw ang mission niya sa pinagtatrabahuan ko.

"Here." Sabi niya sabay lapag ng singsing sa ibabaw ng lamesa. Kinabahan naman ako dahil naiisip ko na kung ano ang plano niya. "Your Dad said I need to buy you a ring, para daw malaman ng lahat na engage na tayo." Tuloy niya. Natulala naman ako sa singsing na nasa harapan ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na engage na nga kami ni Miah.

Simula nung gabi ng birthday ni Dad, naiilang na ko sa kanya. Iniiwasan ko rin siya at parang ganun din siya. Ngayon lang ulit kami nagkita ni Miah.

"Do I really need to wear it?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

"No choice." Kibit balikat niyang sabi. Napabuntong-hininga ako tsaka kinuha ang singsing at sinuot yun sa wedding finger ko.

"Meron ka din?" Takang tanong ko. Napatango siya at pinakita sakin ang suot niyang singsing.

Back to Present

"So ano nga bakla!? Tutunganga ka nalang dyan!?" Natauhan ulit ako nung nagsalita si Zoe.

"Wala, iniisip ko lang---"

"Si Miah nanaman." She cut me off. Napatingin ako sa kanya at tumango. "Alam mo kasi Claire, hindi ito mangyayari kung hindi nakatadhana. Malay mo, si Miah talaga ang susi para makalimutan mo na si ano..." Hindi niya masabi ang pangalan ni Zac.

"I already forgot him Zoe."

"Oys!? Talaga ba!?" Sarkastiko niyang sabi. Inirapan ko naman siya at pinagkrus ang mga braso.

"Alam mo Claire kung ano sayo, magiging masaya nalang ako dahil may magiging asawa na ko at hindi tatandang dalaga. Matututunan mo naman mahalin si Miah eh, matagal mo na siyang kilala. At alam mong hindi rin siya mahirap mahalin."

"Tama ka, hindi mahirap mahalin si Miah.I love him Zoe...But as a friend. Hindi ko alam kung paano siya mamahalin bilang...asawa?"

"Hindi mo naman talaga malalaman kung paano eh. Kusa nalang titibok ang puso mo para sa kanya, wag mong pilitin ang puso mong mahalin siya more than a friend. Hintayin mo lang ang puso mong titibok mag-isa para sa kanya. Just give him a chance Claire."

Us against the World - TOTGA Book 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon