Chapter 39 - I love you too

127 13 7
                                    




Claire's POV





Pagkalabas ko sa mansyon ng mga Rodriquez ay hindi ko napansin na sinundan pala ako ni Zac. I was just about to put my helmet on when he called my name kaya natigilan ako't hinarap siya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Anong pinag-usapan niyo nila Daddy?" Seryoso niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "It doesn't concern you Zac, kaya hindi mo na kailangan malaman kung ano man iyon. It's better if you ask your Dad about it hindi ako."

Nanatili parin seryoso ang mukha ko. Ngunit sa utak ko, si Zoe ang inaalala ko ngayon. She needs to be saved now! Pero kilala ko si Piggy, kahit naman magkaaway kami may tiwala naman ako sa kanya ng 0.1% na hindi niya sasaktan si Zoe. He's just using her maka makipagkita ako sa kanya at makalaban siya at ang mga kasama niya.

Hindi niya siya nagpumilit na malaman pa kung ano iyon. Kung kayat natahimik kaming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong helmet.

"Be Careful." Basag niya sa katahimikan.

Napatitig ako sa kanya. Not expecting what he said. "Thank you." Tugon ko. "I'll go ahead." Paalam ko tsaka ako sumakay sa motor ko. Muli ko siyang tinignan mula at nagtama ang tingin namin bago ko isuot ang helmet at umalis na duon.

Nung nakarating ako sa address na binigay sakin ni Piggy ay puro motor din ang nandoon. Tinanggal ko ang helmet ko at tumingin sa paligid. Duon ko narinig ang mga ingay at tawanan sa loob kung kayat nilapag ko ang helmet ko sa motor ko at pumasok na ko sa loob.

"Piggy!" Sigaw ko nung makarating na ko sa loob ng warehouse. Kung hindi ko makakausap ng matino tong lalaking to, sorry but not sorry but I think I have to do the hard way.

Naglakad ako palapit sa kanila, mga 25 ata sila kasama na dun si Piggy? Mukhang lahat sila ay mga binatilyo. Tsk.

"Claire, buti naman at dumating ka na." Nakangising sabi ni Piggy.

Napatingin ako sa kanya na nasa harapan. Nakaupo pa talaga siya sa upuan na may lamesa. Tss. Iba talaga tong lalaking to.

"Asan si Zo...e."

Natigilan ako nung makita sila Rhian, Zac, Dom at Keith na sugatan. Hindi naman ganun kalala ang sugat nila.Nakaupo sila sa upuan at nakaharap sakin, nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan nila at may tape sa bibig nila.

What the fuck happened!? Kanina kausap ko lang si Zac sa tapat ng bahay nila ha! How did he end up here...and the others!? What? I'm confused as fuck!

"What the hell are they doing here!?" Kunot noong tanong ko kay Piggy sabay turo sa kanila.

"Kinidnap ko sila. Ayos diba ang tagal niyong mag-usap kanina ng ex mo kaya natagal ang mga tauhan kong kunin siya. Yan naman..." Tinuro niya si Rhian. "Lumabas at nagsisigaw nung nakita niya kami kaya kinidnap na din namin." Nakangising sabi ni Piggy na may kindat pa. Napamewang naman ako.

"I didn't come here for them. I don't care about them. Asan si Zoe!?" Tanong ko. I do want to save them...pero si Zoe muna ang mauuna dahil mas importante siya.

"Aba malay ko." Sabi ni Piggy sabay kibit balikat.

Napabuntong-hininga ako a hinilot ang sentido ko. Ang dami ko na ngang problema dumagdag pa talaga tong si Piggy! Nilabas ko ang baril ko at tinutok sa kanya.

"Isang tanong isang sagot." Sabi ko habang hinanda ang baril ko. "Asan si Zoe." I gazed at Piggy deadly, na parang binabanta ko ang buhay niya.

Us against the World - TOTGA Book 2 Où les histoires vivent. Découvrez maintenant