Chapter 26 - Baguio

171 11 4
                                    


Claire's POV


Naalimpungatan ako nung makaramdam ako ng lamig sa katawan ko. Nakapikit kong niyakap ang katawan ko dahil inaantok pa ko. Pero hindi na ko nakabalik sa tulog kaya minulat ko na ang mga mata ko. Madilim na ang kapaligiran. Nagtataka naman ako kung nasan ako at anong ginagawa mo dito. Nung tumingin ako sa driver seat nakita ko si Zac na tutok lang sa daan. Dun na pumasok lahat ng nangyari samin.

Shit! Nalala ko nanaman ang nangyari saamin sa hotel. At mas lalong naalala ko kung gaano ako kasising sumama sa kanya sa Baguio. Teka saan na ba kami!?

"Nasan na tayo?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

"Paakyat." Tugon niya. Paakyat saan? So, nasa Baguio na kami!? Malamig na kasi ang paligid tsaka paakyat na kaya Baguio na?

Napatingin ako kay Zac nung lumapit siya sakin, sa gulat ay napaatras ako sa kanya pero biglang nahiya nung may kinuha pala siya sa likod. Napaiwas ako ng tingin nung naramdaman ko ang pang-iinit sa pisngi ko. Ang assuming mo te! Anong iniisip mo ha!? Duh! Tanga mo.

"Here, alam kong nilalamig ka." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. He handed me his hoodie.

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba yun oh hindi pero nilalamig na talaga ako kaya hindi na ako nag inarte at kinuha na yun sa kamay niya at sinuot. His cologne immediately invaded my nostril. Hindi ko alam kung bakit ko pa inamoy ang cologne niya nung naisuot ko na yun. He still uses the same cologne and...I missed it---fuck Claire enough already!

Napatikhim ako at tumingin na sa labas. Pero wala naman akong makita dahil nga gabi niya. Pero mas gugustuhin ko pang tumingin sa labas kahit wala akong makita, kay sa naman tumingin kung saan-saan sa loob ng sasakyan niya. Mas awkward yun!

Hindi nagtagal ay tumigil ang sasakyan niya---I mean sasakyan ko sa tapat ng isang malaking bahay. Napatingin ako kay Zac nung narinig ko ang pagtanggal niya sa seat belt niya tsaka siya lumabas. Hindi ko alam kung sasama ba ko sa loob oh hindi, hindi pa ko nakakapagdesisyon bumukas na agad ang pinto.

Nagtama ang tingin naman ni Zac, he's waiting for me to go out. Napaiwas ako ng tingin at tinanggal ang seat belt ko bago ako bumama. Agad na sumampal sa mukha ko ang malamig na hangin. Hindi ko mayakap ang sarili ko dahil hinawakan ko ang buhok ko at inipon yun sa isang kamay. Nangliliparan kasi dahil sa hangin. Nilagay ko naman ang isang kamay ko bulsa ng hoodie niya.

"Kaninong bahay to?" Takang tanong ko sa kanya nung humarap ako sa malaking bahay.

It's a modern house. Malaki siya at maganda. Meron din garden sa harapan at maraming mga bulaklak akong natatanaw mula sa kinatatayuan ko.

"Sa client ko." Tugon niya.

Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko.


"I need to discuss something with them." Aniya tsaka nagulat ako nung hawakan niya ang bewang ko. Hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko dahil sa gulat ng ginawa niya, kaya nagtataka niya kong nilingon. "Bakit? Takang tanong niya.

"Kailangan mo ba talagang hawakan ako sa bewang?" taas kilay kong tanong.

"Oh sorry. Automatic kasi eh."

"Anong automatic?"

"Nothing, let's go." Aniya buti naman at hindi niya na ko hinawakan sa bewang pero tangina hinawakan naman niya ang palapulsunan ko at hinila na ko papunta sa gate!

Nag-doorbell siya. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero ang awkward naman nun! Tsaka ang bilis ng puso ko! Sana hindi niya maramdaman ang pulso ko habang hawak niya ang palapulsunan ko! Nag-isip ako ng paraan para matanggal ang kamay niyang nakahawak sa palapulsunan ko.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now