Chapter 37-Reunion

105 11 4
                                    


Claire's POV


Paglabas ko ng kwarto ng hospital ni Dad ay sinalubong ako nila Kuya. My Mom hugged me before going inside to be with Dad. Tumingin ako kay Kuya, hinihintay na magsalita siya at sabihin sakin ang nalalaman niya ngunit nanahimik siya.

"Hindi ka talaga magsasalita?" Tanong ko sa kanya at pinagkrus ang mga braso ko. Nagkatinginan naman sila ni Miah bago muli siyang tumingin sakin.

"The Red Dragon group are behind of this." Panimula ni Kuya. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya.

I know that already

"The reason why they did this...I still have no clue. My man is still investigating what happened to Dad. Ayaw naman magsalita ni Dad at sinasabi niyang aksidente lang ang lahat." Tuloy niya.

I just stared at him, waiting for him to talk more. To give me more information. I know that he has more and he's not telling me!

"That's half of it. Tell me more." sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat naman siya.

"That's all I know so far. Nagiimbestiga parin kami hanggang ngayon." Seryoso naman niyang sabi.

Napabuntong-hining ako tsaka tumango nalang at napaiwas ng tingin. He might be lying or maybe not.

"Aalis na muna ako. May pupuntahan lang." Paalam ko tsaka nilagpasan sila.

"Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Kuya ngunit hindi ko na siya sinagot at sumakay na sa elevator.

Nung nasa labas ako ay sumakay na ko sa motor ko at umalis duon. Ang raming mga katanungan ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung sino paniniwalaan ko. If Dad tells the truth, then that's mean nung unang beses kong nakilala si Navy ay alam niya ng anak ako ng ama ko. But why would she lie about her past!? Para magalit ako sa ama ko?

Gabi na nung nakarating ako sa Manila. Agad akong dumeretso sa mansyon ng mga Rodriquez, para deretsohin na si Mr. Rodriquez.

Nung nakarating ako sa mansyon nila ay agad akong lumapit sa guard.

"Good evening po Ma'am, ano pong kailangan nila?" Bati sakin ni Kuya.

"Kuya nasa loob po ba si Mr. Rodriquez?" Tanong ko sa kanya.

"Ah apo Ma'am."

"Kuya pwede ba akong makapasok? Gusto ko lang siyang kausapin. Claire po ang pangalan ko----"

"Kayo ho si Ma'am Claire?" Gulat niyang tanong. Napakunot naman ang noo ko.

"Kilala niyo po ko?"

"Ah, hindi naman hija pero kwinento ka saamin noon ni Manang. Ikaw daw po yung kasintahan ni Sir Zac." Ngumiti siya ng napakalaki na parang nag-aasar.

Tumikhim naman ako at napaiwas ng tingin sa kanya. So, pinagkwe-kwentuhan pala nila ako? Hala ano naman sinasabi nila sakin?

"Tuloy na po kayo Ma'am." Natauhan ako nung nagsalita si Kuya. Binuksan niya ng mas malaki ang gate.

"Salamat po Kuya." Sabi ko sa kanya at tumuloy na.

Pumunta ako sa pinto at nag-door bell. Wala pang limang segundo ay bumukas na iyon at sinalubong ako ng katulong nila.

"Sino pong hanap nila?" Tanong niya.

"Si Mr. Rodriquez." Sabi ko.

"Pasok po kayo." Aniya. Pumasok naman ako at tumingin sa paligid. Every corner of this mansion changed. "Maupo na muna kayo sa sofa Ma'am. Tatawagin ko lang po si Sir." Aniya.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now