Chapter 41 - Love

126 12 9
                                    

SHORT CHAPTER


Claire's POV



Weekend na ngayon at ngayon na kami aalis n Zac. I asked Zac kung saan kami pupunta ngunit kanina pa niya sinasabing surprise daw. I've never been this excited in my life. Kaya hindi ako mapakali at gusto ko ng malaman kung saan talaga kami pupunta.

Madilim na ngayon dahil 11 na ng gabi. Hindi ko nga alam kay Zac kung bakit gabi na kami umalis. He said he wanted to surprise me at midnight, ano kayang meron sa midnight?

"Sa Tagaytay ba punta natin?" Tanong ko at binaling siya.

He glanced at me and smiled as if it would answer my question!

Hindi nagtagal ay mabagal na ang takbo ng sasakyan niya. Then, he stopped in front of a familiar house.

"T-This house..." Natulala ako sa bahay at tumingin kay Zac.

He smiled at me again making me more curious kung ano ang ginagawa namin dito! Bumaba siya sa sasakyan at bumaba narin ako. Naglakad siya sa harapan ng sasakyan niya at pinuntahan ako. Hinawakan niya ang siko ko at siya na ang nagsara ng pinto.

"Let's go." Nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Nagpatiyanod naman ako sa paghila niya sakin.

He opened the door and motioned me to go inside first. Madilim ang loob ngunit nagbibigay liwanag ang buwan. Napatingin ako kay Zac nung pumasok na rin at in-on niya ang ilaw. I closed my eyes for a second dahil sa biglang liwanag at nung naka-adjust na ang mga mata ko ay nilibot ko ang paningin ko.

Lahat ng mga kagamitan at kung saan sila the last time I went here ay ganun parin ang ayos. Walang alikabok sa paligid at malinis ito na parang everyday may nakatira.

"Dito ka ba natutulog?" Tanong ko sa kanya.

Napailing siya at tinignan din ang paligid na parang bago rin siya dito. "Minsan lang ako pumupunta dito. I asked someone to take care of this house habang wala ako at nililinis niya rin."

Napatango-tango ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Napatingin ako sa kanya nung hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin at nag-angat ng tingin sa kanya. He smiled at me at hinila niya ko paakyat sa taas.

I gasped when I saw the roses and small candles on the floor. They form a path towards the veranda. Kung saan maliwanag dahil sa christmas lights. I let go of his hand at ako ang unang lumabas sa veranda. There's flowers everywhere. Lights everywhere. Balloons and flowers.

"A-anong meron?" Naguguluhan kong tanong at tumingin sa kanya sa likuran ko.

"Don't you remember?" Tanong niya sakin at lumapit na rin.

"A-ang alin?" Takang tanong ko.

"Remember. Think." Nakangisi niyang sabi. Napakunot ang noo ko at inalala kung ano man ang meron ngayon.

Wala naman! Think carefully Claire! Think before---the celebrations before!

May birthday celebration ba? Mukhang wala naman. Hindi ko pa naman birthday. Tapos na naman na nag birthday niya. Belated happy birthday---I stopped thinking the birthday when I got an idea kung ano ang meron ngayon.

"Happy 9th break-up anniversary!?" Nanlalaking matang tanong ko.

Nagsalubong ang kilay niya bago siya tumawa. Napanguso naman ako at inalala kung ano nanaman meron. But I really know kung anong meron ngayon. Of course, how can I forget! Napatingin ako sa relo ko. 10 more minutes before midnight...before the day we first said I love you to each other.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now