Chapter 14 - Friendly Date Part II

200 16 3
                                    


Claire's POV


"Ayoko na pagod na ko." Hinihingal na sabi ko at naupo sa bench na nasa harapan ko. Tumabi naman si Miah sakin at uminom ng tubig.

Pinanood ko siyang inumin ang tubig. Uhaw din ako kaso tong kumag na to iisa lang biniling water bottle! Ang taray!

"Want some?" Nakangising niyang tanong nung nakita akong nakatingin sa water bottle na hawak niya.

Inirapan ko siya at kinuha ang water bottle sa kamay niya at inubos yun. Napabuntong-hininga ako tsaka sumandal sa bench pagkatapos kong uminom. Sinara ko ang bottle at naghandang mag-shoot sa basurang malapit samin.

3 points!

"Tss." Ani Miah.

"Claire?" Napaangat ang tingin ko sa babaeng tumawag sa pangalan ko.

TANGINA! Anong ginagawa niya dito!? Napatingin ako sa likuran niya, walang emosyon siyang nakatingin sakin ngayon.

Haist! Pagminamalas ka nga naman oo! Sa dinami dami ng araw na pupunta sila dito ngayon pa!? Bakit tadhana!?

"Rhian." I faked a smile.

"Wow. What a small world, I didn't expect to see you here." Nakangiti niyang sabi.

"Yo también" Bulong ko sa sarili ko.

(same here)

"Yeah, me too." Nakangiti kong sabi. Sana hindi halatang pinipilit ko lang. Pero narinig kong pinipigilan ni Miah ang tawag niya. Mukhang pansing niyang nagiging plastic ako sa babaeng to!

"Hon." Sabi ni Rhian nung tumabi sa kanya si Zac at pinalupot ang kamay sa bewang niya. Nag-iwas naman ako ng tingin at nagmura nalang sa isipan ko.

"Mr. Rodriquez." Sabi ni Miah. Kunot noo ko siyang nilingon nung bigla niya nalang akong inakbayan. Nakangiti lang siya kay Zac. Napalingon naman ako kay Zac at nakita kong tinitigan niya ang kamay ni Miah sa balikat ko.

"Miah." cold na sabi ni Zac at nag-staring contest sila. Okay...this is...awkward.

"Are you guys on a date?" Basak ni Rhian sa katahimikan. Phew!

"A-ah---"


"Yes." Miah cut me off. Nakatingin na siya ngayon kay Rhian at ang laki ng ngiti ng loko. "Nagtatampo kasi siya sakin kaya bumabawi ako ngayon." Tumingin na siya sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Ano bang pinaggagawa ng lalaking to!?

"Awww, you guys are so cute together." Napayuko ako at nag-irap sa sinabi ni Rhian. Cute mukha mo!

"What about you guys? Are you on a date too?" Tanong ni Miah. Wag mo na silang tanungin para umalis na sila!

"Ah yeah, were celebrating our anniversary." Napatingin ako sa kamay ni Rhian nung niyakap niya ang braso ni Zac. Pag-angat ng tingin ko kay Zac nagtama ang mga mata namin. Agad naman akong umiwas dahil nagbabadyang tumulo ang mga luha ko!

Tangina! Ano bang nangyayari sakin!? Bakit pa ko nasasaktan! I need to let him go and move on! He's fucking married Claire! Please heart, stop beating for him!

"Oh wow, congrats. Getting stronger ha?" Sabi ni Miah. "Right Claire?" Naramdaman kong pinisil ni Miah ang balikat ko.

"Y-yeah." Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa. "Congrats." Nakangiti kong tuloy.

Us against the World - TOTGA Book 2 Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin