Chapter 20 - First Warning/Confession

193 7 0
                                    

not edited yet.


Claire's POV


Dalawang linggo na ang nakalipas. Simula nung gabing sinabi ko kay Miah na gusto kong bigyan ng chance ang relasyon namin. Walang tigil siya sa kakaligaw sakin. 24/7 he always call me or text me; update me, ask how am I, remind me to eat and more.

Nagpapadala din siya ng mga pagkain dito sa office, pati bulaklak! Grabe talagang manligaw si Miah ha!? Napaisip din ako, ganito din ba siya manligaw sa mga past relasyon niya?

Inaamin ko...I find it sweet at kinikilig ako. Ngayon ko lang nakita ang side na to ni Miah. Akala ko kalakohan lang siya, pero may sweet din pala siya sa katawan.

*Knock. Knock.*

"Pasok." Sagot ko.

Inalis ko ang paningin ko sa computer at tumingin kay Mikay nung pumasok siya. Nakangiti siya sakin at nanunukso ang mga mata niya. I know what that means. Pay pinadala nanaman ng mokong na yun.

"Para daw po sa inyo Doc." Sabi niya sabay bigay sakin ng bouquet ng rosas at mas lalong lumaki ang ngiti ko nung kasama yun ang unggoy na napalanunan niya sa EK noon.

"Thank you Mikay." Sabi ko bago siya lumabas.

Inamoy ko naman ang bulaklak, kasabay ng pagtunog ng phone ko. Kinuha ko naman yun sa bago ko at napangisi nalang nung si Miah ang tumatawag.

"Hello?" Sagot ko.

["Did you like it?"] Feel ko nakangisi siya ngayon. Napangisi din ako at nagbaba ng tingin sa mga rosas.

Napakunot ang noo ko nung parang may letter 'U' sa gitna. Baka namamalikmata lang ako. Pero pati yung ibang bouquet, parang may mga letra din.

"Araw-arawin mo talaga ang pagbibigay sakin ng bulaklak?" Natatawa kong sagot at hindi na pinansin ang letter 'U' na nakita ko.

["Of course. Manliligaw nga diba."] Natawa naman ako.

"Tss. Thank you, I love it."

["You're always welcome---Huy Miah, tawag ka ni Boss."] Rinig kong sabi ng lalaki ["Sige, una ka na."] Rinig kong sagot ni Miah.

"Mukhang may pinapagawa si Kuya ha." Natatawa kong sabi ko.

["Istorbo Kuya mo."] Iritado niyang sabi. Natawa naman ako.

"Sige na, baka paglinisan ka nanaman niya ng kotse kung malate ka." natawa naman siya.

["Bye."]

"Bye."

END CALL

Gabi na nung matapos ako sa trabaho. Umumi na kanina pa si Zoe, ako nalang ang natitira dun sa vet. Hindi pa maayos ang sasakyan ko kaya kailangan kong pumara ng taxi. Pero kailangan ko munang tumawid sa kabila.

Tinignan ko ang kaliwa't kanan ko. Walang mga sasakyan na dumadaan kaya tahimik ang buong kalye. Nagsimula na kong tumawid at nung nasa gitna na ko, napalingin ako sa motor sa kanan ko.

Naistatwa ako at napapikit dahil ang lakas ng ilaw nun! Hindi ko alam kung bakit naestatwa nalang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako sa paparating na motor. Pinikit ko ulit ang mga mata ko at bigla akong nakaramdam na may yumakap sakin.

Ang bigat ng paghinga niya. Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko nung naamoy ko ang bango niya.

Hindi. Nagkakamali lang ako! Bakit naman siya nandito!? Patay na ba ko at naghu-hullucion lang ako?

Us against the World - TOTGA Book 2 Onde histórias criam vida. Descubra agora