Chapter 17 - Birthday/Fianceé

230 16 3
                                    

Author's Note: Sorry guys late update this week but here's the next chapter. Hope you you guys like it<3 Not edited yet.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Claire's POV


Hindi parin ako makapaniwala na ayos na kami ni Dad. Nag-usap narin kami at nagkapatawaran. Syempre masaya. Masayang nasaya dahil tanggap parin ako ni Dad. He also blame himself dahil sinisi niya lahat sakin. Sabi niya galit lang daw siya nung gabing yun at saakin niya naibuntong ang sama ng loob niya. He regretted everything that he said back then but I already forgive him.

Gabi na ngayon at naghahanda na kami papunta sa venue kung saan gaga napin ang birthday ni Dad. Dapat hindi ako magpapalit kaso nagpumilit si Mommy, kaya nagpalit nalang ako.

Kararating din lang ni Ate galing airport. Nag-aayos na din siya.

Pagbaba ko umupo ako sa sofa at hinintay sila. Naka white bodycon dress ako ngayon, paired with red stilettos. I just let my wavy hair down.

Ilang minuto na ang nakalipas kaso hindi pa sila bumababa. Tatayo na sana ako kaso nakatanggap ako ng text galing kay Miah.


From: Miah

Asan ka na? Nandito na kaming lahat ikaw nalang ang wala.

Received


WHAT!? Did they just leave me here alone!? When did they leave the house!? Ba't hindi nila ko in-inform at sinama!? Naiinis din ako kay Kuya't Ate, mas lalo na si Miah! Hindi niya lang ako sinabay bwisit!

Nag-decide na kong umalis sa bahay mag-isa---ako lang pala ang naiwan. I used my car, dapat sasabay ako kay Miah eh pero iniwan niya ko tangina niya! Pagdating ko sa venue mukhang nakarating na lahat ng bisita dahil wala ng pumapasok.

"Thank you." sabi ko sa guardia sabay ngiti sa kanya nung binuksan niya ang pinto papasok.

There's a long hallway in the right and left. Kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"May I help you Ma'am?" Napatingin ako sa babaeng lumapit sakin.

"Do you know where is Mr. Mendoza's birthday party is?" Tanong ko.

"Just go to this hallway Ma'am and turn left." Tugon niya sabay turo sa left hallway.

"Okay thank you." Sabi ko at naglakad na paalis dun. Pagliko ko...

"Oh shit!" agad kong tinakpan ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

"Oh my god Claire!" Sabi ni Zoe pagkatapos ko siyang mahuling may kalaplapan! Nakatakip parin ang kamay ko sa mata ko. Gosh I didn't just witness that!

"Una ka na, sunod ako." Rinig kong sabi ni Zoe. Napairap nalang ako. Pagtanggal ko ng kamay kong nakatakip sa mata ko, naglalakad na paalis ang lalaki.

"Sino yun!?" Agad kong tanong sa kanya. Napakunot naman ang noo ko nung lingunin niya ko dahil nasira na ang lipstick niya. "Ayosin mo nga pagmumukha mo." inis kong sabi sa kanya.

"Bakit maganda naman makeup ko ha!" Reklamo niya.

"Oo nga pero sinira na ng lalaking yun."

"Ay, paano ba naman kasi. Sinakop niya lahat ng labi ko gosh he's a good kisser." excited niyang sabi. Inirapan ko naman siya tsaka kami pumunta sa washroom para mag-retouch siya.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now