Chapter 16 - He's coming/Welcome Home

234 18 3
                                    


Author's Note: My lovable beautiful/handsome readers I might not be able to update next week because I have an upcoming exams and I need to study. Kaya tiis muna kayo dahil late update this week. Thank you for understanding! <3 and also hindi pa to edited guys. I will edit this as well as the other chapters kung may time ako. <333
—————————————-


Claire's POV


Gabi na ngayon. Pagkaalis ni Heart dun nagyaya na din akong umuwi dahil wala na ko sa mood. Kanina pa tumatakbo sa isipan ko ang mga taong tungkol kay Heart at sa pag-uusapan namin.

Gustuhin ko man umalis dito sa Pilipinas ngunit kailangan ko pang manatili dahil may kailangan pa kong gawin. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan yun.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa sofa. Nasa ganun akong sitwasyon nung tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun sa table at binasa ang text galing kay Kuya.


From: Kuya

Pupunta kami sa bahay nila Mom para sa birthday ni Dad. Are you coming?

Received


Tinignan ko ng matagal ang text niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam ko naman na kailangan ko na silang makausap at makita, kaso hindi ko alam kung gusto pa nila ko makita.

Pero kahit na ganun gusto ko pa rin pumunta sa birthday ni Dad, dahil kahit tinakwil niya na ko. He's still my father.


To: Kuya

I'll try. Mauna na lang kayo.

Send


Pagkatapos nun hindi na siya nag-reply. Papatayin ko na sana ang phone ko kaso may-text sakin.


From: UNKNOWN

Meet me tomorrow. I will send you the address later.

Received


Paano niya nalaman number ko? Napabuntong-hininga nalang ako at pinatay na ang phone ko. Hindi ko pa nga nasisimulan kung ano talaga ang pinunta ko dito may dumagdag nanaman!

KINABUKASAN

Naalimpungatan ako nung marinig kong tumunog ang phone ko. Kaso hindi ko yun pinansin at pinilit na natulog ulit, nakatulog nga ko. Kaso biglang nag-ring ang phone ko kaya padabog akong umupo sa pagkakahiga at kinuha ang phone ko.


Incoming - H


"What now Heart!?" inis kong sagot sa tawag at humiga ulit.


["Sinend ko na ang address gaga. You should be here in 30 minutes, I'm a busy person."] sabi niya at pinatay na ang tawag.


Inis kong tinignan ang oras sa phone ko. It's fucking 5 am in the morning! Ang aga naman niyang magistorbo!?

"Argh!" Inis kong sigaw at tumayo na.

Pagkatapos kong maligo at magbihis hindi na ko kumain at agad na umalis para makatulog ako mamaya. Same style parin ang suot ko. Jeans, tank top and leather jacket paired with boots.

I just let my wavy long hair down. Pagkababa ko sa parking lot sumakay na ko sa motor ko at sinuot ang helmet para ako umalis dun.

Mabilis lang akong nakarating sa address na binigay ni Heart. Nung nakapark na ko pinagmasdan ko ang lugar. It's an exclusive club. Mga mayayaman lang talaga ang nakakapunta dito.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now