TPT - 21

1K 81 23
                                    

Alfred Tale Crosagne

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alfred Tale Crosagne

* * * * *

M A R K

Ilang oras na ata akong umiiyak dahil sa nangyari kanina. Pakiramdam ko ay mugtong-mugto na ang pareho kong mata dahil nagsisimula na ring manghapdi ito. Minsanan akong napapapukpok sa aking dibdib dahil sa kirot nito sa tuwing naaalala ko ang tinging ipinukol sa akin ni Tale kanina.

"What did you do, Mark?"

Muli akong napahagulgol nang manariwa sa aking isip ang sinabing yun ni Tale. Punong-puno ng poot ang ekspresyon ng kanyang mga mata habang sa akin nakatingin. Ayaw kong paniwalaan ang kutob kong yun. Gusto kong isipin na nagaalala rin siya sa akin kahit papa'no. Gusto kong isawalang-bahala ang mga isiping yun.

Ngunit ang maalala ang huli niyang sinabi bago sila umalis ay parang isang punyal na tumarak sa dibdib ko.

"Wait me here. We need to talk."

Umayos ako ng pagkakaupo sa malambot na kama nitong kwarto ko. Mas minabuti kong dito muna manatili habang hinihintay ang pagbalik ni Tale.

Hindi dapat ako nagkakaganito. Alam ko sa sarili kong wala akong kasalanang ginawa sa babaeng yun. Lahat lamang na yun ay ginawa niya para mabaling ang galit sa akin ni Tale sa akin hindi sa kanya.

Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa galit sa babaeng yun. Bakit kailangang may mamagitan pa sa kanila ng babaeng yun.

"You know, I am his first friend, first crush, and first love."

Masyado na bang malalim ang naging pagsasama nilang dalawa? 'Yon ba ang dahilan kaya ganun na lang siya ka-concern sa babaeng 'yon?

Napatigil ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng mga yabag mula sa labas ng kwarto. Tahimik ko lang itong pinakinggan hanggang sa mawala ang mga yabag na 'yon.

"Mark?" narinig ko ang pagtawag ni Tale sa pangalan ko at ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto.

Sinikap kong punasan ang natuyong luha sa aking pisngi at inayos ang sarili ko. Ngunit kahit ano namang gawin ko ay mahahalata niya pa rin ang pag-iyak ko dahil sa namumula at mugto ko nang mga mata.

"Mark?" tawag niya muli at mas lumakas pa ang mga katok na kanyang nililikha.

Sa puntong 'yon ay napagdesisyunan kong tumayo na upang pagbuksan siya ng pinto. Saktong pagbukas ko ay 'yon din ang pagtatagpo ng mata naming dalawa. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata.

Imbes na tumitig sa kanya ay pinili ko na lamang na iyuko ang aking ulo. Mariin kong naikagat ang aking labi dahil sa nagsisimulang pagdaloy muli ng mainit na luha sa aking mata. Pakiramdam ko ay ang hina-hina ko.

"Wala akong ginawang masama sa kanya." panimula ko kasabay ang pamamalat ng aking boses.

"She's already fine." pagtutukoy niya kay Natalie.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now