TPT - 13

1.3K 94 36
                                    

Mark Hope Calvares

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mark Hope Calvares

* * * * *

M A R K

Nakahawak ako sa aking ulo na bumangon kinaumagahan. Parang hinahati sa dalawang piraso ang ulo ko dahil sa kirot nito. Hindi ko na matandaan ang lahat ng nangyari kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko rin alam kung paano pa ako nakauwi ng bahay. Napatingin ako sa puti kong tee shirt na suot ko rin kagabi na may bakas ng suka. Napangiwi ako nang malaman na sumuka na pala ako kagabi sa sobrang kalasingan.

'Ano bang nangyari kagabi?'

Muntikan pa akong mawalan ng balanse nang tumayo ako. Parang umiikot ang buong kwarto. Agad akong napaupo sa kama habang sapo-sapo pa rin ang ulo ko. Bwesit naman kasi yang Otep na yan eh! Kung hindi dahil sa pagyaya niya sa akin kahapon, hindi ako nagkakaganito sana ngayon. Sasapakin ko talaga ang isang yun sa oras na makita ko siya.

Nang medyo makabawi ay muli akong tumayo at kumuha ng pares ng simpleng damit upang maligo. Kailangan ko lang iligo itong hangover ko para kahit papaano ay mabawasan. Hanggang ngayon ay nalalasahan ko pa rin sa lalamunan ko ang alak na aking ininom kagabi. Napapangiwi na lamang ako sa tuwing napapalunok ako ng aking laway. Naabutan kong wala sa bahay si tita. Baka lumabas at bumili ng almusal.

Tumungo ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig bago pumasok sa loob ng cr. Walang shower dito sa amin hindi tulad doon sa condo unit na tinutuluyan ko. Ang meron dito sa amin ay balde at tabo lamang. Kailangan mo pang mag-igib sa labas para may magamit kang tubig. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko kayang mag-igib ng pangligo ko. Mabuti na lang may stock pa ang drum sa loob ng cr at yun na lamang ang ginamit ko. Paniguradong magagalit si tita Emma nito. Kapag naging maayos na ang pakiramdam ko ay mag-iigib na lang ako bilang pamalit sa ginamit ko.

Hindi lang ako nagtagal sa loob. Matapos makapagbihis ay lumabas na rin ako sa cr at bumalik sa loob ng kwarto upang mag-ayos. Saktong paglabas ko ay dumating naman si tita habang may bitbit na isang plastic ng pandesal. Napatigil ako sa paghakbang na nakasunod si Otep kay tita sa pagpasok.

"Musta na ang pakiramdam mo, Mark? Paniguradong may hangover ka kaya binilhan kita ng champorado sa labas." ngiting-ngiti pa ang kumag habang tinataas ang hawak niyang plastic ng champorado. Napaikot lang ako ng mata. Kung hindi naman dahil sa pagyaya niya sa akin, hindi ako magkakaroon ng hangover ngayon eh. Gusto ko siyang hambalusin ng tuwalya sa aking balikat ngunit pinili ko na lang na huwag ituloy ay baka mapagalitan pa ako ni tita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kusina  at nilampasan ang kumag na hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtitimpla ng kape na nakalagay pa sa 3-in-1 pack. Napansin ko ang paglapit ni Otep sa akin at kumuha ng mangko. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang sinasalin niya ang binili niyang champorado. Doon ko lang napansin ang pasa sa gilid ng kanyang labi.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon