TPT - 29

744 29 10
                                    

Alfred Tale Crosagne

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alfred Tale Crosagne

* * * * *

M A R K

Marahan kong hinalikan ang kamay ni tita Emma bago pinalis ang bakas ng luha sa aking pisngi. Isang linggo na nakalilipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si tita Emma.

"Tita Emma? Gising ka na oh. Miss na miss ko na 'yong boses mo eh." pagkausap ko kay tita Emma kahit alam kong wala akong matatanggap na tugon mula sa kanya.

Halos mamugto na ang mata ko dahil sa walang tigil kong pag-iyak at patuloy na umaasa na magising na si tita Emma. Bigla ko tuloy naalala 'yong sinabi ng doktor na maaaring matagalan bago magising si tita dahil sa damage na nadulot ng pagkakahulog niya sa hagdan.

Halos manlumo ako nang makarating kami nina Tale at Jack sa ospital nang gabing 'yon. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang buhay ko. Buong akala ko ay mawawala na sa akin si tita Emma. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala pa siya sa buhay ko. Si tita Emma na lang ang natitirang pamilya ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta kapag nawala pa siya sa akin.

"Hey." napalingon ako sa gawing likuran ko nang maramdaman ko ang kamay ni Jack sa balikat ko. Mapait ko itong nginitian.

"Andyan ka na pala. Wala pa ba si Tale?" pagtatanong ko bago tinungo ang sofa nitong hospital room ni tita. Sumunod naman siya at umupo sa katabing sofa.

"Mark." pagtawag niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Bakit? May problema ba?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"I need to tell you something, Mark." Tila hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Para siyang kinakabahan at hindi matigil sa paglalaro sa mga daliri niya.

Lumapit ako sa kanya tsaka hinawakan ang nanginginig niyang kamay. Tumingin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na namumugto at malalalim ang kanyang mata.

"May nangyari ba?" pagtatanong ko ulit.

"The night when tita Emma's incident happened..." naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Bumitiw din siya ng tingin sa akin.

"Ano ba talagang nangyari?" halos lumabas na ang puso ko sa biglaang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako na natatakot sa maaaring marinig ko.

Ang buong alam ko lang sa nangyari ay naglalakad si tita Emma pababa galing second floor nang aksidente siyang nadulas sa hagdan at nagpagulong-gulong pababa. 'Yon ang alam kong dahilan kung bakit comatose si tita Emma ngayon dahil sa damage na natamo ng ulo niya dahil sa nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon