TPT - 03

3K 148 13
                                    

Mark Hope Calvares

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mark Hope Calvares

* * * * *

M A R K

"What are you doing in my office?" seryosong tanong nito sa lalaking kumausap sa akin kanina.

Sinasabi ko na nga ba na hindi siya ang may-ari nitong restaurant. Sa hitsura niya pa lang na mukhang banyaga ay maipagkakaila na ito sa pangalan na pang-Hapon.

Kinabahan lang ako kanina para sa wala. Gusto ko siya ngayong suntukin dahil sa lakas ng tama niya para pag-trip'an ako ng ganun. Sino ba siya sa inaakala niya?

"Ah! About that?" napakamot ito sa kanyang batok at sandaling natahimik. May pagtataka na siyang tinitingnan ng huli dahil sa inaakto niya.

Buti nga sa kanya. Akala niya kung kung sino siya kanina kung tanungin ako. Eh hindi naman pala siya ang may-ari nitong restaurant.

Nang sa tingin ko ay napagtanto niya na ang kanyang sasabihin ay mabilis itong lumingon sa akin at itinuro ako.

"I'm just talking to this applicant while you're gone. Right?" parang kinakausap niya ako gamit ang kanyang mga mata habang hinihintay ang aking pagtugon. Mabilis akong tumayo at tumango-tango. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong makipag-cooperate dahil nasa harapan ko ngayon ang tunay na may ari nitong restaurant. Ang taong dapat kong kumbinsihin na matanggap ako dito.

Tumango-tango lamang ang lalaking nagngangalang Ryuu at naglakad patungo sa kanyang office desk. Sumunod naman sa kanya ang lalaking kausap ko kanina na malokong nakangisi sa akin.

"Take your seat." halos sabay kaming tatlo na naupo. Si sir Ryuu sa kanyang swivel chair kaharap ako at ang una na walang ginawa kundi ang ngisian ako. Hindi ko lang maiwasang maalibadbaran sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang may dalang pangiinsulto ito sa hindi ko malaman na dahilan.

"To be honest with you Mr?" pagputol nito dahil hindi pa pala ako nagpapakilala sa kanya.

"Mark Hope Calvares po." pagpapakilala ko sa kanya. Saglit akong napalingon sa harapan ko nang tumikhim ang lalaki.

"Mr. Calvares. I'm sorry to say but we're not hiring applicants anymore."

Nakaramdam ako ng panlulumo nang walang paligoy-ligoy niyang sinabi sa akin yun. Hindi niya man lang inisip ang mararamdaman ko kung ganun na lang yun. Sabagay, ganito talaga ang buhay. Asahan na natin ang hindi inaasahan. Tulad kanina ay bigo pa rin akong matanggap sa trabaho.

"Ganun po ba? Okay po, naiintindihan ko po." tatayo na sana ako upang magpaalam nang magsalita ang lalaking kaharap ko upang ikalingon ko pabalik sa kanya.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon