TPT - 20

1K 75 36
                                    

Mark Hope Calvares

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mark Hope Calvares


* * * * *

M A R K

"Don't you like the food?" nabalik ako mula sa pagkakatulala nang tanungin ako ni Tale. Kahit wala sa sarili ay sinikap ko na tumugon sa kanya.

"Masarap siya." aksidenteng bumaling ang tingin ko kay Natalie na nakatingin na rin pala sa'min. Tumingin ako muli kay Tale na nagtataka pa ring nakatingin sa'kin. Kahit pilit ay sinikap ko siyang ngitian upang hindi na siya masyadong magtaka sa akin. Sana.

Hindi pa rin kasi maproseso sa isip ko na naririto siya ngayon. Kasalo namin sa pagkain. Hindi ko akalain na magtatagpo muli ang landas naming dalawa sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

"I'm Natalie."

"I was his toy. So, are you, too?"

"I pity you, girl."

"I didn't know his into boys now."

Isa-isang nanariwa sa aking isipan ang mga sinabi niya sa akin noong una ko siyang nakita sa kasal ni Samantha. Unti-unti ko na sana yung isinawalang-bahala ngunit ito siya sa harapan ko, unti-unting pinapaalala sa akin kung sino siya noon sa buhay ni Tale.

Muli akong napatingin kay Tale.

Nagsisinungaling lang ba si Natalie para sirain ang relasyon na meron kami ngayon ni Tale?

Hindi ko naman kasi napansin ang pagkagulat sa mukha ni Tale kanina nang makita niya si Natalie. Sinalubong pa sila nitong nakangiti kanina. Kaya papaanong naging laruan siya ni Tale noon?

"Excuse me..." pagpaalam ko sa kanila bago tumayo upang tahakin ang daan papuntang cr.

"Are you alright?" nadinig ko pang tanong ni Tale sa akin bago ako magsimulang maglakad ngunit hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin hanggang sa makarating ako sa loob ng cr.

Mahigpit akong napakapit sa ibabaw ng sink at mariing pinakatitigan ang aking sarili mula sa repleksyon ko sa salamin. Palagi na lang ba ako magiging ganito sa tuwing nakikilala ko ang mga babaeng dumaan sa buhay ni Tale noon? Palagi na lang ba ako mag-iisip ng kung ano-ano?

Sinikap kong kalmahin ang aking sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at kalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Bakit kailangan palagi ako maging ganito? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Napapitlag ako nang madinig ko ang pagkatok ng kung sino. Maagap kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mata bago pagbuksan ang tao sa labas.

"Hey! You seem so odd today. May nangyari ba kanina?" gusto ko man siyang tingnan sa kanyang mga mata ay tila nawalan ako ng lakas ng loob dahil sa nangyayari.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon