TPT - 07

2K 110 16
                                    

Mark Hope Calvares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mark Hope Calvares

*****

M A R K

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" pasigaw na tanong ko dahilan para mapatigil sa ginagawa ang lalaking ngayon ay nakatalikod sa akin. Dahan-dahan siyang pumaharap sa akin. Hinintay ko siyang sagutin ang tanong ko kung ano ang pakay niya dito sa loob ng kwarto ko.

Tanging mapaglaro na ngisi ang nasilayan ko sa kanyang mukha nang tuluyan siyang nakaharap sa akin. Nagtatanong ang aking mga mata na tiningnan siya. Siya pa ngayon ang may ganang ngumisi ngayon. Pwede ko siyang kasuhan ng trespassing dahil sa walang pahintulot niyang pagpasok sa unit ko.

"Anong ginagawa mo dito?" pag-uulit ko sa kanya at baka hindi niya lang nadinig ang una kong pagtatanong. Imbes na sagutin ako ay humakbang siya papalapit sa akin habang nakahawak ang pareho niyang kamay sa kanyang bewang. Dahil sa puting tee shirt lang ang kanyang suot ay hindi nakawala sa aking paningin ang pagtangis ng kanyang mga braso. Napalunok ako. Hindi ko man lang namalayan na tuluyan na pala siyang nakalapit sa akin dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa kanyang matigas na braso.

Maling napatingin ako sa kanyang mukha para lang magtagpo ang paningin naming dalawa. Nagsimulang mag-init ang aking pisngi sa muling makita siya ng malapitan. Ang kanyang kulay abo na mga mata na para akong hinihipnotismo. Ang ilong niyang matangos na halos dumikit na sa aking ilong dahil sa sobrang lapit niya. Sa mapula niyang labi na hindi na naalis ang isang ngisi at ang hiwa sa pagitan ng kanyang baba. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na purihin ang taglay niyang kagwapuhan. Ito pa lang ang unang beses kong inamin sa sarili ko na nagagwapuhan ako sa lalaking ito. Parang isa siyang diyos ng mga Griyego na ibinaba mula sa itaas upang akitin ang isang tulad ko. Sadyang napakaperpekto ng kanyang mukha maging ang buo niyang katawan.

"Hindi mo ba gusto na nandito ako sa kwarto mo?" naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay pahawak sa aking nanginginig na panga. Parang may mahika itong dala na nagpakabog pa lalo sa aking dibdib. Para itong may dalang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan. Mula sa pagkakatitig sa aking mga mata ay pumaibaba ang mga yun sa aking labi. Matagal niyang tinitigan ang aking labi bago ko namalayan na lumapat na pala ang kanyang labi sa akin. Kung kanina ay malakas ang pintig ng aking dibdib sa kaba, ngayon ay bigla na lang tumigil ang pagtibok nito dahil sa halik niyang yun.

Nagsimula niyang igalaw ang kanyang labi. Dahil sa gulat ay hindi ako agad nakatugon sa marahan niyang paghalik sa akin. Tulad nang una niya akong halikan ay hindi ko na naman magawang maigalaw ang aking katawan. Alam ko sa sarili kong hindi tama ang kanyang ginagawa ngunit isang pakiramdam ang sigurado ako, nagugustuhan ko ang lasa ng kanyang labi. Nakakaadik ito. Unti-unti kong naigalaw ang ang aking labi at sinabayan ang ritmo ng kanyang paghalik. Naramdaman ko ang bahagyang pagngisi ng kanyang labi dahil sa ginawa kong pagtugon doon.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now