TPT - 09

1.8K 103 24
                                    

Mark Hope Calvares

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mark Hope Calvares

* * * * *

M A R K

"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya. Nakaharang lamang siya sa pinto nitong cubicle habang masasamang tingin ang kanyang pinupukol sa akin. Napagmasdan ko ang pagtiim ng kanyang panga at ang pagkuyom ng kanyang kamay.

Anong nangyayari sa lalaking 'to?

"I am supposed whose asking you that question, Mark. What are you doing in this place?" may pagtitimpi at diin ang bawat salitang binibitawan niya. Bahagya siyang humakbang papalapit sa akim dahilan para mapaatras ako. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot ngayon sa awra ni Tale. Napalunok ako.

"Birthday ng kaklase ko kaya ako nandito. Teka nga, bakit ba kailangan kong ipaliwanag ang side ko sayo? " nagsisimula nang mamuo ang inis sa akin dahil sa padalos-dalos niyang pagtulak sa akin kanina. Kung hindi pa sana ako nakahawak sa pader nitong cubicle ay natumba na sana ako. Anong karapatan niyang itulak ako ng ganun kalakas?

Bako pa man ako mapakurap ng aking mata ay mabilis na siyang nakalapit sa akin at mahigpit na hawakan ang aking panga. Napatingin ako sa kanyang nagbabagang mga mata. Para akong tinutunaw nito. Para akong sinisilaban ng kanyang matatalim na titig.

"Because you have to." halos pabulong na ang boses niyang sabi. Naging mabilis ang aking paghinga sa pwesto naming dalawa. Napahigop ako ng hangin nang pumagapang ang kanyang malaking palad pababa sa aking leeg. Bago ko pa man malaman ay mabilis nang naglapat ang labi naming dalawa. Nalasahan ko sa aking labi ang alak sa kanyang bibig. Hindi ko magawang tumugon dahil sa paraan ng kanyang halik. Mararahas ito. Mapanakit. Tila isa siyang uhaw na hayop na sabik na sabik sa isang pagkain na matagal niya nang gustong tikman.

Nabahala ako sa paraan niyang yun kaya naman ay sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin. Pero sadyang malaki at malakas siya kaya sa akin kaya naman hindi ko nagawa siyang tibagin sa ginagawa. Pumaibaba ang marahas niyang halik sa aking leeg. Naramdaman ko ang pagkabig ng kanyang braso sa akin papalapit pa lalo sa kanyang katawan. Kahit pilit ko siyang ilayo sa akin ay hindi ko mapagtagumpayan.

Napadaing ako nang maramdaman ko ang kanyang halik na may kasama nang pagkagat sa aking leeg. Mali ito! Hindi dapat mangyari 'to.

"Tale! Ano ba, nasasaktan ako!" hanggang ngayon ay pilit ko pa ring nilalayo ang sarili ko sa kanya. Pilit siyang pinipigilan sa makamundo niyang ginagawa. "Tale! Please..." sa wakas ay nakawala ako sa kanyang halik ngunit saglit lamang yun nang tila isa siyang bomba na sumabog sa harap ko. Mabilis na sinapo ng isa niyang kamay ang aking baba. Bahagya pang napaangat ang aking mukha. Mahina akong napadaing dahil sa diin ng kanyang paghawak. Nanlilisik ang kanyang mga mata na tiningnan ako. Nagigitgitan ang kanyang mga ngipin. Gigil na nagtatangis ang kanyang panga.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now