TPT - 10

1.7K 96 14
                                    

Alfred Tale Crosagne

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alfred Tale Crosagne

* * * * *

M A R K

Ang binabalak ko sanang maunang umuwi ay hindi natuloy. Biglang naglaho ang inis ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito pero hindi ko lang talaga maiwasan.

"You're my type, Mark and I really want you."

Wala ako sa sariling napangiti nang maalala ko ang mga salitang yun dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso. Pinilit kong pigilin ang aking pagngiti sa pamamagitan ng bahagyang pagyuko ng aking ulo at paglalaro sa aking daliri. Baka kasi mamaya asarin lang ako ng katabi ko at masira pa ang pagmo-monent ko.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa gusali ng aking tinutuluyan. Mabilis niyang nai-park ang kanyang sasakyan sa loob ng parking lot na pinagtaka ko. Akala ko ba ihahatid niya lang ako?

"Let's go?" yaya niya sa akin nang tuluyan na siyang nakalabas sa kotse. Pinili ko na lang na tumahimik at baka ihahatid niya pa ako hanggang sa unit ko. Ganun na nga. Baka nga.

Pinindot niya ang storey kung saan ang aking unit. Pareho lang kaming tahimik. Nakasunod lang ako sa mabilis niyang paglalakad hanggang sa huminto kami pareho sa loob ng elevator. Nakatingin lang ako sa numerong tila bumagal sa pagbibilang pataas ngayong nasa iisang elevator lang kami ni Tale. Ilang beses na kaming nagkasabay sa loob ng elevator ngunit iba na ngayon. Hindi ko alam kung anong matatawag kung anong namamagitan sa amin pero masasabi kong malaki na ang nagbago sa pakikitungo namin sa isa't-isa.

Nanginig ang aking kalamnan nang maramdaman ko ang likod ng kanyang kamay na sumagi sa akin. Para itong may kakaibang kuryenteng saglit na dumaloy sa pagtatagpong yun. Napalunok ako. Ilang saglit lamang ay naramdaman ko na ang kanyang kamay na humawak sa aking nanlalamig nang kamay. Hindi ko maiwasang kabahan. Ito ang unang pagkakataon na hawakan niya ang kamay ko ng ganito. May kakaibang pakiramdam ang dala nito sa aking katawan. Unti-unting gumuhit ang isang malapad na ngiti sa aking labi. Paminsan-minsang hinahaplos ng kanyang hinalalaki ang aking hintuturo. Kung nakikita ko lang siguro ang sarili ko, pulang-pula na siguro ito.

"You like me holding your hands, huh." marahan na lamang akong napailing sa sinabi niya bago sabay kaming humakbang papalabas ng elevator. Tulad ng inaasahan ay tahimik ang buong hallway. Tanging mga yabag lamang naming dalawa ang naglilikha ng ingay sa buong paligid.

Tsaka lamang siya bumitaw sa aking kamay nang nasa harap na kami ng aking unit. Kahit nakaramdam ng pagkadismaya ay kinuha ko na lang ang access card sa aking bag at ini-swipe ito. Nakangiti akong humarap sa kanya. Nakapamulsa siya at nahuli ko pang malagkit na nakatingin sa akin.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon