TPT - 08

1.8K 105 9
                                    

Alfred Tale Crosagne

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alfred Tale Crosagne

* * * * *

M A R K

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? I'm just marking my property. I'm just marking what's mine... you're only mine, Mark."

Napangiwi ako sa mga katagang sinambit niya. Matinding inis ang naramdaman ko dahil sa base sa sinabi niya ay parang isa akong bagay sa kanya - bagay na siya ang nagmamay-ari.

'Ang kapal ng mukha mo.'

"Fuck!"

Walang pag-aalinglangan kong tinuhuran ang kanyang alaga dahilan para mawalan siya ng balanse at namimilipit na hinawakan ang parte niyang yun. Dahil sa kawalan niyang ng balanse, ang kanyang mukha ay napasubsob sa aking balikat. Agad ko namang itinulak ang kanyang ulo para naman ngayon ay namimilipit na siya sa sakit sa malamig na sahig nitong sala.

"Buti nga sayo. Manyak!" nagawa ko pa siyang sipain sa kanyang tiyan dahilan para mas lalo pa siyang mamilipit. Hindi ko kailangan maawa sa kanya dahil dapat lang sa kanya ang mabugbog. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko.

Mabilis akong humiga sa aking kama matapos kong i-lock ang pinto ng aking kwarto. Mariin kong ipinikit ang aking mata at unti-unting kinakalumutan ang lalaking nasa sala ngayon ng unit ko. Wala pa rin akong pakialam kung nasaktan siya. He deserves that anyway. Hindi ko kailangan isipin ang kalagayan niya.

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakikipagtitigan sa kisame nitong kwarto. Pilit kong pinipikit ang aking mga mata habang pinipilit na dalawan ako ng antok pero ilang beses din akong nabigo. Kahit ayaw ko man ay hindi ko magawang hindi isipin ang taong nasa labas lang ng kwarto ko.

Nagaalala ako sa kanya. Hindi ako nagaalala sa kanya dahil sa nagawa kong tuhuran ang kanyang alaga kundi nagaalala ako sa kanya dahil kanina ko pa nadidinig ang sunod-sunod niyang paghatsing.

'Kailan ba ako patatahimikin ng lalaking 'to?'

Padabog ako muling umalis sa kama at pinuntahan siya sa sala. Nakaupo siya sa gilid ng sofa at yakap-yakap ang kanyang sarili nang madatnan ko. Parang may kumirot sa aking puso nang masilayan ko ang panginginig na kanyang katawan. Dahil sa nakitang kalagayan niya ay bumalik ako sa kwarto at mabilis na kinuha ang kumot sa aking kama. Napalingon siya sa kanyang likuran nang maramdaman ang pagpatong ko ng kumot sa kanyang katawan.

"Thanks."

Umikot ako sa sofa at umupo sa kabilang dulo ng sofa. Pinakititigan ko lang siya dahil sa pagaalala. Kahit papa'no ay humupa na ang panginginig ng kanyang katawan sa ngayong nakabalot nang katawan sa kanya.

"Ba't ka kasi nagpaulan?" pambabasag ko sa mahabang katahimukan sa aming dalawa. Doon lang siya napalingon sa akin. Imbes na sagutin ako ay iba ang sinabi niya.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now