TPT - 14

1.3K 90 30
                                    

Alfred Tale Crosagne

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alfred Tale Crosagne

* * * * *

M A R K

"I'm his boyfriend so you better back off."

Rumihestro sa mukha ni Otep ang pagkagulat ngunit saglit lamang yun. Mas nangingibabaw na ngayon ang pagkaangas niya na parang kayang-kaya niyang pataubin si Tale.

"Tsk! Ako ba pinagloloko mo pre? Eh ako ang boyfriend ni Mark." pero tulad kanina ay nilukob ako ng matinding gulat nang siya naman ang nagsabi na boyfriend ako. Shocks! Kailan ko pa naging boyfriend ang kumag na 'to.

Dama ko ang paghigpit ng hawak ni Tale sa balikat ko. Napalingon ako sa kanya. Matatalim ang binibigay niyang tingin kay Otep pero hindi naman nagpatalo si Otep sa pakikipagtitigan dito. Kulang na lang ay magsuntukan sila sa harap ko

"Magsitigil nga kayong dalawa." nang maka-recover ay minabuti ko nang pigilan sila at baka matuloy na nga sa suntukan ang dalawang kumag na 'to.

Pareho ko silang tinulak palayo sa isa't-isa at pumagitna sa kanila.

"Umalis ka na Otep. Salamat na lang dito." wala na akong nagawa kundi tanggapin ang binili niyang tinolang manok at marahan siyang tinulak palayo. Nag-iwan pa ito ng matatalim na tingin kay Tale bago tuluyang naglakad palayo sa amin.

Kahit kailan talaga sakit lang sa ulo ang mga lalaki.

"We need to talk." saktong pagharap ko ay seryosong mukha niya agad ang bumungad sa akin. Nakasiksik ang isa niyang kamay sa bulsa ng kanyang jeans.

Dahil sa wala akong ganang makipagbangayan ngayon sa kanya ay pinili ko na lang na lampasan siya at bumalik na lang sa loob. Nakalampas na sana ako sa kanya nang marahas niya akong hinila pabalik sa harap niya para uminit lalo ang ulo ko.

"Ano bang problema mo?" hindi ko na napigilang hindi mapagtaasan siya ng boses dahil sa inis. Pusang gala naman oh! Ang sakit na nga ng ulo ko dahil sa hangover, dadagdag pa siya.

"I said we have to talk." mariin ang bawat salita na kanyang sinasambit. Marahas kong kinalas ang braso ko sa mahigpit na pagkakahawak niya. Pasimple ko pa itong hinilot dahil sa pagbakat ng kamay niya dito.

"Wala tayong dapat na pag-usapan, Tale dahil first of all, hindi kita boyfriend. Kung nandito ka lang para sirain ang araw ko, pwede ka nang umalis. Hindi kita kailangan sa buhay ko." mabilis akong pumasok sa loob ng bahay namin. Alam kong nakasunod siya sa akin dahil sa malakas na tunog ng kanyang paghakbang. Muli akong napaharap sa kanya nang muli niya akong mahawakan sa braso ko. Seryoso? Pinipilit niya ba talaga akong sumabog ngayon sa harap niya. Grabe na ang pagpipigil na ginagawa ko dahil ayokong malaman ni tita kung anong meron nga ba talaga kami ng lalaking 'to. Ngunit siya na mismo ang umuubos sa pasensya ko dahil sa kakulitan niya.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon