Chapter 2

867 28 9
                                    


Ayiesha POV

DI MAPIRMI sa isang lugar ang aking mga mata. Kanina pa ako 'di mapakali. Di ko maintindihan ang aking sarili.

"Are you okay?" tanong nito sa akin. Napansin pala niya ako. Ngitian ko lamang ito. Para di ito mag aalala.

"Yes, I'm okay, don't worry about me. Love, restroom lang ako." paalam ko sa kanya. Tumango naman ito.

Tumayo na ako at naglakad papuntang restroom. Agad akong pumasok sa restroom at pumasok sa isang cubicle. Nang matapos ako ay agad akong lumabas at nag hugas ng kamay sa may sink. I look at my self. Wala na ang make up ko. Kaya nag retouch muna ako. Habang nagreretouch ako ay may tumabi sa aking babae.

"Long time no see. Ayiesha!" nilingon ko ang babae. Nakangiti ito sa akin.

"Adelaine." bulong ko sa pangalan nito.  Agad akong kinabahan. Baka agawin na naman ng babaeng ito si Terrence sa akin. She is an ex of Terrence. Adelaine De Villa.

"Parang nagulat ata kita." sambit nito. Nakangiti ito. Posturang-postura ito, Pero bakit di ko mapigilan ang aking sarili na kabahan. Nang makabawi ako sa pagkagulat ay ngumiti ako sa kanya.

"Yes, nagulat lang ako. I'm sorry. Ngayon lang kasi kita nakita ulit. After a years." sabi ko sa kanya. Nag patuloy ako sa pagreretouch, kahit na alam kung magiging kaagaw ko na naman siya kay Terrence ngayon pa na bumalik na siya.

"I'm busy. You know I'm a model. Nag travel din ako, around the world." ngiti nito sa akin.

"Good for you!" ngiti ko sa kanya. "I'll better go. Terrence is waiting for me." paalam ko sa kanya.

"Right at baka maagaw pa siya ng iba." natigilan ako, iba ang dating sa aking ng pagkakasabi niya. hirap ko siya at nginitian. "You know what, I don't know what is your problem at bakit nasabi mo iyon." malumanay kung saad.

"Oh nothing, dear. I'm just practical here. Terrence is handsome and charming. He is a good catch." Ngiti nito.

Nawala ang ngiti sa aking labi. "Stop this nonsense, Adelaine. Just move on!" seryoso kong saad.

Tinignan niya ako. "Nakamove on, na ako matagal na, at di ako naghahabol sa asawa mo."

"Good for you!" sabi ko dito na may ngiti sa labi at tinalikuran ko na siya. Hindi ko hahayaan na maagaw mo sa akin si Terrence, Adelaine. You better to f*ck off. Bumalik ako sa table namin na nagnginngit ang kalooban. Mas lalo pang nag init ang aking ulo ng may umupo sa aking upuan na katabi ni Terrence.

"Excuse me." tumingala ang babae at ngitian ako.

"Yes," sagot nito.

"That's my sit." sabi ko dito sa babaeng nakaupo na ngayon.

"But, I'm the one, who sit here now." maarte nitong saad.

"Eh! Gaga ka pala eh. Ako ang nauna dyan. Nag restroom lang ako, tas ikaw na ang umupo." sigaw ko dito. Napalakas ata ang boses ko dahil lumingon sa amin ang mga lalaking nasa mesa namin.

Tumayo ito. "Bakit? May pangalan mo ba? Saiyo ba ito?" Nakapamaywang na sabi nito sa akin.

"Kahit na walang pangalan o meron, wala kang paki, akin iyan kaya ikaw ang umalis." sabi ko dito.

Natigil lang ako sa pagtatalak ng magsalita ang Emcee. "Ladies and Gentlemen, please welcome, Lady Adelaine De villa."

Nagulat ako, dahil si Adelaine pala ang host ng party nito. Kaya pala na inimbeta nito si Terrence. Iyan ba ang nakamove on? Nakatingin ako sa unahan kung nasaan siy Adelaine na nakatayo.

Kung nandito si Adelaine, I'm sure, Leigh is here too. Kaya agad kong inilibot ang aking paningin sa buong function hall.

"Enough of this Ayiesha!" bulong sa 'kin ni Terrence. Nilingon ko siya at tiningala. Nawala ang atensyon ko sa hinahanap ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum