Chapter 58

97 4 0
                                    

Ayeisha POV

Nasa kama ako ngayon. Hinihintay ko si Terrence na bumalik. Dahil nga sinundan niya si Cherry para daw makapagpasalamat.

Pero duda ako. Alam kong, alam na ni Terrence ang lahat. Hawak na namin ang ibang tauhan ni D. Ang hinahanap na lang namin ay ang lokasyon ng hayop na iyon.

Bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok doon si Terrence. Nakatayo lang ang lalaki at di man lang ako nginitian.

"Don't you miss me?" tanong ko sa kanya.

"I miss you, so much. Walang araw na hindi kita namimiss. Pero kailan ka nagising?" tanong nito sa akin.

"A month ago. Ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap na tulog, para madali kong malaman kung sino ang traydor at nahuli na ang isa. Dalawa na lang."

"Nahuli na. Kailangan mong magpagaling, A month from now ay i-announce nila Liam ang pagbabalik mo."

"How's, Danica?" tanong ko sa kanya.

"Nasa mansion. She is okay… for now."

"Ang akala ko nasa bingit ng kamatayan ang buhay ng babaeng iyon." Naikuyom ko ang kamay ko. "Iyon pala, palabas lang pala."

"Hayaan mo na. Matatapos din ang lahat ng ito." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

Kumalma ako. Dahil alam ko na ang makakapag pakalma lang sa akin ay ang taong ito. Ang lalaki na nasa harapan ko ngayon.

Tumabi ito sa akin. Kaya inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Alam mo bang, gusto kong takasan ang lahat ng ito? Gusto kong magpakalayo-layo para wala nanggulo. Pero sa bawat pag attempt ko. Laging sumasagi sa isipan ko ay kayo. Paano na lang kayo? Tapos ako ay tatakas."

Pinaglaruan nito ang aking mga daliri.

"Handa naman kitang tulungan na tumakas, magpakalayo-layo."

Umiling ako. "Alam kong hindi iyon ang solusyon. Kaya hindi ako aalis sa tabi mo. Sasamahan kita sa laban mo."

Ngumiti ito. Tsaka hinalikan ang aking noo. Tumunog ang cellphone nito. Napabuntong hininga ito.

"Hello," sagot nito sa kanilang linya.

"Where are you?" tanong ni Danics kay Terrence.

"I am busy, may inaasikaso lang ako."

"Liar, siguro nasa kabit mo ikaw? Ano?" pasigaw na tanong nito.

"Stop acting like a child. Hindi mo ako pagmamay-ari."

"Remember, Terrence. Pinakasalanan mo ako. Kaya pagmamay-ari kita!" sigaw nito.

"Pinakasalan kita? Oo, pero mag-asawa lang tayo papel," madiin nitong sambit tsaka. Pinatay ang tawag.

"Umuwi ka na. Nandyan naman si Kuya Liam and Dos. Kaya na nilang alagaan si Cole."

"Hindi ko kayang iwan kayo. Lalo na't nasa ganitong sitwasyon si Cole."

"He will be alright,"

Napabuntonghininga ito. Alam kong ayaw niya kaming iwan. Pero hindi pwedeng nandito siya pala. Hindi pwedeng masira ang mga plano namin.

"Okay, uuwi ako."

Napangiti ako. Dahil sa desisyon nito.

"Pero bago ako uuwi. I will face that traitor." Ikinuyom nito ang mga kamay dahil alam ko na nagpipigil lang ito sa galit.

Terrence POV

Lumabas na ako sa kwarto ni Ayeisha nang masiguro kong tulog na ito. Dahil may kailangan pa akong harapin, bago ako umuwi sa mansion.

Binuksan ng isa sa tauhan ko ang pinto ng kwarto kung saan nakakulong ngayon traydor na iyon.

"Dad, please. It's not what you think," umiiyak nitong sambit sa akin.

"Narinig ko ang lahat, Terry at alam ko na ang lahat."

"I am not Terry, dad. I am Cherry."

Umiling ako. "Alam ko na ang lahat. Ginagawa mo ito. Dahil hindi mo matanggap na mas pinili ng magulang mo si Cherry kesa sa iyo. Mas pinili nilang ilayo si Cherry, kesa sa iyo. Alam ko din na ikaw ang nakilala ni Cole at hindi si Cherry. But you, use her name."

Nanlaki ang mga mata nito. "Hindi pa tapos ang imbestigasyon ko. Kung paano na si Cherry ang nakasama ni Cole at hindi ikaw."

Yumuko ito. "Malaman ko din ang lahat," saad ko sa kanya. "Naiingit ka, dahil si Cherry ay nasa isang mayamang pamilya. Alam mo ba ang dahilan kung bakit nandoon si Cherry? Dahil masakitin siya at ikaw ay hindi."

Namamalisbis ang luha nito sa mga mata. "Napuno ng galit ang puso mo. Iba na ang pinaglalaban mo. Pagkatapos umalis ni Cherry noon sa poder ni Cole. Dahil hindi na niya kaya. Ikaw ang pumalit, pinakidnap mo ang sarili mong kakambal para makuha ang attention ni Cole. But my son is smart. Agad niyang nakita ang pagkakaiba. Kaya kahit na pinakasalan ka niya at alam niyang hindi ikaw si Cherry ang Cherry na nakasama niya sa loob ng dalawang taon," sambit ko.

Umupo ito. Humihikbi sa galit.

"Habang nasa poder ni Cole si Cherry. Ikaw naman ay nasa poder ng foster parents niya. Maluho ka, na hindi nagagawa ni Cherry kaya nalaman nila na hindi ikaw si Cherry."

Tumingin ito sa akin. "Dad, I am sorry," hinging paumanhin nito sa akin.

Umiling ako. "I know, that you aren't sincere to your sorry. Dahil alam ko kung saan galing ang galit mo. Inggit, isa iyan sa dahilan."

Tinalikuran ko na siya. Pero bago ako aalis ay hinawakan nito ang kamay ko.

"Dad, please. I am begging you, for your grandchild na nasa sinapupunan ko," umiiyak nitong daing.

"Hindi anak iyan ni Cole. I know that. Paano ka mabubuntis ni Cole? Kung limang buwan ka ng ding di nakakama ng anak ko."

Iwinaksi ko ang kamay nito na nakahawak sa kamay ko. Gusto ko siyang saktan. Pero hindi pwede. May batang involve. Kaya hahayaan ko siya sa kwartong iyon hanggang sa manganak siya.

Lumabas na ako sa mansion na iyon. Di mo aakalain na hospital pala iyon. Dahil ang harapan at isang malaking mansion. Sumakay na ako sa kotse ko. Dahil may haharapin pa ako sa mansion. Galit na ikinuyom ko sa manibela ang aking mga kamay. Dahil sa higpit ng kapit ko sa manibela ay halos namuti na ang mga kamay ko.

Pinatakbo ko na ang kotse, dalawang oras din ang biyahe. Papunta sa aking mansion. Pagkarating ko ay agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa mansion.

Nakabungad pa lang ako ng mansion ay boses na agad ni Danica ang naririnig ko.

"Where have you been?" tanong nito sa akin.

Pero hindi ko siya sinagot. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan ko siya. Hangga't maaari ay ayaw kong saktan siya. Dahil alam kong dinadala nito ang anak ko, na akala ko ay totoo, hindi pala. Hindi ko anak ang dinadala ni Danica, kundi kay D.

Napatawa ako ng wala sa oras. Sa iba nagpabuntis, tapos sa akin pinaako.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now