Chapter 41

90 5 0
                                    

NASA isang restuarant kami ngayon at kasalukuyan na nakikipag dinner sa magulang ni Danica.

"Kumusta ang negosyo, Terrence?" tanong nito sa akin.

"It's fine," sambit ko dito.

Hindi na ako masyadong nakipag usap sa magulang nito.

"Mabuti naman, Terrence at magpapakasal na kayo ni Danica. I can't wait na maging parte ka ng pamilya namin."

"Even me, mom. I can't wait to be Mrs. Terrence Jude Alvarez," masayang sambit nito.

'And I can't wait to see what will happen to you.' ani ko sa isipan ko.

Pinaglalaruan ko ang pagkain ko. Dahil wala talaga akong ganang kumain.

"Is there a problem, babe? Hindi ka kumakain? Ayaw mo ba sa pagkain?"

"No, hindi naman sa ganun. Busog pa kasi ako."

"Pag pasensyahan nyo na si Terrence, mama, papa. Baka may problema lang siya."

"It is okay, hija. Naiintindihan namin. Hindi naman din kasi madali humawak ng negosyo. Lalo na't siya lang mag-isa ang tumataguyod," ngiting sambit nito. "Terrence, mabuti at napawalang bisa na ang kasal ninyo ng una mong asawa." Napatingin ako ina ni Danica. 'Ano ang alam ng babaeng ito?' "Kahit na sino sigurong asawa. Talagang magpapawalang bisa ng kasal. Kahit na ako, kung magloloko asawa ko. Iiwan ko talaga." Napalingon ako kay Danica. Siya at ako lang ang may alam noon.

Umiwas ito ng tingin. Dahil nasa mga mata ko ang galit.

"Excuse me. May aasikasuhin pa, pa pala ako sa opisina," paalam ko sa kanila. Sabay tayo.

Iniwan ko silang lahat doon.

"Terrence, wait," pigil sa akin ni Danica.

Isang mabalasik na tingin ang ibinigay ko sa kanya.

"Bakit mo naman ako pinahiya sa magulang ko, Terrence."

"Ikaw? Napahiya? Baka ako? Hindi naman kailangan na ipangandalakan na iniputan ako sa ulo ni Ayiesha. Bakit kailangan mo pang sabihin iyon?" galit kong tanong sa kanila.

"Alam ng lahat na kasal ka noon. Ano naman ang sasabihin ko sa magulang ko? Terrence, may karapatan na malaman kung ano na ang estado ng marriage life mo. Soon ikakasal tayo."

Lumapit ito sa akin ay ikinawit ang dalawang braso sa aking leeg. Kinuha ko ang braso nito ay hinawakan ng mariin.

"Oo, ikakasal tayo. Pero kahit kailan, hindi kita ituturing na asawa. Mag-asawa lang tayo sa papel, pero hindi sa mata ng tao," sabi ko dito. Binitawan ko ito.

Iniwan ko si Danica doon. I need to cool down. Ayaw kong humarap mamaya kay Ayeisha na mainit ang ulo ko. I need to call my wife. Para maging aware ito sa kaganapan dito sa Pilipinas.

Pinutol ko lahat ng connection ni Ayeisha sa Pilipinas. Para hindi nito malaman kung ano ang mga pinag-gagawa ko dito. Pero ngayon na may bagong plano ay kailangang malaman iyon ni Ayiesha.

NAKATINGIN lang ako sa maamong mukha ni Ayiesha.

"Your drunk? Why, love. May problema ba?" tanong nito sa akin.

Nakikita ko siya ngayon kasi naka Video call kaming dalawa. How I miss her. Sobrang miss na miss ko na ang asawa ko. Pero kailangan naming maghiwalay pansamantala.

"Yes, mayroon."

"What is it? Care to share?" nakangiting tanong nito sa akin.

"I am getting married." Nawala ang ngiti nito sa labi. Pero bumalik agad ang ngiti nito. Hindi nga lang kagaya kanina na abot hanggang sa mga mata.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu