Chapter 12

635 23 27
                                    

  

Ayiesha POV

NANDITO kami sa park ngayon. Ipinasyal ko ang anak kung babae. Dahil sa nangyari kanina. Naging intense ang titigan ng anak kong lalaki at ng sinasabi nilang asawa ko kanina, kaya niyaya ko na lang sila mamasyal sa parke.

"Tatay, dito tayo!" hila-hila nito si Terrence ang asawa ko daw. Di pa buo ang naalala ko at medyo blurred pa ang iba.

Gusto ko ng maka alala, para di na ako mangangapa. Nakatingin ako sa asawa ko at sa anak kung babae.

Hila-hila kasi ng anak kung babae ang kamay ng lalaki.

"I know he is our father, nay! But I was hurt when he said that he is not our father." sabi ng anak kong lalaki.

Kanina pa ito tahimik. Alam kung pinagmamasdan nito ang kapatid nito at si Terrence.

"Baka confuse lang siya anak. He didn't know that I'm pregnant when he lost me." paliwanag ko sa anak ko.

"Basta 'nay, di ko siya bati. I'm mad at him. Kung ayaw nya sa amin, di ayaw ko din sa kanya."

Umiling-iling na lang ako. Matigas pa naman ang anak ko na ito. Baka pag dumating ang araw na malaman ni Terrence na anak niya ang kambal ko, kung anak ba talaga nito ang kambal.

Ay baka mahirapan itong suyuin ang anak kong lalaki. Dahil sa dalawa, ito ang mahirap suyuin.

Nakangiti akong nakatingin kay Nichole at Terrence. Masayang-masaya ang anak kong babae, dahil kasama nito ang tatay daw niya.

Tumakbo si Nichole, papunta sa amin ni Kenzo. Agad nitong hinila ang kakambal nito.

"Laro tayo, Grey!" masayang sabi ni Nichole. Nginitian nito ni Kenzo at tumayo na.

Kahit na mahirap suyuin ito pag nagtatampo o galit. Di naman nito matitiis ang kakambal nito.

Nakangiti akong nakatanaw sa anak kung kambal, naglalaro kasi silang dalawa, hila-hila lang ni Nichole si Kenzo.

Kenzo Grey And Deciree Nichole ang dalawa kong angel. Masaya ako kasi dumating sila sa buhay ko. Kung wala sila, baka di ko na nais mabuhay pa.

"Ang lalim ng iniisip mo!" di ko siya nilingon. Ngumiti lang ako sabay yuko.

"Paano kung anak mo sila? Wala talaga akong maalala. I want my memories back. Gusto ko ng maka alala." malungkot kong sabi sa kanya.

"Don't force yourself. If they are mine. I'm glad to accept them."

"Paano kung hindi? Matatanggap mo pa rin ba sila?" tanong ko sa kanya. Nilingon ko ito. Nakatingin ito sa kambal na masayang naglalaro.

"If they aren't mine, I still accept them. 'Cause they are your child." kumunot ang noo ko.

"Nahihibang ka na ba? Masyado ka namang mabait at tanga. Marter na ang tawag dyan."

"Tanga, marter or whatever you call that. I don't care. All I want is you! Gusto kong makasama ka." sabi nito. Kinuha nito ang baba ko at agad akong pinihit paharap sa kanya.

"I want to kiss you!" He whispered.



I WANT to kiss her. But I know. Hindi pwede. Kaya agad akong umiwas.

"I'm sorry."hinging paumanhin ko.

"It's okay." mahina nitong sambit.

"Gusto ko pag hinalikan kita. Yong naaalala mo na ako." kinuha ko ang kamay nito. "And I can wait for that. I can't wait that time would come." pinaglaruan nito ang mga daliri sa kamay ko.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now