Chapter 9

639 30 3
                                    

Esha POV

Agad kung tinawagan ang personal assistant ni Terrence. Pero ang sabi nito ay ako muna daw ang uuwing mag isa. Susunduin na lang daw ako ng mga tauhan nito.

Tsaka na ang mga bata. Masakit man na iwan pansamantala ang mga anak ko ay kailangan muna naming maghiwalay.

Sa ngayon kasi, ako muna ang uuwi daw sa mansion. Iyon ang bilin ng terrence.

Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ng asawa ko kuno. Ang gara ng sasakyan. Sinundo na lang kasi ako ng isa sa sasakyan ni Terrence na asawa ko.

I can't believe, na asawa pala ako ng isang multibillionaire.

Nang makarating kami sa may gate ay bumusina lang ang sasakyan at agad na bumukas ang gate.

Napa wow na lang ako dahil sa ganda ng mansion. Ang ganda nito sa labas. Napapaligiran ito ng mga bulaklak.

Agad akong bumaba at inakay ako ni Lyka papuntang main door. Agad kong nilibot ang paningin ko sa buong mansion.

"Pasensya ka na, Ma'am, wala kasi si Ma'am Beatriz." sambit nito.

"It's okay. Wala namang problema sa akin." malumanay kong sambit dito.

Agad na may sumalubong sa akin na kasambahay ng mansion.

"Hello, Ma'am, sa dining area po tayo!"

Kaya agad akong sumunod sa katulong na sumalubong sa akin. Kanina pa kasi nakaalis ang assistance ni Terrence.

Agad na bumungad sa akin ang isang magarang dining area. Sobrang linis ng buong kusina. Pero, may nakaupo doon na babae.

Kumunot ang noo ko. 'Di kaya babae ito ng nasabi kong asawa?' utas ng aking isipan. Pero imposible na may babae ito. Ipapahanap kaya ako nito, kung may ibang babae ito.

"Sit down, Ayiesha!" malamig nitong sabi sa akin. I feel shiver in my spine sa boses nito. May halong lamig kasi ito.

Agad akong umupo sa isang bakanteng upuan. "Hindi po ako si Ayiesha, Esha po ang pangalan ko." sabi ko dito. Nanatili akong nakaupo at di ako gumagalaw.

"Whatever, if you are Ayiesha or Esha. You are still Ayiesha Claire Montebon Alvarez, isang asawa ng bilyonaryo." sambit nito.

Nanatili akong walang imik. "Magpasalamat ka at mabait ako, di agad kita kinaladkad, after what you did, to my brother." sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko. "I didn't know!" mahina kong bulong.

"But, that is from the past. Let's forget it." sabi nito muli.

Nanatili akong nakayuko at tahimik. "Let's eat." sabi pa nito.

Kinuha ko ng plato at kutsara. Gutom na rin kasi ako. Kaya magaan akong kumain, kahit kasama ko ang babaeng ito. Di ko kasi gusto ang sinabi nito kanina.

Pero napaisip din kasi ako. 'Ano ba ang ginawa ko noon? Dahil, parang sobra naman yata ang galit nito sa akin.'

Mabilis kaming natapos na kumain, tumayo na ito, pero bago pa ito umalis ay tumigil muna ito sa likuran ko.

"Feel at home, Ayiesha, total bahay mo naman ito. Just wait Terrence to come home. Soon, uuwi din iyon." sabi nito sa akin.

Umalis na ito at iniwan akong mag isa sa  kusina na iyon.

Agad akong umakyat ng makakita ng isang hagdan, pumunta ako sa itaas at agad na pumasok sa isang kwarto.

Humiga ako sa kama na nakalagay doon ay di ko namalayan na nakatulog pala ako. Pero bago mawalan ng tuluyan ang diwa ko ay isang banayad na haplos ang naramdaman ko sa aking pisngi.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon