Chapter 45

87 3 0
                                    

NAKARINIG ako ng mga ingay sa paligid. Hindi ko alam kong nasaan ako ngayon. Pero ang natatandaan ko ay nabaril ako at nawalan ng malay.

Akala ko hindi na ako gigising. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Terrence na nakatingin sa akin.

"You're finally awake," ngiting sambit nito.

"Anong nangyayari."

"You got a shot. Hindi naman malubha. Sana ay hindi ka na lang lumabas."

"Nasa balconahe lang naman ako, kahapon."

"Hindi kahapon iyon nangyari, Ayeisha. Noong isang buwan iyon. Isang buwan kang tulog."

Nagulat ako sa sinabi ni Terrence. "Si Clarissa? Okay ba siya."

Bigla kong naisip si Clarissa. Baka tinamaan din siya. Kasama ko siya noong gabing iyon.

"Okay lang si Clarissa, but she need undergo a therapy. Naghihisterikal kasi siya. Laging tulala at sumisigaw."

Sinubukan kong umupo. Pero hindi ko magawa. Kaya inalalayan ako ni Terrence.

"Wag ka munang gumalaw-galaw."

"Kumusta na si Clarissa?" tanong ko ulit. Di kasi pumasok sa utak ko agad ang nangyari.

"Dahil siya nga ang nakasaman mo, hindi kinaya ni Clarissa ang pangyayari. Kaya ayon, lagi na lang sumisigaw at sinasabi na may dugo mo sa kamay niya, nabaril ka, hindi ka niya nailigtas."

Naikuyom ko ang mga kamay ko. "Sino may ang gawa nito sa akin?" tanong ko sa kay Terrence.

Galit akong bumaling sa kanya.

"Hindi pa namin alam. Pero ginagawa na ni Liam ang lahat. Ayaw magsalita ng nahuli namin. Iyong bumaril sa iyo."

"Ang mga bata kumusta? Alam ba nila ang nangyari?" tanong ko sa kanya. Ayaw kong malaman ng mga bata ang nangyari sa akin.

"Hindi alam nina Kaileen, ang nangyari. Wala akong sinabi. Alam kong ayaw mong malaman nila. Si Cole lang ang nakakaalam sa nangyari."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit ka pala nandito? Baka hanapin ka ng impakta mong fiancee."

"Ang alam niya nasa business trip ako." Hinawakan nito ang kamay ko. "Akala ko, mawawala ka na ng tuluyan sa akin. Takot na takot ako ng malaman kung nabaril ka at inirevive sa hospital ng ilang beses. Akala ko talaga mawawala ka na."

Biglang lumambot ang puso ko dahil sa sinabi nito.

"Hindi ako mawawala, love. Lalaban ako, kasama ka. Kaya hangga't maaari ay gusto kong malaman kung ano ang mga plano mo, para alam ko kung saan ako magsisimula."

Hinawakan nito ang pisngi ko at hinaplos. "Ako na ang bahala. Ang gusto ko lang ay antayin mo ako, dahil sa pagbabalik ko, magsisimula tayong muli ng panibagong buhay." Niyakap niya ako.

Alam ko may tinatago ka sa akin, Terrence. Malalaman ko din iyon, soon.

Dahil nga isang buwan akong nakaratay sa hospital at hindi ko naigagalaw masyado ang aking mga binti. Kailangan ko ng therapy para makapaglakad muli. Hindi pa ako pwedeng ma discharge sa hospital. Dahil kailangan pa akong obserbahan.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Ikatlong araw ko na ngayon, mula sa pag gising ko.

Iniluwan doon si Clarissa. Mangiyakngiyak itong lumapit sa akin.

"Salamat naman at okay ka. Akala ko talaga mawawala ka. Sorry, kung ngayon lang ako nakadalaw. Pinagbabawalan kasi ako ni Liam na lumabas," ani nito sa akin.

"Okay lang, kumusta ka?" tanong ko sa kanya. Sobrang pag-alala ang naramdaman ko ng malaman ko ang nangyari sa kanya.

"I am not still okay. Pero I'm cope up naman. Kaya soon, I know magiging okay din ako."

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now