Chapter 23

194 6 0
                                    

NAKATINGIN ako ngayon sa labas, mula sa kinatatayuan ko kung saan ako nakakulong. Tanging nakikita ko ay karagatan, walang katapusang karagatan. Anim na buwan na mula ng dinukot ako ng lider ng organisasyon na kalaban namin, noong gabing gahasain niya ako ay nasundan pa iyon ng paulit-ulit. Di lang isang beses kundi maraming beses.

Hinimas ko ang aking t'yan, anim buwan na akong buntis, di ko alam kung matutuwa ba ako na isa na akong ina o kamumuhian ko ang batang ito. Dahil sa walang-hiya niyang ama.

"Kumain ka na." sabi nito sa akin.

"Ayaw kong kumain, di ako nagugutom!" Malamig kong sabi dito. Kahit di ko siya harapin ay mapilit ito.

"Magagalit siya Ayiesha kaya wag ka ng matigas ang ulo." Maharas ko siyang nilingon.

"Hindi!" sigaw ko. "Wag mo akong pilipitin sa ayaw ko Leigh. Dahil sa ginawa mo, paulit-ulit kitang kinamumuhian." galit kong sambit dito.

"Kung magpapakamatay ka, wag mong idamay ang bata." sambit nito muli.

"Anak ito ng demonyo. Di dapat ito mabuhay!" umiiyak kong sambit dito. Isa-isang tumulo ang aking mga luha. "Naririnig mo ako? Anak ito ng demonyo!" sigaw kong muli. "Ayaw ko sa batang ito. Di ko gusto ang mabuntis ng demonyong iyon, bakit ako pa leigh? Bakit ako pa?" umiiyak kong sigaw dito.

"Walang kasalanan ang bata Ayiesha kung naging anak man siya ng taong kinamumuhian mo, please lang. Wag mong idamay ang bata! Maawa ka sa bata." Pagsusumamo nito sa akin.

Ngumisi ako, kahit na may luha sa aking mga mata. "Bakit? Natatakot ka na pag namatay ang batang ito ay wala ng susunod sa yapak ng amo mong demonyo? Nakakatawa ka Leigh, gagawin mo ang lahat para lang mabuhay ang anak ng taong mahal mo." Tinignan ko siya ng may galit sa mukha.

Alam kong si Erwin at ang lalaking iyon ay iisa, mahal ito ni Leigh, pero di alam ng lalaki iyon. Nalaman ko lang ito ng minsan ay paimbestigahan ko ang totoo niyang pagkatao. Ginawa lang siyang sex slave ng lalaki na kung kailan nag-iinit ay tsaka lang siya mapapansin. Di din alam ni Adelaine na ang lalaking nakaniig nito ay ang amo pala nila. Nakakatawa ang magkapatid na ito, nauuto ng kanilang amo. Dahil di naman ito nagpapakita sa kanila talaga, kay Leigh lang.

"Alam ko iyon, Ayiesha. Ano ang magagawa ko? Ikaw ang gusto ng lalaking mahal ko. Magpaparaya na lang ako, kahit na sobrang sakit." May lungkot sa mga mata nito.

Agad kong iniwas ang aking mga mata. Ayaw kong kaawaan ang babaeng ito na naging sanhi ng paghihirap ko ngayon. Siya lang naman ang nagdala sa akin dito. Kaya kinamumuhian ko ang dati kong kaibigan. Mas lalo ko siyang kinamuhian.

Kanina pa umalis si Leigh, pero di ko pa rin ginagalaw ang pagkain na para sa akin. Puro masasarap ang mga pagkain na iyon, dahil paborito ko iyon. Pero wala talaga akong gana. Nangangayayat na nga ako, dahil sa kawalang gana kong kumain. Bumukas muli ang pintuan.

"Ayaw mo daw kumain!" galit nitong sambit sa akin. Hinigit niya ako sa braso ay pinaharap sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko ng mahigpit.

"Aray, nasasaktan ako!" daing ko. Ang higpit ng hawak nito sa magkabila kong braso.

"Talagang masasaktan ka. Papatayin mo ba ang anak ko, ha!" sigaw nito sa mukha ko. Tinignan ko siya ng may nanlilisik na mga mata.

"Oo!" sigaw ko dito. "Di dapat mabuhay ang batang ito. Anak ito ng demonyo!" sigaw kong muli. "Ayaw ko sa batang ito."

Sumobsob ako sa kama ng sampalin niya ako ng malakas. "I'll teach you a lesson!" ngisi nitong sabi.

Nabahala ako, dahil alam ko kung anong parusa ang ibibigay niya sa akin. "Please, wag! Maawa ka!" umiiyak kong pagmamakaawa dito.

"Masyadong matigas ang ulo mo, kaya kailangan bigyan kita ng leksyon!" sabi nito sabay punit sa damit ko.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now