Chapter 31

191 5 0
                                    

Ayiesha POV

NAGHAHANDA na ako para sa pagbabalik ko sa mansion namin. Ayaw ko man ay kailangan, kailangan ko din kasing tapusin ang pag-aaral ko.

"Bakit ganyan ang mukha mo." Iyon kasi ang napasukan ni Terrence sa aking kwarto.

"Parang ayaw kong umuwi," mahina kong sambit. Natatakot ako na baka mangyari ulit ang nangyari noon.

Umupo ito sa aking tabi. "Don't worry. I will protect you. Nasa tabi-tabi lang ang aking mga tauhan. Para di ka ma bother," sabi nito.

Napangiti na lang ako. "Thank you, love!" sambit ko dito, hinalikan ko ang labi nito. Dampi lang iyon.

Pero ng ihihiwalay ko na ang labi ko sa labi nito ay agad nitong hinawakan ang aking batok ay nilaliman ang aming halikan. Hingal na hingal kaming dalawa ng maghiwalay ang aming mga labi.

Pinagdikit nito ang aming mag noo. "Wag kang masyadong mag-alala, nasa tabi mo ako parati," ngiti lang ang tanging naisagot ko dito.

LULAN na kami ngayon ng sasakyan ko at nasa ibang sasakyan naman sila Beatriz at Alex na nagbabangayan pa rin.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Terrence, hinawakan naman nito ang aking ulo sabay halik sa akin buhok.

"Pagdating mo sa inyo, tawagan mo ako agad," sabi nito.

Agad akong umalis sa pagkakahilig nito sa kanyang balikat.

"Hindi mo ako ihahatid?" tanong ko.

"Kukunin ka ng mga tauhan ng Kuya Liam mo. Hindi na ako sasama sa iyo,"

Agad akong nalungkot dahil sa sinabi nito. "Wag ka ng malungkot, magkikita pa naman tayo!" sabi nito sa akin.

Nginitian ko lang ito, pero alam ko ang ngiti ko na iyon ay di umabot sa aking mga mata. Dahil alam ko sa sarili ko, mamimiss ko ang lalaking ito.

Agad akong bumaba sa sasakyan ni Terrence at nag-antay sa pagdating ng mga tauhan ni Kuya Liam. Ilang minutong pag-aantay ay may dumating na van. Agad akong sumakay ng di man lang tinitignan ang mga sakay nito.

"What the coincidence!" ngising sambit nito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito. Agad akong nagpumiglas sa pagkakahawak ng mga tauhan nito sa akin.

"Akala ko mahirap kang bawiin sa kanila. Hindi pala!" tumatawang sabi nito sa akin.

Nagpupumiglas pa rin ako. "Pakawalan mo ako, hayop ka."

Nilingon niya ako at tinignan ng masaya. "Hayop na kung Hayop. Ngayon ay akin ka nang muli." Tumatawa ito na parang demonyo.

"Hindi ka magtatagumpay!" sigaw ko dito.

Sinenyasan nito ang isa sa tauhan nito na may hawak sa akin na patulugin ako. Kaya ng may ilagay silang panyo sa ilong at bibig ko ay nawalan ako ng malay.

Terrence POV

NAIKUYOM ko ang aking kamao, dahil sa kagaguhan ko. Bakit ba kasi hindi ko hinatid si Ayiesha sa kanila.

Nandito ako ngayon sa condo ko, kasalukuyan na umiinom ng alak. Ayaw kong saktan si Ayiesha, hindi iyon ang intensyon ko.

Nakauwi na kaya ang babaeng mahal ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Liam.

"Saan mo na naman dinala ang kapatid ko, Terrence!" dumagundong ang sigaw ni Liam sa kabilang linya.

"Iniwan ko siya sa sinasabi mong lugar."

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now