Chapter 55

103 5 0
                                    

"I'll hang up. Dahil nakita kong umalis si Terrence at alam ko kung saan ito pupunta." Wala ng tao sa kabilang linya. Kaya ibinaba na ng babae ang cellphone.

Umupo ito sa sofa ng bahay na iyon at nag-iisip. Aalis na sana siya ng bumukas ang pinto ng bahay at pumasok ang babaeng kapareha nito ng mukha.

Nanlilisik ang mga mata ng babaeng nasa pinto.

"So, ikaw pala ang kasama ni Cole in 5 months?" tanong nito sa impostor na si Cherry.

"At sino ka naman?" taas kilay na sambit ng impostor na si Cherry.

"Let me introduce myself to you. I am the only one Cherry Alvarez, wife of Cole Alvarez."

Nanlaki ang mga impostor na Cherry, pero agad ding napalitan ng mapag uyam na ngiti. She cross her arms on her chest.

"Let me remind you, darling. I am the true Cherry Alvarez. Kaya umalis ka sa pamamahay ko!" sigaw ng impostor na Cherry.

Tumawa ang babaeng nasa pinto. Pero agad na napalitan ang tawa nang mabalasik na tingin.

Napaatras ang babaeng nasa sofa dahil lumapit ang babae.

"Impostor ka lang!" sigaw nito. "Sinira nyo ang buhay ko. Pati ang lalaking mahal ko ay nag-aagaw buhay. Dahil sa kagagawan ninyo. Ano? Masaya na kayo na mawawala na ang lalaking mahal ko?" umiiyak na sambit ni Cherry sa babaeng kaharap nito na kamukhang kamukha niya.

Agad napalitan ng pag-alala ang mukha ng babaeng impostor.

"How's Cole?" tanong nito.

Ngumisi si Cherry. "Wala kang pakialam," sabi nito sa babae.

"Umalis ka sa bahay namin ni Cole!" sigaw ni Cherry sa impostor.

Tumayo ng maayos ang babaeng impostor at ngumisi. "Why would I? Ako ang kinikilalang asawa ni Cole at hindi ikaw."

Nabigla ang babaeng impostor sa ginawa ni Cherry. Hinila ni Cherry ang babae at inihagis sa sahig. Napa daing ang babae at agad dinaganan ito ni Cherry. Sinampal-sampal niya ito at sinabunutan.

Dahil sa galit ni Cherry at para ba itong nakalimot. Bigla ay nawala si Cherry sa pagkakadagan sa babae.

"Tama na, Cherry!" awat sa kanya ni Dos ang anak ni Tito Craige.

"Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa akin!" sigaw ng babae.

"Sige, hihintayin kita."

Aalia na sana ang babae ng harangan ito ng mga MIU. Kaya, di ito nakalabas ng tuluyan.

Umalis si Cherry mula sa hawak ni Dos. Nilapitan nito ang babae.

"Akala mo makakawala ka sa amin? No, hindi. Dahil hindi ko hahayaan na maka alis ka. Ang tanging makakapagsalba lang sa iyo ay ang kamatayan!" galit na sigaw ni Cherry.

Binalingan ni Cherry ang mga MIU. "Kunin ninyo ang mga bata. Nasa kabilang bahay sila," utos nito sa mga tauhan ni Cole. "At iyan? Dalhin iyan sa van at igapos. Piringan ang mga mata. Dahil tyak masasarapan siya sa gagawin ko sa kanya mamaya," malamig na sambit ni Cherry sa babaeng kamukhang kamukha niya.

Ilang minuto pa ang hinintay nila ay bumukas ulit ang pinto. Napaharap si Cherry at ganun na lang ang pananabik niya sa anak.

"Denise, anak," umiiyak nitong sambit.

Pero hindi lumapit sa kanya si Denise. Ang mas lalong ikinabigla ni Cherry ay nagtago ito sa likuran ni Kaileen. Nang tignan niya si Kaileen ay nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa babae.

'What happened, when I am gone?' tanong ni Cherry sa isipan niya.

"Wag na tayong magplastikan pa dito, Cherry," nakangising sambit ni Kaileen. Habang ang dalawang kakambal nito ay nasa likuran nito. "Alam naman natin na hindi mo gusto si Denise. Dahil balakid siya sa plano mo di ba? Isa kang impostor!" sigaw nito sa akin.

"Kaileen," pigil ni Dos kay Kaileen.

"What, Dos? She is a impostor. Naniniwala ka ba sa kanya? Alam mo ba kung gaano ako nagtitimpi na sabunutan ang babaeng iyan. Dahil sa ginawa niya sa pamangkin!" sigaw nito kay Dos. "Gusto ko siyang saktan. But I obey, Kuya Cole orders. Siya na daw ang bahala sa babaeng iyan."

"She is the real Cherry, Kaileen," singit ni Kenzo.

Nilingon ito ni Kaileen. "At naniniwala ka din?" tanong nito sa kakambal.

"Look at her, the way she wear her cloths," sambit ni Kenzo sa kakambal nito. "Si Ate Cherry iyan. The real one."

Napalingon si Kaileen sa babaeng nasa harapan nito. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.

"Hindi pa rin ako naniniwala. Baka another impostor na naman iyan."

Hindi masisisi ni Cherry si Kaileen, kung ayaw siya nitong paniwalaan. Dahil alam ni Cherry kung gaanong kalaki ang impact na ginawa ng babaeng iyon sa pamilya ni Cole.

Naikuyom na lang ni Cherry ang kanyang mga kamay.

"Halika na, Dos. Hinihintay na tayo si Tita Clarissa," saad ni Cherry kay Dos.

Sumunod naman si Dos sa kanya at sumunod na din ang kakambal ni Kaileen sa kanila. Habang si Kaileen ay nanatiling nakatayo.

"Ano, Kaileen, halika na," yaya ni Kenzo kay Kaileen. Dahil hindi man lang ito gumalaw.

"Paano kung patibong lang iyan!" sigaw nito.

"Hindi tayo ipapahamak ni Dos. Alam mo iyan."

Nagpakawala ng buntonghininga si Kaileen. Kaya sumunod na lang ito kina Kenzo at Nichole. Nasa iisang kotse sina Cherry, Kenzo, Kaileen, Nichole, at Denise. At si Dos ang nag mamaneho ng kotse. Habang ang impostor na Cherry ay nasa isang van. Para dalhin sa hideout.

Tahimik ang naging biyahe nila at nakarating naman sila sa isang mansion. Napatingin ang tatlo sa mansion.

"Dos? Kaninong mansion iyan?" tanong ni Kaileen kay Dos.

"Kay Cole," sagot naman ng huli.

Namangha ang magkakapatid. Dahil nila akalain na ganito pala kayaman ang kanilang nakakatandang kapatid.

"Nand'yan ba si Nanay?" tanong ni Nichole.

"Yes."

Lumiwanag ang mukha ng triplets. Dahil makikita na din nila sa wakas ang kanilang ina at bagong silang na sanggol.

Nang makarating na sila sa malawak na bakuran ng mansion ay agad silang bumaba ng kotse. Pumasok silang lahat sa loob ng mansion. Kung malawak sa labas, mas malawak pala sa loob.

"Welcome home." Nakangiting salubong sa kanila ng kanilang Tita Clarissa.

"Nasaan si mommy, tita?" agaran na tanong ni Kaileen kay Clarissa.

"Hindi pa pwedeng makita nyo siya. Hindi maganda ang kundisyon niya?"

"Where is Kuya Cole?" tanong naman ni Nichole.

"Nasa O.R pa," nakayukong sambit nito.

"What happened, bitch!" sigaw ni Kaileen.

"Kaileen!" saway ni Kenzo sa kakambal.

"Ano? Kakampihan nyo iyan? Eh, impostor iyan."

"Bitawan nyo ako!" umalingaw ngaw ang isang sigaw sa labas. Kaya hinintay nila na makapasok sa loob ang nagsisigaw na iyon.

Nalalaki ang mga mata ni Kaileen sa nakikita.

"How could this be——" di makapaniwalang sambit ni Kaileen.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now