Chapter 68

232 7 0
                                    

Epilogue and Special chapter will be the next updated.

Salamat sa mga nagbabasa o bumabasa ng akda kong ito.

Maraming salamat sa inyong lahat mga minamahal kong readers.😊

---

Chapter 68

Bigla akong kinabahan sa naging reaksyon ni Sir Terrence. Kaya agad nila akong pinalabas. Pero dinig na dinig ko pa din ang sigaw ni Sir Terrence sa labas.

Tinatawag ang pangalan na Ayiesha.

Kinagabihan ay nagpunta si Mayor Alvarez sa bahay. Akala ko ay magagalit ito sa akin. Dahil sa ginawa ko.

"Please, Miss Albais, nakikiusap ako. Tulungan mo ang pamangkin ko. Sa nakita ko kanina ay parang ikaw ang sagot. Nagwawala siya kanina at tinatawag ang pangalan ni Ayiesha. Kailangan pa namin siyang turukan ng pampatulog para kumalma siya."

"Sige po. Sasama po ako sa inyo."

"Sigurado ka ba, Jen?" tanong ni Graige.

"Yes, Kuya Graige. Gusto ko din namang makatulong."

Sumama ako sa mansion ni Mayor Alvarez. Namamangha pa rin ako sa loob ng mansion. Inihatid niya ako sa kwarto ni Sir Terrence.

"Papalagyan ko na lang ng single bed ang kwarto na ito. Para dito ka na matulog."

"Sige, mayor."

Napatingin ako sa lalaking mahimbing na natutulog. Nilapitan ko ito. Kaming dalawa na lang ang nandito, dahil kanina pa umalis ang mga kasama ko.

Umupo ako sa tabi ni Sir Terrence. Hinawakan ang kamay nito. Napangiti ako. Dahil sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Para bang kilala siya ng puso ko.

"Sino ka ba talaga sa buhay ko."

Iminulat nito ang mga mata. Alam kong nilalabanan nito ang antok.

"Ayiesha. . ."

Napangiti ako. Dahil kay sarap ng pagkakabigkas niya sa pangalan na iyon. Bakit masarap sa pakiramdam? Iyon ang hindi ko alam.

"Tulog ka na po, Sir Terrence. Nandito lang ako," bulong ko.

Kaya nakatulog itong muli. Kaya hinaplos ko ang mukha nito.

"Sleep tight, love," bulong ko.

Humiga ako sa tabi nito at di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Nagising ako kinabukasan na para bang may nakatingin sa akin. Humahaplos sa aking pisngi.

Nagulat ako at napatayo ng makita kong nakatunghay sa akin si Sir Terrence.

"Ayiesha," tawag nito sa akin.

"Sir, sorry nagulat lang ako. Hindi ka na po tulala?" tanong ko.

"Thanks to you. Bakit di mo ako maalala?" tanong nito sa akin.

"Hindi din alam. Sa katunayan nga ay di po kita kilala o iyang Ayiesha na sinasabi mo."

Tumayo ito. Nakaboxer lang ito at kita ko ang matipuno nitong katawan. Napalunok ako. Para bang nag-iinit ang paligid ko.

"I am your husband, Ayiesha."

Nagulat ako sa sinabi nito. "Hindi po, Ayiesha ang pangalan ko. Jen po ang pangalan ko."

"You are Ayiesha, my Ayiesha. You are my wife. Hindi ako pwedeng nagkamali."

Hinawakan nito ang pisngi ko nang makalapit ito sa akin. Napapikit ako. Dahil hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now