Chapter 48

83 3 0
                                    

Bukas na ang kasal namin ni Danica. Pag nasa mansion ako ay hindi ko maiiwasan na may mangyayari sa amin. Dahil kailangan mayroong mga mata sa loob ng mansion at binabantayan ang mga kilos namin.

Pagkatapos lang ng kasal namin ni Danica ay pwede na, sa ngayon ay tiis-tiis muna.

"Anong ginagawa natin dito sa hospital, Terrence?" tanong ni Danica sa akin.

"I want you to take a birth control. Ayaw kong mabuntis ka. Hindi ko gusto na ikaw ang maging ina ng mga anak ko," saad ko sa kanya.

"But, I want a child with you."

"Then, I am not. Ayaw ko! Kaya magtake ka. Kung gusto mong pakisamahan kita ng maayos."

May lungkot sa mga mata nito. 'Gusto lang kitang iligtas sa hayop na iyon, Danica. Alam ko ang nangyayari sa buhay mo. Kaya para din sa iyo ang mga ginagawa kong ito.'

Isang oras din ang inilagi namin sa hospital na iyon. Para sa birth control ni Danica.

"It's all done, Mr Alvarez."

Tumayo na ako. "Thank you, doc."

Umalis na kami. Hindi ko inaasahan ang makakasalubong ko.

Nagkatinginan kaming dalawa, siya ang unang umiwas ng tingin. Kumapit naman sa braso ko si Danica. Humigpit ang kapit noon. Kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi maalis sa isip ko ang hitsura ni Ayeisha.  Isang linggo pa lang ang nakakaraan pero, marami ang nagbago. Ito ba ang consequence ng mga hakbang ko? Ng mga plano ko?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko naman na plano nila talaga iyon. Pero, bakit ang sakit. Nasasaktan ako na nakipahiwalay sa akin si Terrence.

"Ayeisha, kumain ka na. Ilang araw ka ng di kumakain."

"Wala akong gana. Madami akong iniisip," saad ko sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay ko. "Makakasama iyan sa dinadala mo. Isipin mo ang bata na nasa loob mo." Bigla akong napahawak sa aking impis na tiyan.

Hindi ko akalain na magdadalang tao pa ako. Akala ko di na ako mabubuntis pa.

"Punta ka bukas sa doktor magpasama ka kay Earl. Need mo ng check up. Baka mapano pa kayo ng bata."

"Please, wag mong sabihin kay Terrence ang kalagayan ko, sabihin mo iyan kay Kuya Liam. Ayaw kong makadagdag ako sa isipin ni Terrence."

"Makaka-asa ka, Ayeisha."

Ngiti lang ang tanging naisagot ko kay Clarissa. Nagpapasalamat ako sa kanya ng malaki. Dahil kahit papaano ay nasa tabi ko ito.

Humiga ako sa kama ko. Hindi ko talaga naiwasan na di tumulo ang mga luha ko. I miss, Terrence already. Hindi muna kami magkikita. Matatagal pa ang pagkikita naming dalawa.

Hindj nagtagal ay nakatulog ako.

Nagising ako sa ingay mula sa ibaba.

"Iyon ang gusto niya, Liam. Iniisip ni Ayeisha na baka masira ang plano ninyo."

"Pero dapat ding malaman ni Terrence ang kalagayan ng kapatid ko," giit ni Kuya Liam.

Kaya bumaba ako mula sa hagdan.

"Intindihin mo sana ako, kuya. Ayaw kong makasira sa plano ninyo ni Terrence. Hindi din ako gagalaw, habang may buhay sa loob ko."

"Kung ganun. Ililipat kita, kasama ng mga bata. Doon sa mas safe."

Ngumiti ako. "Ikaw ang bahala, kuya."

"Kailangan ko munang pumunta sa hospital. Kung pwede ba akong bumyahe. Alam nyo naman ang kalagayan ko ngayon. Sobrang selan ko ngayon," saad ko sa kanila.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now