Chapter 50

113 8 0
                                    

Clarissa POV

Hindi ako mapakali, dito sa hospital. Dahil sa hindi inaasahan ay manganganak na si Ayeisha. Dapat ay next month pa lalabas ang bata. Thru, CS. Pero hindi namin alam kung bakit ngayon lumabas ang bata.

Sobrang pag-alala ko kay Ayeisha ay tinawagan ko si Liam ang asawa ko. Pero hindi ko alam kung pupunta ba si Terrence. Lalo na't bantay sirado ang lalaki sa kabilang organisasyon.

"How's Ayeisha, love?" tanong agad ni Liam sa akin ng makarating ito sa akin.

"Wala si Terrence. Sinabihan ko na siya. Pero ewan ko. Parang walang pakialam sa asawa niya."

"Hayaan mo na. Baka ginagawa lang niya iyon. Alam mo naman na nagbabalak iyong pumasok sa organisasyon na sinasabi n'yo."

"Sana nga. Mali ang iniisip ko."

Biglang bumukas ang pinto ng Delivery room at lumabas ang OB ni Ayeisha.

"Kayo ba ang pamilya ni Mrs Alvarez?" tanong ng doktor.

"Yes, dok," ani ko.

Napabuntonghininga ang doktor. Bigla ay kinabahan ako sa maaaring mangyari.

"Sobrang hina na ng puso ni Ayeisha. Kailangan namin agad ilabas ang bata sa loob niya. Buhay pa naman ang bata. Kailangan lang itong ilagay sa incubetor para mag survive." Nakahinga ako ng maayos dahil sa balita ng doktor. "Pero si Ayeisha. Kailangan namin siyang ilagay sa ICU para matutukan namin siya ng maayos. And hindi kaya ng hospital na ito. Kulang ang mga kagamitan ng hospital na ito."

"Kung ganun dok, ano ang pwede naming gawin?" tanong ko.

"Kailangan na dalhin sa ibang bansa si Ayeisha for better threatments. Sa ibang bansa kasi mas high tech sila. Doon na din, isasagawa ang CS section. Kung papayag kayo ngayon. I will arrange the schedule."

"Kami na ang mag-aarrange," singit ni Liam.

Nilingon ko siya. "Ano ang ibig mong sabihin. Obligasyon nila iyon, Liam."

"No, ayaw kong i-asa sa kanila ang kapakanan ni Ayeisha. Kaya ako na ang bahala. Sa hospital namin, ilalagay ko si Ayeisha."

Hindi ko alam kong ano ang plano ni Liam. May tiwala naman ako sa kanya. Kaya alam ko na gagawin ni Liam ang tama.

Matapos ang isang araw na schedule ay lilipad kaming lahat. Papuntang US. Para doon isagawa ang operasyon kay Ayeisha. Isinama din namin ang OB ni Ayeisha. Kahit ayaw ni Liam.

Lulan kami sa private airplane ni Liam na kayang magsakay ng maraming pasahero. Pinuntahan ko si Ayeisha sa kwarto kung saan ito ngayon. Nagulat ako ng may isang lalaki na nakatunghay kay Ayeisha.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito." Hindi ko agad nakilala ang lalaki. Dahil naka mask at naka sobrero ito.

Hindi ko namapansin na sumakay ito kanina. Tinanggal nito ang mask at sumbrero. Doon ko lang nalaman na si Terrence pala iyon.

"Akala ko kung sino na. Bakit ka pa pumunta dito. Alam mo naman na dilikado."

"I need to see my wife. Alam kong kailangan niya ako ngayon."

Napatingin ako kay Ayeisha. Puno ng maraming aparato ang katawan ni Ayeisha. Hanggang ngayon ay hindi pa din ito nagigising. Sana pagkatapos ng operasyon ay magising na ito.

"Alam mo naman na dilikado ngayon. Lalo na't kasal na kayo ni Danica. May hawak na siya sa iyo."

"Kahit na dilikado. Walang makakapigil sa akin na makasama at makita si Ayeisha," saad nito. "Ako din ang umayos ng dapat ayusin sa pag-alis ni Ayeisha. Nagpapasalamat ako at maagang mailalabas ang bata. Para hindi na mahirapan si Ayeisha. At ako din ang nagsuggest na sa ibang bansa ganapin ang operasyon. Mas ligtas kayo sa ibang bansa lalo na sa US. Dahil hawak ko at ni Liam ang bansang iyon. Doon ay ligtas kayong lahat."

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora