Chapter 44

107 4 1
                                    

NASA isang party kami ngayon ni Earl. Isang underground party. Kung saan dito nagtitipon ang mamalaking tao sa Pilipinas at sa ibang bansa. Simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas ay si Earl na ang palaging kasama ako. Alam kong nandito si Leigh, hindi ko lang alam kong kasama ba nito si Adelaine. Nakita ko kasi kanina si Leigh. Kaya alam kong nandito ang dati kong bestfriend. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Madaming mga malalaking tao sa mundo ng negosyo ang nandito. Hindi kasi basta-basta ang party na ito. May pa auction dito. Kaya madaming tao.

At alam ko kung anong klase ng auction na ito. Auction ito ng mga babae at iba pa. Nakaupo na ako ngayon sa tabi ni Earl. Nakita ko si Danica at Terrence. Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin si Danica. Ngumisi ako. Dahil alam ko nababahala na ito. Lalo pa at nandito si Terrence. Tumayo ako, para kumuha ng wine. Nang makita ko si Adelaine na papalapit kay Terrence.

Alam kong iniligtas ni Leigh ang kakambal nito. Kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin ito. Ngumisi ako ng makita ko sa mukha ni Danica ang inis. Mas lalo pa itong mainis ng makita niya akong nakangisi at itinaas ko ang wine glass ko sa kanya to make a toast.

Umalis ako sa kinatatayuan ko, dahil gusto ko munang magpahangin. Nasa beranda ako ngayon. Dahil nasa isang mansion kami ng may humila sa akin at dinala ako sa isang madilim na parte.

Agad nitong siniil ng halik ang aking labi. "I miss you," bulong nito sa akin.

Mas lalo pa nitong nilaliman ang halik na iginagawad nito sa akin, na agad ko namang tinugon. Kapwa kaming dalawa na hinihingal ng bitawan nito ang labi ko.

"Bumalik ka na doon. Baka hanapin ka ni Danica."

"Mamaya na. Gusto kitang makasama."

Nanatili kaming dalawa ni Terrence sa madilim na parteng iyon. Puro nakaw na mga sandali ang ginagawa namin dahil nga hindi pwede na magsama kaming dalawa.

"Malapit ng kasal ninyo ni Danica."

"Yeah,"

"Sa kanya ka na uuwi."

"Nope. Ganun pa rin ang set up. Asawa ko lang siya sa papel. Or rather I say my fake wife. Dahil hindi naman napawalang-bisa ang kasal natin."

Hinarap ko siya. Iniyakap ko ang aking mga braso sa leeg nito. Mas nagdikit ang aming mga katawan.

"Sana ay matapos na itong lahat, Terrence. I want a peaceful life."

"Me too."

NAGSISIMULA na ang auction. Bumalik na kami ni Terrence sa aming mga pwesto. Nakatingin sa akin si Terrence at mas lalong nag-aalab sa galit ang mga mata ni Danica ng makita nito kung sino ang tinitignan ni Terrence.

Ngiti lang ang tanging iginawad ko sa kanya. Nanood lang ako sa bawat babaeng inilalabas para isali sa auction. Isa din sa pinunta namin dito ni Earl ay para iligtas ang mga babae. Hindi dapat sila nasasama sa mga ganito.

"50 million!" Isang tinig na familiar sa akin ang nagsalita. Kaya nagpalingon ako sa kanya.

"Cole," bulong ko.

Anong ginagawa ni Cole dito.

"50 million, going twice, going trice…"

Dahil walang nagsalita at si Cole ang nakakuha sa babae.

"Baby girl number 2, sold to Mr…"

"Montebon!"

"Mr. Montebon!"

Nagulat ako, dahil hindi apelyido ng ama nito ang ginamit. Ano ang pinaplano mo, Cole?

Nakita kong inakay ni Cole ang babae. Papalapit sa gawi nila Cherry. Nabigla ako ng makita ko sa mga mata ni Cherry na tila ba umiiyak.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon