Chapter 66

131 2 0
                                    

After 3 years

Jen POV

Pabaling-baling ang ulo ko. Mula sa aking kinahihigaan. Nagising ako na sobrang pawis ko.

"Nanaginip ka na naman?" tanong nito sa akin.

Hindi ko alam kong ilang oras lang ang tulog ko. Sa loob ng tatlong taon na wala akong maalala ay palaging bumabalik sa akin ang mga panaginip na iyon.

"Magpapahangin lang ako."

Lumabas ako sa kubo na iyon. Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Sa loob ng tatlong years ay wala akong maalala. Ang tanging sinabi lang sa akin ni Graige ay nakita niya ako sa dalampasigan. Sa loob ng tatlong taon ay ang isla na ito ang naging tahanan ko.

Kahit na anong gawin ko ay wala akong maalala. Kahit na anong gawin ko ay hindi ko alam kong sino ako. Pangalan ko ay di ko din alam. Kaya pinangalanan na lang akong Jen ni Craige.

Dahil malapit ng mag-umaga ay nagsidatingan na ang mga mangingisda.

"Jen!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Nginitian ko si Asyang. Ang babaeng naging kaibigan ko sa isla na ito.

Madami namang nakatira sa isla na ito. Pero dito sa gawin namin ay iilan lang ang nakatira.

"Isasama kita sa bayan. Gusto mo ba iyon?" tanong nito.

Ngumiti lang ako tsaka tumango. Gusto ko talagang mamasyal sa bayan. Wala kasing masyadong pasyalan dito.

Nilingon ko si Graige. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Lalaot na. Alam mo naman na ngayon ako aalis."

"Mag-ingat ka."

Ngiti lang ang tanging isinagot ko dito.

"Ang gwapo ni Graige no?" kinikilig nitong sambit.

"Oo."

Nanatili ang tingin ko kay Graige na kasalukuyang nakasakay na ngayon sa barkang de motor nito.

"Wala ka bang gusto talaga sa kanya, Jen?" tanong ni Asyang.

"Wala, pero malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dahil sa kanya ay nabuhay ako."

"Paano kung mahanap mo ang pamilya mo? Sasama ka ba sa kanila? Iiwan mo ba si Graige?" sunod-sunod na tanong nito sa akin.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay masayang kasama si Graige. Pero wala namang espesyal akong nararamdaman para sa kanya."

"Halika na nga, mamasyal na tayo at tsaka di pa mataas ang sikat ng araw."

Nginitian ko lang si Asyang. Pumasok ako sa bahay at nagbihis. Para maghanda sa pamamasyal namin ni Asyang.

Habang naglalakad kami ay may sinabi si Asyang. "Alam mo bang nandyan ang pamangkin ni Mayor Alvarez," sabi ni Asyang sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Alvarez . . ." wala sa sariling sabi ko.

"Oo ang mayor natin."

Bakit parang pamilyar sa akin ang Apelyidong Alvarez.

Nilingon ko si Asyang. "Bakit daw?"

"Alam mo kasi. Iyang pamangkin ni Mayor ay may asawa iyan. Ang sabi-sabi ay namatay daw o nawawala ba iyon ang asawa ni Sir Terrence," sabi pa nito.

Biglang sumakit ang ulo ko, dahil sa sinabi ni Asyang. Pero hindi ko pinahalata.

"Ayon, dinala sa US dahil ipapagamot daw. Dahil sa natamong sugat nito at nang makauwi na daw after 3 years ay tulala lang. Hindi makausap."

Biglang nahabag ako sa pamangkin ni Mayor. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa sitwasyon ng pamangkin ni Mayor.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Bigla na lang itong sumakit, sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Oh, napaano ka?" tanong ni Asyang.

Napahinto kaming dalawa. Nasa tapat kami sa isang mansion.

"Nasa bahay pala tayo ni mayor."

Napatingin ako sa loob. Kita ko mismo sa kinatayuan ko ang isang lalaki na nakasakay sa wheel chair at tila ba wala sa sarili.

"Si Sir Terrence, iyan, Jen."

Hindi ko nilingon si Asyang. Napatitig ang mga mata ko sa lalaking nasa wheel chair. 'Parang pamilyar siya sa akin, hindi ko alam kong saan ko ba siya nakita.'

Napapikit ako ng biglang may isang imahe na biglang lumabas. Hinawakan ko din ang ulo ko dahil bigla itong sumakit. Tinignan ko muli ang lalaki. Nakatulala pa rin ito. Naaawa ako sa sitwasyon nito. Para bang gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit.

"Halika na, Jen. Mainit na. Masakit pa naman ang init ngayon sa balat."

Nilingon ko muli ang lalaki. Malungkot ko itong nilubayan ng tingin.

Liam POV

Habang nakatingin ako kay Terrence ay para bang naaawa ako sa kanya. Sa loob ng tatlong taon na hinahanap namin si Ayiesha ay hindi pa rin nagsasalita ang bayaw ko.

Tulala lang ito palagi. After na insidenting pagkabaril nito ay kinuha pala ito sa hospital ay binugbog. They turtore Terrence. Kailangan pa naming dalhin si Terrence sa ibang bansa para doon ipagamot. Dahil sa bugbog na natamo nito ay kailangan pa naming ipa plastic surgery ito. Para bumalik sa ayos ang mukha nito.

"Magiging maayos pa ba si Terrence, Liam?" tanong ni Mayor Alvarez sa akin. Pamangkin nito si Terrence.

"Yes. Antayin na lang natin na gumaling siya."

Napatingin ako kay Terrence. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagsasalita. Noong nagising ito okay naman ito. Pero noong malaman nito na nawawala si Ayiesha ay para bang nawalan na ito ng ganang mabuhay. Lagi na lang natutulala ay minsan ay umiiyak. Sinisisi nito ang sarili sa pagkawala ng aking kapatid na asawa nito.

"Sana ay maging okay na si Terrence, hindi ako sanay na ganun siya."

"Sana nga po."

"Saan ka ngayon?" tanong ng mayor sa akin.

"Sa mansion po. Magpapatuloy sa paghahanap kay Ayiesha."

"Paano kung patay na si Ayiesha?" tanong nito sa akin.

Napatingin ako sa kanya ng masama. "My sister is alive. Kaya wag mong sabihing patay na ang kapatid ko," saad ko dito. "Dito muna si Terrence. Walang alam ang mga bata sa nangyayari sa kanilang ama."

"Sige, asahan mo. Aalagaan ko ng mabuti ang pamangkin ko."

"Dapat lang. Dahil utang na loob mo iyon kay Terrence. Kung di dahil kay Terrence. Hindi ka mayor sa bayang ito."

"Alam ko iyon."

"Aalis na ako." Binalingan ko ang nurse ni Terrence, na sobrang pula ng mga labi nito. "Could you lessen your makeup? Mukha ka ng clown." Napayuko ito dahil sa sinabi ko.

Umalis na ako sa mansion ng mayor. Kailangan kong iwan si Terrence doon. Dahil walang magbabantay sa kanya sa mansion nito. Hindi din pwedeng malaman ng mga bata ang nangyayari sa kanilang ama.

Tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng makita kung sino ang caller.

"Hello. . ." sagot mo.

Gusto ko na siyang yakapin. Miss na miss ko na ang asawa ko.

"Are you coming home?" tanong nito sa akin.

"Yes, I am."

"Okay, we're waiting. I love you!"

Napangiti ako sa sinabi ni Clarissa.

"Okay, I love you, too."

Ibinaba ko na ang cellphone ko, napatingin ako sa labas ng bintana ng may mahagip akong pigura ng tao na sobrang pamilyar.

"Ayiesha. . ."

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Ayiesha iyon. Kung ganun baka nandito nga si Ayiesha. Mahahanap din kita Ayiesha. Hintayin mo lang ako.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن