Start

6.7K 118 9
                                    

Rinig na rinig ko ang payapang ritmo ng alon, ang sarap pakinggan pero hindi ko maiwasang mapahikab habang sinusundang ang footprints ni ate Mia.

We are currently having a night walk at the seashore, it's always a calm and indulging scene kaysa tanghali. The way the air touches your skin is too relaxing to ignore but now, it only makes me more sleepy.

Maghapon kasi kaming lumangoy kaya napagod ako at inaantok na.

"Sabi ko sa iyo 'wag mo na akong samahan e," Napaangat ako ng ulo mula sa mga bakas ng paa sa buhangin na inaapakan ko at tumingin ng malamlam kay ate Mia.

"Mawawala din antok ko," sagot ko saka nagkibit balikat.

Nakasuot lang ako ng ternong pajama pero pinilit ko pa rin na samahan si ate Mia na puntahan ang kuya Nathan ko, may gusto kasi siya rito. Boto naman ako sa kanya para kay kuya kaso nga lang hindi ako sigurado kay kuya kasi lagi naman niyang iniiwasan ito.

Luminga-linga ako sa paligid, wala na talaga gaanong tao. Siguro ay nagpapahinga na sa kanya-kanyang kwarto inookupahan ang mga matatanda, ang mga magulang ko ay kanina pa tulog kaya nagawa kong makatakas tiyak kasi na hindi nila ako papayagan lalo na't papunta kami sa open bar ng resort na ito.

We are here to celebrate my cousin's birthday which is also ate Mia's friend kaya kasama ko siya ngayon. She's like a bestfriend to me kaso nga lang ay dahil na rin sa agwat namin ay hindi kami masyadong nagkakaroon ng maraming oras para makapag-bonding.

Mas matanda siya akin ng dalawang taon at tatlong taon naman ang pagitan namin ni kuya. I'm only sixteen, I'm sure kuya won't be happy to see us there but I want to accompany ate Mia.

Habang naglalakad ay naririnig nanamin ang tugtog at maging ang mga iba't ibang ilaw ay maaninag na rin. I sighed, I'm really sleepy. I forgot to ask her why did she want to go here except wanting to see kuya, nakita niya naman iyon kanina.

"Ate, what will you do once you saw kuya?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang yumuko na pasilip silip sa mga naroon.

Humikab pa akong umupo muna sa may batuhan at sinandal ang ulo ko sa kamay. Saglit akong napapapikit-pikit at hindi nakakatulong ang mga iba't ibang kulay ng ilaw na ngayon ay abo't na abot ako.

"Tara na," sabi niya na ikinunot ng noo ko. "Balik na lang tayo, baka makita pa tayo e."

Tumayo ako at ipinagpag ang aking pwetan. Ako naman ang sumilip, ah nakikipagsayawan na pala sila. Naglakad muli ako papalapit, sigurado akong halata na ang pwestong ito kumpara kanina.

Inilibot ko ang tingin ko, naramdaman ko rin ang marahang paghabol ni ate Mia sa paglakad ko. Nandoon pala si kuya sa may counter, akmang lalapit na akong nang may humawak siya sa akin.

"Reese," bulong nito. "Balik na tayo, mapagalitan pa tayo ng kuya mo niyan e."

Imbis na hilahin niya ako ay ako ang humila sa kanya, "Yaan mo na, nandito na tayo."

Umiling-iling siya at sinubukan akong pigilan na hindi ko pinansin, "Inaantok ka 'di ba? Tara na,"

Gusto kong matawa sa naging ekspresyon ni ate Mia. Hindi ko rin alam kung bakit gusto niya si kuya kung naduduwag din pala siya. Hindi ko siya pinansin at umupo roon sa may bandang dulo na lamesa, nawala na rin ang antok ko. The vibe here is energetic, pati ang mga tao ay parang sanay sa pagpa-party. Ang ilan ngang mga babae ay nakaswimsuit pa rin hanggang ngayon.

Walang nagawa si ate Mia na daluhan na rin ako sa pag-upo. Ngumisi ako, I'm doing this in her favor. Siguro maghahanap nanaman siya kung baka may girlfriend si kuya kahit na ilang beses ko na sinabing wala.

Free the real feels (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon