Chapter 23

2.8K 126 30
                                    

"Congratulations!"

Sumimangot ako, isang linggo na ang nakalipas simula noong grumaduate ako at ngayon talaga sila nagbalak na surpresahin ako.

"Hey, you don't frown! Nag-effort kami here!" Walang iba kundi si Zallistine. Hawak-hawak niya ang cake, I'm sure she baked it though. The cake is pink, hindi man lang iniayon sa akin ang pagdesign.

Tumango ako at ngumiti na lamang, ayoko talaga ng ganito pero ayos na rin dahil anim lang naman silang naririto siguro ay busy ang iba. They just called me to go here, sa Greenhouse sa tabi ng bahay ni Chain rito sa farm.

Tumikhim ako, "Thank you, hindi naman kailangan ng ganito." I genuinely said.

"Kain na tayo mga babae!" Si Chain. Nagsitanguhan kami at gumiya na sa lamesa.

Sari-saring usapan patungkol sa mga plano lang ngayong bakasyon ang pinag-uusapan namin. Si Bea, Niña at Noemi ang kasama namin, kasing edad ko si Bea pero limang taon ang kurso niya kaya ako lang ang grumaduate sa amin ngayon.

"Maghahanap ka na ba ng trabaho agad?" Noemi asked, last year siya grumaduate pero ang alam ko nagtetraining pa lang siya hanggang ngayon sa bagong kompanya.

Umiling ako.

Hindi pa ako nag-asikaso ng internship kaya 'yun muna ang kailangan ko. Kung saan ay hindi ako sigurado.

"Babalik ka na ba?" Ariha softly asked.

Parang pumait yata ang pasta na kinakain ko dahil sa tanong ni Ariha. It was an innocent question, lahat naman basta galing sa kanya pero hindi ko alam kung anong isasagot ko. Do I need to go back? I mean of course, I need but is this the right time to do so?

Nagkibit-balikat ako. "I don't know," pag-amin ko. Part of me wanted to say yes because I miss him.

Nagsalin ako ng juice sa baso ko saka ininom, hindi na nag-abalang lingunin ang nagtatakang tingin ng iba.

"But you have balak right? Tell us ha, so we'll prepare ourselves naman!" ani ni Zallistine habang naitaas pa ang tinidor mula sa pagkain ng cake. "I did good in this cake, you try!"

"Lagi mo namang sinasabi 'yan, babae. Don't need to inform us," singit ni Chain, kumakain ng vegetable salad na siya naman ang may gawa.

"Because it's true!" asik nito.

"Whatever sister-in-law," sagot pa uli ng pinsan ko.

I was quick to bit my lip para mapigilan ang matawa, ganoorin si Ariha at iniiwas ang ulo sa direksyon ni Zallistine. Samantalang ang nasa harap namin ay naiiling na lang, sanay na sila.

Napalobo ng pisngi si Zallistine, containing her patience. "Hey, can you make tigil on saying that? You're being paasa." Humalukipkip siya. Napataas kami ng kilay sa tinuran niya. "I like him but he like other woman! Don't make me kilig for a false thing," paliwanag niya pa bago umirap.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa lamesa, she's always been this honest it's just that it doesn't fail to amaze us. Kahit may gusto kaming itama sa sinabi niya, it's not really advisable dahil hindi naman kami ang nasa sitwasyon.

"Pft, sige lang continue with your painful thoughts." Nagkibit-balikat si Chain at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.

It's just a normal happening, anyway.

--

I got a small pack of napkin from the shelves at kumuha na rin ako ng ilang chocolate bago dumeretso sa counter at nagbayad. Hindi pala ako nakabili noong nakaraan ngayon ko lang naalala dahil dinatnan na uli ako.

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now