Chapter 28

2.9K 91 11
                                    

"Reese, pasabay na rin ako."

I glance at Ms. Lea at nakita ang hawak-hawak niyang files. Tumango ako sa kanya at kinuha iyon, ipo-photocopy ko. Isang linggo pa lang ako nagiging intern, nakakapagod pero wala pa naman akong nagiging problema.

While I was doing the photocopy, hindi ko maiwasan mag-isip kung anong ibibigay kong regalo sa kanya. This is the first time we'll be together at our wedding anniversary, kung hindi niya ako sinundo last week... maybe hindi pa rin kami magkasama.

Yumuko ako at inayos na ang mga papel. Saka na lang ako mag-iisip, it's still four days to go.

Iniabot ko ang papel kay Ms. Lea, she muttered a thanks na tinanguan ko na lamang at bumalik sa pwesto ko.

I glance at the digital clock, pwede na akong umalis. Inubos ko muna ang tubig na baon ko at iniayos ang gamit saka nagpaalam na sa iilan.

"Ingat ka." Tumango ako kay Ms. Ali, sa kanya talaga ako naga-assist. Mabait naman siya pero may pagkastrikto lalo na noong muntik na akong magkamali sa report.

Palabas na ako ng bigla naman dumating si Tina, siya iyong isa pang intern pero malapit na siyang matapos. Ako lang ang baguhan dito.

"Reese, hindi mo talaga kaano-ano 'yung hot and yummy ceo?" magiliw na tanong niya.

Tinanong nila ako kung may koneksyon ako sa tech company, I didn't answer them. Tumawa lang ako ng bahagya kaya nag-assume sila na hindi.

Ngumiwi ako sa pagkaka-describe niya. Ang iba naman ay bigla ring nagsilingunan. My husband can choose a woman and will never feel neglected but then he ended up with me. Well, it was just an arrangement. Ibibigay ko naman sa kanya kung sakaling gusto niya nang makipaghiwalay...

"Bakit niyo ba kinukulit si Reese diyan? Oras pa ng trabaho niyo,"Ms. Ali interjected but since sanay na sila sa kanya hindi naman sila takot kapag ganito na wala naman tensyon siya sa paligid.

Tipid lang akong ngumiti. I wanted to be thankful at Ms. Ali pero humirit pa sila muli.

"Curios lang po, Ma'am! Baka pwede niya kaming ireto, sinong aayaw dun diba?" tumatawang aniya ni Tina, ang iba ay natatawang nakisang-ayon din. "What does it feels na parehas kayo ng apelyido?"

Hindi ako nakaimik.

It feels special.

Lumapit si Dina sa amin hawak-hawak pa ang kinuhang tubig sa dispenser, "Maybe you really know him, nakita kong may bodyguard ka rin e," sabi niya na parang alam niya na nagsisinungaling ako. 

I'm not, wala naman akong sinasabihing hindi ko kilala.

But what did she say? Bodyguard? Si Mang Eco lang naman ang kasama ko, hindi naman siya bodyguard. Hindi na kasi ako pinapaaalis ni Sawyer ng mag-isa.

Naghihintay sila ng isasagot ko pero hindi ako nagsalita kaya bago pa sila magsalita muli pinatigil na sila ni Ms. Ali. "Uuwi na si Reese, tigilan niyo na."

Napanguso naman si Tina at nagpaalam na rin sila sa akin. Kaya't tumango ako at tipid na ngumiti. Pagkarating ng elevator sa parking ay saka pa lamang ako napahinga ng maluwag. Ms. Ali never asked me about being Savedes, she knew so well who I am dahil hindi naman tago ang pinasa kong application sa kanya.

Kaya rin siguro alam niya kung bakit hindi ko direktang sinasagot ang mga tanong nila.

"Mang Eco, pwede pong kay Sawyer tayo?" I asked him as I settled inside the car.

"Sige ho, Maam." sagot niya. Kapatid pala siya ni Manang Isay, pagbalik saka ko lang nalaman. Hindi ko kasi napansin noon na magkahawig nga sila.

I didn't text him na pupunta ako roon, wala rin kasi akong maisip idahilan. Ayaw ko pa umuwi kaya pupuntahan ko na lang siya, simula kasi magsimula ako. Balik na ang halos pormal na pakikitungo niya sa akin. Minsan lang hindi kapag may ipapaalala siya.

I wonder if I stay here, will our relationship grow? O mas mapapaaga ang paghihiwalay namin? Pero kaya ko naman na, I can already be a responsible wife for him... I just hope that it's not too late kahit parati kong nararamdaman na...

Ipinilig ko ang ulo ko, napatingin ako sa salamin. Iaalis ko na sana ang paningin doon nang maalala ang sinabi ni Dina. Inangat ko ang tuhod ko sa upuan at sinilip ang likod pero agad din akong umayos ng upo.

"Mang Eco," tawag ko. Ang atensyon ay nasa sasakyan na sumusunod sa amin.

"Bakit po, Maam?"

"Hindi ba tayo ang sinunsundan noong nasa likod?" I asked. Napakunot ang noo ko ng tumawa ito, hindi ba siya nag-aalala na may sumusunod sa amin? O baka naman, masyado lang ako nadala sa sinabi ni Dina.

"Ma'am, bodyguard niyo po iyong sumusunod. Dalawa po sila maam, noon pa naman iyan maam," paliwanag nito. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Tama si Dina? Bakit hindi ko alam?

"Paanong akin at noon pa?" naguguluhang tanong ko.

"Bago pa ako magtrabaho sa inyo Ma'am, hindi niyo po pala alam? Parati na pong kasunod iyan noong dito pa kayo nag-aaral." Pati si manong ay nagulat na hindi ko alam.

Tuluyan ng nagparte ang labi ko? Why wouldn't I know? I mean oo nga at hindi naman ako masyadong nakikiramdam sa paligid pero... Inilapat ko ang dalawang kamay sa mukha, bakit ngayon ko lang napapansin lahat?

--

Pumasok ako sa loob ng building, ang ilang empleyado ay bumati sa akin na tipid kong nginitian. Ayoko nang ganito na parang ako ang boss nila, lumapit ako sa babaeng naka-assign sa lobby. She quickly stand up and greet me.

"Good eve, Ma'am. Lumabas po kasi si sir kanina," nahihiyang imporma nito sa akin.

I pressed my lips and slowly nodded. Nagpasalamat na rin ako at bagsak ang balikat na bumalik sa parking. I was about to get near the car nang maaning ko ang kilalang bulto sa di kalayuan.

Nang pagbuksan niya ng pinto ang nasa loob ay doon ko lang nakompirma na si Sawyer nga iyon. He is now smiling to the woman pagkalabas nito ng sasakyan. The same woman I saw during our first wedding anniversary.

I sighed at tuluyan nang dumeretso sa sasakyan. Nagsenyas ako kay Mang Eco na umalis na kami dahil hindi ako makapagsalita.

Kinakagat ko ang loob ng pisngi para pigilan ang pag-iyak. I knew this would come, if only I was a great girl to take care of him from the start baka hindi ko kailangan maramdaman ang ganito. Maybe we'll have a chance and I wouldn't need to let go.

But I guess I need to...

Maybe it's really possible to be in love with the person kahit mas mahaba ung panahon na hindi kayo magkasama. Eventhough he wasn't around those years I chose to get away, siya lang naman ang lalaking inisip ko.

Now that I'm in love with my husband, it feels...

painful and hopeless.

I deserve this right? Because I escaped myself from the situations I didn't like. I was afraid with the thought that I don't deserve him dahil susubukan ko pa lang alam ko ng hindi ko kaya.

My parents agreed to send me to marriage early because they knew I would be in good hands. But I wasn't courageous enough to face the fact that he can take cares of me so well and I don't know how will I kung mas bagay ang babaeng naka paligid sa kanya.

And I hate that fact that I couldn't accept it, I chose to leave.

Cause even I always tell myself thay I can willingly free him out of this marriage—I don't want it. Akala ko masyado lang akong bata para isipin iyon, but it wasn't like that.

I'm afraid that this arrangement was just a responsibility for him. Hindi ko kayang tanggapin na hindi ako karapat-dapat sa kanya kahit iyon namn ang nakikita't nararamdaman ko.

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now