Chapter 15

2.8K 105 41
                                    

Naglakad ako papalapit sa sofa na naririto sa lobby area, the sofa is covered with a gray leather. It complements the marble tiles na pwede na maging salamin sa kintab.

Ako lang ang nag-iisang nasa lobby, nakasalubong ko ng tingin ang ilang empleyado na dumadaan rito. Their curiosity is evident in their eyes on why there's a girl waiting in here.

My eyes just bored at the junkfood I am holding, binuksan ko ito at sinimulan kainin. It's good, it tastes shrimp. Well, it's tempura kaya lasang hipon.

Nakakalahati ko na ata ang malaking tsitsirya pero wala pa ring lumalabas na Sawyer.

The woman told me na baka bumaba daw ang boss nila kapag lunch, sinilip ko ang relo ko. It's already quarter to one. Binuksan ko na lamang ang juice at uminom ng bigla kong nalayo ito sa bibig ko nang mapatingin ako sa bulto ng naglalakad.

He's now walking fast from slight afar, malawak kasi ang lobby. His brows are furrowed and his attention is directed to his phone, ang kaninang binabalak kong salubungin siya kapag nakita ay biglang naglaho. His face is dark and he looks like muttering curses under his breath habang malaki ang mga hakbang na iyon na lang ang naririnig sa loob.

What happened? I am starting to feel nervous because of his expression. His tall and big frame is dominating the whole place, maski ang mga empleyadong binabalak bumati ay natitiklop.

The woman from the lobby looks scared as well. Napasulyap ito sa akin na animo'y humihingi ng paumanhin na hindi niya matatawag ang boss niya para sa akin.

Huminga ako ng malalim.

I bit my lip and gained my strength to be the one to do so, tumayo ako. I hesitantly cleared my throat, dahil sa sobrang tahimik ay mabilis niyang narinig iyon.

Ang kaninang magkasalubong niyang kilay ay unti-unting humiwalay. Nahilamos niya ang kanyang kamay, his expression turned to relief that made me confuse.

"Wife," his baritone voice seems to overpowered the silent tension in the whole place. Nagharumentado naman ang loob ng didib ko sa pagtawag niya, he never called me this way before. 

Narinig ko pa ang munting pagsinghap ng iba na parang maski iyon ay kinokontrol para hindi makagawa ng ingay.

Nabigla ako ng kabigin niya ang bewang ko kasabay ng pagtalon ng puso ko, he kissed my forehead that even I'm used to it...my insides are not. Nandoon pa rin ang parang naghahalukaykay sa loob na hindi ko mapangalanan.

Hiniwalay niya ako, tinignan niya ang kabuuhan ko at muling yinakap.

Napatingin naman siya sa hawak kong juice at tsitsirya, kumunot ang noo niya. "How long have you been here?"

"Mga—

"Sir, Ma'am! I'm sorry hindi ko po alam na—" Pinutol ko ang sasabihin ng babae nang bigla na lamang itong yumuko sa harap namin.

"It's okay, I didn't tell—" Ako naman ang pinutol ni Sawyer.

"Did you even ask her?" iritadong tanong sa kanya ng kaharap ko. Nagparte ang labi ko, I've never seen him look frustrated."I will—

Magpuputulan na lang ata kami ng sasabihin rito e. "Ayos lang ako," sabi ko agad.

Umiling na lang siya at hawak-hawak ang bewang kong dumeretso sa elevator, nagpatangay na lamang ako sa lakad niya. I can't help but to be curious kung anong nangyare at naging ganoon.

"What happened to you?" tanong niya sa akin pagkapasok sa loob ng elevator.

My brows arched at his question, I should be the one asking that but I realized my sudden appearance here.

Free the real feels (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon