Chapter 5

3.3K 109 20
                                    

"Reese,"

"Reese,"

"Rosetta Nareese,"

"Babae!"

Aw! Nagtataka akong napaharap kay Chain. Bakit ba ang hilig niyang batukan ako? Itinaas ko ang kilay ko, nagtatanong kung bakit niya ginawa iyon.

"Kanina ka pa namin tinatawag," Napalingon ako kay ate Mia. Kanina pa ba? Bakit hindi ko narinig?

Bumuntong-hininga ako, nandito kami ngayon sa lupain ni Chain. Madalas siya rito at kanina ko lang nalaman na pagmamay-ari niya na ito samantalang dalawang taon lang ang tanda niya sa akin at heto siya alam na alam ang gustong gawin sa buhay.

"You can still back-out," sabi ni Kuya Nathan.

Inalis ko ang tingin mula sa malawak na halamanan. Iginilid ko ang labi ko bago nagpasyahang harapin ito, I smiled and slowly shook my head.

We are here because we wanted to bond before I get married... tomorrow. Actually, para lang makalimutan ko ang kabang nararamdaman ko para bukas pero ito at si Kuya pa mismo ang nagpapaalala. Hindi ko pa rin naman alam ang dapat kong maramdaman, sa totoo lang. And after that night, we never talk again.

Just thinking of it, I just wondered..Was he forced for this? Kasi kung oo, ako na ang magba-backout para hindi siya mapilitan. But I never got the chance to talk to him, maski ang madaliang pagplano sa kasal ay hinayaan ko na ang magulang ko, all I need to do is to attend.

Napangiwi ako, this is really weird. Minsan iniisip ko pa rin kung panaginip ito, sometimes when I wanted to ask my parents why... I can't. Hindi ko maihanda ang sarili ko o baka hindi ako handa sa isasagot nila, wala talaga akong ideya. It's not like they need to save the company, kasi wala namang problema roon.

Lumapit si Kuya Chase sa akin, he patted my head, "Don't worry he's a good man," sabi niya. Alanganin lang akong ngumiti, sa dami ng iniisip ko... siya ang pinakainiiwasan ko—Si Sawyer... I should have really asked him if he was just forced.

These past few days ay hindi na rin naman nag-abalang ungkatin ang patungkol dito. We just talk and bond like before, siguro dahil wala na rin silang magagawa. I chose to do this and I need to face the consequence if ever it doesn't go well. Hindi naman ako umaasa sadyang... hays, hindi ko rin alam.

Tumingin ako kila ate Mia at Kuya Nathan, I sincerely smiled. This decision has been made initially because of them...

Now it changed. I actually decided to do this.

---

Nakayuko akong pilit itinatago ang pula sa mukha ko, I honestly want to go home. Throughtout the wedding my heart can't stop beating eratically. Hindi ko maiwasang mag-alala kung naririnig ba nila... niya ng katabi ko.

I can't believe I'm no longer single. I just had my first kiss earlier at the altar, akala ko hindi niya itutuloy. Well, hindi ko rin alam kung bakit inakala ko iyon.

My eyes are on the red carpet, doon lang ang tingin ko habang papalakad kami sa reception. I'm glad that they really prepared a simple wedding, pamilya ko lang ang bisita sa side ko at ibang kasosyo nila papa. While the rest is his.

"This is the first time I saw you in a dress," a baritone voice whisphered.

Napaangat ako ng ulo at hindi ko maiwasang mas lalong mag-init ang pisngi. I slightly step backward dahil sa lapit niya, tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

Parang nanigas naman ako nang pumalupot ang braso niya sa bewang ko, kailan ba matatapos 'to? I don't know if it's a good thing na lahat ng unang karanasan ko ay nagaganap sa kasal, sa kanya or should I still feel weird because I'm only eighteen.

Napahinga ako ng maluwag nang maupo na kami sa dalawang upuang nasa gitna, I was actually shocked earlier that we have a beach wedding kaya naman hindi ako nagsuot ng magarbong gown but I think the team expected it to be windy kaya naman sa loob ng resort ang naging reception area.

This is a simple wedding pero hindi maikakaila na pinaghandaan ng mabuti ito, the wedding cake looks unique as well as the food, mostly seafood dishes. Hinanap ng mga mata ko ang pamilya ko, namataan ko ang magulang kong masayang nakikipagkwentuhan sa ibang bisita na hindi ko naman kilala.

Where's my brothers? Ate mia?

"They are coming to us,"

Kahit kinakabahan ay nagawa kong bumaling sa kanya, I can't lie... He looks extra dashing today. The first time I got attracted was two years ago when I saw him, marami akong gwapong nakikita pero wala sino man ang nakakuha ng atensyon ko. Maybe because my brother and cousins are too good looking kaya sanay na ako sa iba maliban sa kanya...

"Congrats, Reese and kuya Sawyer!" magiliw na bati ni Ate Mia. Just hearing her call him Kuya is making me awkward. Kung hindi ito ang sitwasyon namin, should I call him that way too?

He chuckled, "You don't need to call me that."

Pinigil ko ang paglaki ng mata ko, marunong pala siyang ngumiti? He even chuckled... Ang akala ko ay lamig lang ang manggagaling sa kanya.

"Thank you, ate Mia." pagkuwan ay sagot ko.

I stand up when my brothers neared, yumakap ako kay Kuya Nathan nang mahigpit. "Call me if you have a problem," bulong niya na tinanguan ko bago humiwalay.

Tinanguan niya lang si Sawyer bago tumalikod. I hugged kuya Chase too pagkalapit. Tinapik niya si Sawyer, "Don't ever do something that will ruin us,"

Inosente lang akong nakabaling sa kanila. I'm close with Kuya Chase but he never had the chance to introduce me to him. Hindi rin naman nagkaroon ng pagkakataon na nakita ko siya bukod noong birthday ni Chain.

"Congrats couz," bati ni Chain. Syempre hindi siya nagpahuli sa pagyakap sa akin, kahit puro batok lang talaga ang lagi niyang ginagawa. Bumaling siya sa katabi ko,  "I maybe gay but I know how to fight, Sawyer,"

He seriously nodded at him, "Good to know,"

Pagkatapos nila ay sunod-sunod na ang bumati sa amin. And when I tell you I don't know them, I really don't. Si Sawyer lang ang nakakakilala sa kanila, ipinakilala niya naman ako. Hindi ko pa rin maialis ang ilang, imagine being introduced by someone you barely knew too?

Marahan akong nagpakawala ng hangin ng nakapagpahinga kami mula sa bati ng mga bisita. I looked at him, nakatingin siya ngayon sa mga magulang naming magkausap.

He looks so serious, Kuya Chase and Kuya Nathan is so serious too but of course, their loose side is what I often see. They maybe strict but not too much para hindi ako mag-enjoy. He has thick brows, his long eyelashes is too obvious. Kahit mapungay ang mga mata niya ay hindi itinatago noon ang kaseryosohan sa kanya. He has the perfect proportion of lips.

Napaiwas ako ng tingin, bumabalik nanaman sa isipan ko iyong kanina. This is normal, right? Of course, that's my first kiss! Kaya natural na nag-iinit ang pisngi ko.

Naramdaman ko muli ang kamay niya sa bewang ko, he licked his lips while his eyes are on the table. "What do you want to eat?" tanong niya, nasa akin na ang mata.

Sinubukan kong hindi pansinin ang kung anong nangyayari sa kaloob-looban ko, ginala ko ang mata kung nasaan ang mga pagkain, "A-anything," Napakagat ako ng labi, bakit nauutal nanaman ako?

His eyes lingered to my lips for a while bago tumango at tumayo. Napahinga ako ng maluwag nang humiwalay ang kamay niya sa katawan ko. I'm not used to it but I'm not saying I didn't like it... it's just that...

Psh, hindi ko na rin alam.



Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now