Chapter 14

2.7K 105 9
                                    

"Wanna hang-out with us later?"

Natigil ako sa pag-aayos ng gamit ko para lingunin ang nagsalita. It's Mika, she's wearing her orange flowy dress na umaabot lang sa bandang hita niya. Friday ngayon kaya hindi kami naka-uniporme. She's pretty and already known in the campus.

May bahid nang kaunting pagtataka ang mga mata kong tinignan siya, "Saan?" I asked.

Hindi naman kami close, I'm not really a friendly person kaya kahit ilang buwan na kaming magkaklase ay wala pa akong nagiging close sa kanila.

Tumikhim siya, "We'll be partying at bar." Itinuro niya ang kinaroroonan ng ibang kaibigan niyang inaayos din ang mga gamit. "You know to loosen up since it's friday!" She chuckled.

Papalapit naman sa amin iyong tatlo, nagpatango-tango ako. "Enjoy," sagot ko saka inilabas ang selpon para tignan kung nandyan na si Sawyer, he always text before picking me up.

"Ayaw mo sumama?" tanong ni Iya nang makalapit. "Pang reward since tapos na hellweek!"

Umiling ako, "I'm good. Kayo na lang," ngumiti ako ng tipid, I appreciate that they  are inviting me pero hindi ko naman hilig ang gusto nila.

Another reason why I just end up being just a classmate to my classmates, halos lahat sila ay ito ang hilig kung hindi party ay shopping at gagala kung saan. It's not that I don't want to travel but—

"Aww, that's sad. Buhay may asawa?"

Napaangat ako muli nang tingin nang mapagtantong wala naman akong text mula kay Sawyer.

Tumawa ako ng bahagya kay Mika, ngayon ko lang naisip 'yon.

They know I'm married because some of my professors knew him and some saw it in my record. They get to review our files first, kaya nakita nilang married ang status ko and my husband is my guardian. Some of my classmates asked if how I am related to the Savedes dahil kilala ang apelyidong dinadala ko. I didn't answer them, ang pang-uusisa na mismo ng mga guro namin ang sumagot ng tanong nila.

"Hindi ka siguro papayagan ng hot mong husband sa bar...e kung sa mall lang?" tanong muli ni Iyah, why is she being persistent though? Hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya ng hot kay Sawyer.

I don't know if Sawyer will let me or not in case I ask him but then why would I ask him in the first place kung ayaw ko naman sumama sa kanila, their kind but I don't want to be in a noisy place. To be exact, a crowd with noisy strangers.

I just shook my head as a response.

With just a glance at them, I know shopping is indeed their hobby.

"Siguro ang busy mo no?" Ang kaninang tahimik na si Tracy ay nakisali na rin sa pagtatanong. "Mahirap ba ang may asawa habang nag-aaral? My sister almost got married too but he doesn't want to force the guy. You know things about arranged marriage."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marining ang arranged marriage mula sa bibig niya, no one knew we were just arranged aside from my family and his parents. Noong kasal namin ay nagbiro pa ang mga pinsan niya na nagmamadali daw si Sawyer na itali ako, if only they knew...

I cleared my throat, "Yeah, being forced would not do anything good." Walang ganang baling ko sa kanya. Her face fell, halata ang intimidasyon na biglang naramdaman mula sa akin. "Una na ako."

Lumabas ako at agad na tumungo sa parking. He's not here. Binuksan ko muli ang selpon pero walang siyang text, it's already 11:30. Dalawang oras lang ang klase namin ngayon dahil—nasabi ko ba sa kanyang half-day kami?

I think no, I forgot.

Lumiko ako papunta sa main exit ng university, sumabay ako sa ibang estudyanteng lumabas para tignan kung saan sila sasakay. Sa pagmamasid ko sa kanila, I'm hesitating if I'll just call Sawyer. Never in my life I experienced to commute, maski taxi ay hindi ko alam kung anong gagawin pagpasok sa kotse? Anong sasabihin kong lugar?

Free the real feels (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora