Chapter 3

3.3K 89 7
                                    

Nahihikab akong bumangon dahil sa pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Saglit pa akong umupo muna sa kama habang tinititigan ang pinto, Sino ba ang kumakatok?

"Rosetta?"

Umismid ako. Ilang beses ko na sinabi kay mama na huwag ako tatawaging ganyan, hindi ako sanay, paramg hindi ako. Bakit ba iyan ang pinangalan nila sa akin?

I sighed, "Wait lang po ma,"

Wala akong nagawa kung hindi tuluyang tumayo. Naghilamos at nagmumog muna ako saglit sa banyo bago tuluyang tumungo sa pinto. My room is full of girly colors, mom is the one who constantly fix this room kaya hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Wala rin naman akong balak pagka-abalahan ang pag-aayos ng kwarto ko, basta ay malinis at organisado okay na sa akin.

I twisted the door knob and opened it, "Get prepared, may mga bisita sa baba. Your cousins are also here," Ngumiti siya.

Anong meron? Kahit nagtataka ako ay nag-aalangang tumango na lamang ako at dumiretso muli sa banyo para maligo.

Last week noong pumunta ako sa mga pinsan ko at sinabi ko sa kanila kung anong nangyare and as expected they didn't like it. They told me I shouldn't have done that because Kuya Nathan will know what to do, they looked annoyed and I expected it. They treat me like a real sister kahit pa magpinsan lang kami, para ko talaga silang kuya kahit pa binabae si Chain.

After taking a bath, I'm hesitant if I have to wear extra today. Ang sabi kasi ay may bisita kami, ayokong pagsabihan nanaman ako ni mama katulad noong naka-jogging pants lang akong sumunod sa kanila sa mall. Hindi ko naman kasi alam na dinner with their business partner pala.

Ibinalik ko muli ang trousers sa closet at kumuha na lamang ng sweatpants at round neck large shirt, I think there's nothing wrong with casual clothes dito lang naman sa bahay.

Napatingin ako sa orasan bago nagpasyang bumaba. I didn't know why I slept late yesterday, alas-tres na pala ng hapon. Kung hindi pa ako ginising naka mamayang alasais pa ang bangon ko.

I slowly walked down the stairs, kunot ang noo ko ng maaninag ko na ang mga tao sa sala. What is really happening? Bakit pati sila tito ay kumpletong nandidito?

I pressed my lips, I suddenly felt my heart beating in a different manner. Kinakabahan ako lalo na at habang papalapit ay naaninag ko ang hindi magandang ekspresyon nila Chain, si kuya Chase ay walang emosyon sa mga mata at bahagya pang nanlaki ang mata kong makita si Ate Mia. She is slightly caressing kuya Nathan's knuckles pero salubong ang mga kilay nito.

Can I stop here instead? At sino naman iyong iba pang nakatalikod sa akin? Do they have a problem? In business perhaps? Pero bakit pa ako papabain ni mama kung wala pa naman akong kinalaman sa negosyo nila? Pero mukhang okay naman sila mama...

I'm not a coward but right now I just wanted to go back up stairs, the ambience is still not too much since Dad is now smiling... but my brothers' expression is suffocating to see.

Huminga ako, I guess papalipasin ko na lang muna sila. Hindi maganda ang kutob ko. Tumalikod na ako pero sakto namang tinawag ako ni mama.

I hardly shut my eyes. Talaga ba? Sa tagal kong nakamasid sila ay talagang saktong...

Ipinilig ko ang ulo ko, I regained my stance and turned to them. Lahat sila nakabaling sa akin kaya itunuon ko lang ang ulo ko sa gilid. It's awkward, hindi ko sila kilala o baka di ko lang maalala.

Humalik ako sa pisngi ni papa at mama, lumapit din ako kila tito at tita—ang magulang nila kuya Chase para bumeso. Hindi na ako naglakas loob na salubungin ng tingin ang kanina pa hindi maganda ang ekspresyon.

I sit beside my parents, nasa gitnang sofa ang bahaging inuupan namin. My brothers and ate Mia is sitted at the right side while tito and tita are occupying the two individual chair.

Napalingon ako sa bisita namin sa kanan, I want to smack myself that I almost ignored them. Tumayo ako muli para bumati, "Good afternoon po," Bahagya pa akong nagulat nang bigyan ako ng magaang yakap ng babae.

She looks the same age as my mom. Kapansin-pansin pa rin ang ganda kahit may edad na, her presence shouts elegance too like Tita. Si Mama ay ganoon rin naman pero hindi ko itatanggi na mas kapansin-pansin iyon kay Tita at sa babaeng kaharap ko.

The man beside her chuckled, "You really have a beautiful daughter. They will look good together,"

Bumalik ako sa upuan kong nagtataka. Look good together? What does that mean? Hindi ko na ipinahalata ang pagtataka ko, ramdam ko ang pagsulyap sa akin nila Kuya Nathan pero hindi ko iyon nilingon, mas lalo lang akong kinakabahan.

"Of course, it runs in the blood." Tumawa pa si papa nang sagutin iyon. Hindi iyon peke, mukhang nage-enjoy talaga siya. I looked up to mom with confusion, hindi na ako nag-abalang itago iyon.

Mom just smiled at me and fix my hair, "I told you to prepare," komento niya bigla nang bumaba ang tingin sa suot ko.

"Ma—"

"Here he is!" anunsyo noong babae. "What took you so long, son?"

Napaawang ang labi ko. Ang kaninang tibok ng puso ko ay mas lumakas, what is really happening? I glanced at Kuya Chase, mukha namang inaasahan niya iyon dahil seryoso rin siyang nakatingin sa akin. Of course, his bestfriend is in our house. His stern expression is much more visible now.

"Come on, daughter. Greet your fiance,"

Napaawang ang labi kong agad bumaling kay papa. Are they serious? Fiance? Sa pagkakaalala ko ay isang linggo pa lang ang nakalipas nang magdesisyon ako.

Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya! The last time I saw him is two years ago, noong birthday ni Chain. When Chain asked me kung sinong naghatid sa akin ang sinabi ko lang ay ang kausap ni kuya Chase. He only told me they are bestfriends. Other than that, I don't know him.

Tumikhim si mama na nakapagbalik sa akin sa realidad. I faked a cough, I tried to smile at him pero naging ngiwi lang iyon. His eyes are directed at me, walang emosyon... katulad noong una ko siyang nakita.

"Alright," pagkuha ng atensyon sa amin ni tita. Napansin niya ata ang namumuong tensyon dahil hindi pa rin naiiba ang ekspresyon nila kuya.

"Let's talk about it over early dinner," dagdag din ni mama.

Hindi ko alam ang dapat ipakitang reaksyon ko. It's just a span of one week and here I am meeting my 'fiance'. Wala sa sariling sumabay ako sa pagtungo nila sa dining room. Pagka-upo ko ay doon ko lang napansin na wala sila kuya.

"Please excuse our sons, It will take time for them to accept that our Fuentes princess is grown up now," Si tito na ang nagpaliwanag sa kanila. Tumawa lamang ang mga ito at nagsabing naiintindihan nila.

Umangat ang tingin ko sa harapan, walang emosyong makikita sa kanya. I wonder what he thinks about this? Does he know that I just turned eighteen? Does they know? Siguro kung nagparty ako ay malalaman nila dahil paniguradong maiimbitahan ang mga kasosyo ng mga magulang ko. Simpleng selebrasyon lang naman ang ginawa namin dahil ayoko ng bonggahan.

Hindi ko na inintindi pang pakinggan ang usapan ng mga matatanda, ang ibig kong sabihin sila mama. I don't know how to even start thinking, parang hindi ko pa rin maiproseso sa utak ko ng maayos.

Maybe next time, kapag ipapakasal na talaga kami... Psh, why did I feel my cheeks turning hot? I am just concerned on..uh my future.. baka magkaroon pa ng pagkakataon na umatras siya o ako, ang mga magulang ko. Maraming pwedeng magbago, siguro naman papagtapusin muna nila ako ng pag-aaral, apat na taon pa kung saka—

"Have you chosen a date for the wedding?"
tanong ni tita na nagpatigil sa pag-iisip ko.

I quickly drink a water. Bakit ba ang bilis ng usapan nila? Sa pagkakaalala ko aware naman ang tito at tita ko sa edad ko, kaya bakit naman ganyan ang tanong nila. They even look excited for me. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya? Ang pamilya nila?

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now