Chapter 16

2.8K 94 5
                                    

Wala akong ganang bumaba ng sasakyan. Hindi ko na nagawang magpasalamat kay Mang Eco nang pagbuksan niya ako ng pinto. He is my driver, right... after the incident weeks ago. Kinabukasan, mayroon na akong driver. Sawyer wasn't the one to send me to school anymore, even pick me.

Hindi ko maiwasang mag-isip ng hindi maganda. Ito naman ang gusto ko noong una para hindi ko siya naiistorbo but I can't help but to feel sad and overthink. Does Megan visits him often in his office? Does he agree with what Megan said that time, 'cause I do... kahit against sa akin iyon. Alam na alam ko dahil iyon naman talaga ang totoo.

We haven't talked about Megan. Not that I really care about her, but maybe he does. He was just indifferent to her cause I was there, he respects me.

Kung hindi kasi ganoon, bakit sila magkasama sa restaurant kanina?

Napatingin ako sa hawak kong baunan. I tried to cook for him, but I guess he'll have  lunch with Megan. Tanghali ang pasok ko kaya napagpasyahan kong abutan muna siya ng pagkain bago pumasok kaso nga lang ay wala naman pala siya roon.

"Reese,"

Lumingon ako kay Aldwin, kaklase ko siya sa isang major subject. Namula ang pisngi nito at nahihiyang nginitian ako.

I confusedly raise my brows, "Bakit?"

"K-kukunin ko lang 'yung sa project natin sa Design 1," nauutal na saad niya. "Ngayon kasi ang deadline, pinapakolekta sa akin ni Ma'am."

Kumunot ang noo ko. Project? Oh, naiwan ko sa bahay. Hindi ko pa tapos iyon, we are given two weeks for that but my mind is too occupied to finish.

Tumikhim ako, "Nakalimutan ko sa bahay. ako na ang magsasabi kay Ma'am," imporma ko rito bago sinimulan ang output sa lettering. Tumango ito sa akin at iniwan na ako.

This month is really stressing, naghahabol kami ng mga gawain dahil patapos na ang semester. I've been thinking lately too if mali ba ako ng napiling course, I started to love arts at my senior year noong highschool. Akala ko sapat na iyon para maihanda ko ang sarili ko rito but I was wrong, I feel like I am lacking of skills. Hindi ako gifted when it comes to arts, and it's frustrating me.

Ngayon, tinatapos ko pa lang ang output na dapat noong nakaraang araw pa. I can't believe this is happening to me, I've always been organized and mindful. Ngayon, hindi na ako sigurado sa mga ginagawa ko, I am starting to doubt everything.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan pagka-uwi at agad na sinimulan ang pagtapos ng project na nakatulugan ko rin. Pagkagising ay hindi na ako nagawang mag-almusal at magpaalam, I promised my professor I'll passed it early in the morning. I heard Sawyer called me pero hindi na ako nag-abalang pansinin siya dahil sa kamamadali ko.

"You're really early Ms. Savedes." Ngumiti siya sa akin atsaka na ako nagpaalam.

Agad ako pumunta sa library para sa quiz namin sa Anatomy, hindi ako nakapag-aral dito dahil tinapos ko pa ang project kagabi. Kaso nga lang kada basa ko ay inaantok ako, I didn't get enough sleep yesterday.

"Miss,"

Napaangat ako ng ulo at sinalubong ako ng mukha ng librarian. She reminded me of my class, agad naman akong napatingin sa orasan at laking gulat ko na tatlong oras na pala ako nakatulog, I missed my P.E class. May assesment pa naman kami.

Humingi ako ng paumanhin at nagmamadaling pinuntahan ang sunod na klase ko, Anatomy. Agad naman kaming binigyan ng quiz pero halos wala akong masagot, pati ang pagreview ay nakatulugan ko. I only answered what I remembered from past discussions but the latter part, hindi na.

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si Sawyer sa sala, he looked worried nang makita niya ako pero hindi ko alam kung bakit.

I faked a cough, "Hindi ka pumasok?"

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now