Chapter 29

2.8K 94 5
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan para makapaghanda ng damit niya at ako na ang magluto ng almusal. When I left our bed earlier he's still sleeping peacefully, hindi niya naman ako mararamdaman dahil nakatalikod siya sa akin matulog simula nang lumamig ang pakikitungo niya sa akin.

Hinanda ko na rin agad ang hapag-kainan dahil baba na rin naman siya maya-maya.
I smiled a little when I saw him wearing the suit I prepared.

"Good morning," I greeted him nang umupo siya sa lamesa.

Instead of greeting back, he's staring at me as if he wanted to figure out something. Tumikhim ako nang iabot ko sa harap niya ang kape, lumipat naman doon ang atensyon niya; hindi pa rin nagsasalita.

"Uh," I tried to start, hindi niya ako tinignan. His straight face remain while starting to get his food. "'Yung bodyguards..."

Those two words I need to get his attention.His brows shot-up but his eyes just lazily gazed at me, "It's needed," aniya, ipinaparating na hindi pwedeng walang ganoon.

"Noon naman 'di ba—"

"From the start Reese, they were always there. You just didn't realized." He stated cutting off what I'm about to say. Hindi na ako nag-abalang magsalita.

Why does it feels wrong to be called Reese kapag siya? It feels so distant, mas malayo pa kaysa noong unang linggo ng kasal namin. Mas okay pa na wala siyang tinatawag sa akin kaysa ganito.

"I'm going," aniya saka tumayo at umalis na.

Pinagmasdan ko na lamang ang bulto niyang lumayo hanggang sa natabunan na siya ng pader sa paningin ko. Marahan akong napahinga at sinubukan na lamang ubusin ang kinakain ko.

We've been like this for a week now, hindi ko alam kung magiging ayos pa ba kami. Paano kung hindi na? Seeing him with other woman... maybe he's considering to date anyone else.

Alam kong hindi pa sila, even if we are like this—Sawyer woudn't enter another relationship dahil kasal pa siya sa akin. I may not know everything, pero sigurado ako sa bagay na 'yun.

"Iha," Manang Isay called me, worry is etched on her face. "Nag-away ba kayo ng asawa mo?" marahang tanong niya.

Umiling ako kay manang at bahagyang ngumiti. "Hindi naman po... hindi rin ako sigurado," I awkwardly chuckled.

--

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang impit na tili nila Tina at mga kasama niya sa malapit na lamesa. Bumaba kasi ako rito sa canteen para bumili ng snack, dederetso na sana ako nang tawagin ako ni Tina. Sana hindi na lang ako napahinto.

"Reese!"

I arched my brows when I faced her, sinenyasan niya lang ako lumapit na ginawa ko naman. "Tignan mo itong interview dati kay Mr. Savedes! Grabe 6 years ago na ito pero piling ko talaga ganito pa rin ideal niya!"

I have no interest to whatever she will say but when I heard my husband I can't help but to be curious as well. 6 years ago? Hindi pa kami magkakilala noon.

Sinilip ko ang selpon ng isa pa naming kasamahan sa opisina. It was just an online article, an exerpt from a magazine.

"Pasok sana ako sa gusto niyang kaederan niya tsaka itong independent pero 'yung gorgeous medyo tagilid!" natatawang sabi ni Ms. Ella iyong may-ari ng phone.

"Hala, kasal na pala si Hot CEO! Wala nga lang pictures."

"Baka naman fake news!"

"Bongga siguro noong babae!"

Hindi na ako nag-abalang pansinin ang usapan nila, naki-upo na lang ako at hinanap din mismo ang article.

Same age, gorgeous, independent, smart, responsible, a wife-material.

I smiled bitterly as insecurities started to get into me again. Megan would be a good candidate but then the woman he is with the other day would be the best one.

"Ikaw, Reese? Reese!"

I blinked my eyes and looked at Tina. Tinaas ko ang mga kilay ko, hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Kanina ka pa namin tinatanong, may jowa ka siguro no? Sa sobrang ganda mo, pumipila siguro manliligaw mo?" They asked. "O baka wala dahil hinaharang sila ng bodyguards?" biro pa nila.

Agad kong naibaba ang kamay ko papunta sa hita saka alanganing ngumiti. "Kayo? Ilan manliligaw niyo?" I said changing the topic. Nagtawanan naman sila at nagpasalamat na lang dahil doon na napunta ang usapan nila. Nagpaalam ako na babalik ng opisina para na rin hindi na ako matanong.

Ngayong araw ay sabay-sabay ang out namin kaya sinabay na nila ako sa paglabas, they tried to ask about my life and I answered them shortly. Not giving specific details.

"Ang ganda talaga ng singsing mo kahit simple, noong nakaraan ko pa yan napapansin. Pero bakit sa ring finger nakalagay? Wala ka namang jowa 'di ba?" Dina asked while I was busy texting Mang Eco, nagtaka kasi ako dahil wala pa siya dito.

Narito kami sa may harap ng kompanya, para dito nalang ako sunduin. Kita ko sa di kalayuan 'yung bodyguards pero ayoko naman sumabay sa kanila but I'm thankful that they weren't exactly around me dahil masyadong agaw pansin pag ganoon.

"Don't tell us you're married?" Si Tina.

"Wala naman akong sinasabing kahit ano," sagot ko. Hindi ko rin naman itinatanggi, alam ko lang talaga ang kasunod na tanong kapag nakumpirma na nila.

"Weh? You're still young maybe you're just engaged? Diba Savedes ka baka—"

Pinutol ko ang sasabihin ni Dina, talagang salit-salit sila magtanong. I don't even know why my life interest them so much. Oh, right. My surname interest them so much.

"Hindi," tipid na sagot ko.

Sumingkit ang mata nila bago tumingin muli sa daliri ko, medyo madilim na dahil nasa labas kami at gabi na. Wala akong nagawa ng iangat nila ang kamay ko, binawi ko iyon ng marahan mula sa hawak nila.

Nanlaki ang mata nila, "That's a wedding ring!" sabay nilang ani. "Your Mrs. Savedes na pala? 'Yung CEO hindi niyo kilala?" 

How would they even know that?

Tumikhim ako, "Paano niyo naman nasabing wedding ring?" I asked, iniiba ang usapan.

"We handled a lot of ads for rings, we need to know the differences," paliwanag ni Dina.

"So kasal ka na nga?" singit muli ni Tina.

I sighed, hindi sila titigil. Napapikit ako, "H-hindi..." I lied. I can only think of this way para tigilan nila ako. But when I opened my eyes, wala naman sa akin ang atensyon nila they are both in awe kaya sinundan ko ang tingin nila sa likod ko.

Napaatras pa ako ng bahagya nang makita ang hindi magandang expresyon ng asawa kong nakadirekta ang mga mata sa akin.

His jaw is clenching, "Let's go home wife," aniya sa baritonong boses. Tumalikod na siya kaya't pikit ang mata kong napasunod na lamang. Hindi na ako lumingon pa sa mga nangungulit sa akin kanina.

Napahawak ako sa inuupuan ko, kulang na lang ata ay paliparin niya na ang sasakyan.
"Ang bilis mo masyado," lakas-loob na sabi ko at maya-maya'y binagalan naman niya.

We arrived at the house with a tension in between, pati si Manang ay nagtatakang pinagmasdan kami na wala pa ring imikan hanggang ngayon. He walk towards his office at ako dumeretso na lamang sa kwarto para makapag-ayos na at matulog na lang muna.

I'm so... disappointing.

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now