Chapter 24

2.8K 94 13
                                    

I manage to ask Sawyer if we can leave tomorrow instead, he agreed kaya naman ngayon ay narito na kami sa farm. I don't have all the time para magpaalam na umalis kaya naman nagtext na lang ako sa iba. I informed them that I need to leave, wala si Chain sa penthouse niya kay isasadya ko na lang 'yung kinuha ko kahapon dito.

Nauuna ako maglakad kay Sawyer, his built is a bit out place with the small souvenir shops around. He's currently wearing a white polo long sleeve na itinupi  hanggang siko, tucked in a smart pants. While I was wearing a knitted plain round neck longsleeve and a high-waist jeans.

Lumingon ako sa likod para silipin siya saglit, his hands are already inside his pocket directly looking at me kaya agad kong ibinalik ang tingin sa harap.

Kanina ko pa siya hindi makausap ng maayos, I'm still shy with what I did earlier.

Since there's only one bedroom, tabi kami natulog... I find it awkward at first dahil kahit naman ilang beses na kami nagtabi noon tuwing umiiyak ako o nagkasakit lang naman kasi siya noon; ngayon iba na lalo at matagal din kaming hindi nagkita but when he was waking me up earlier I was unconsciously hugging him like a koala.

I tilted my head, stop thinking about it Reese.

Nakaaninag ako ng pamilyar na pigura ng babae sa di kalayuan, it's Kash. I called her, kaya malawak ang ngiting tumakbo siya papalapit sa akin.

I smiled, she's really pretty bagay sa kanya ang kulot niyang buhok at suot niyang bistida. She just joined our org a month ago but I was about to give her a slightly big task.

"Ate Reese!" masayang bati niya. Sumulyap siya saglit sa nasa likod ko. "Sino siya ate?" she curiously asked.

Narinig siguro ni Sawyer iyon kaya lumapit ito at ipinulupot ang braso sa akin.

Nanlaki ng bahagya ang mata ni Kash at pumalakpak,"Boyfriend mo ate!" anunsyo niya, tila sigurado sa napagtanto.

Marahan akong umiling sa kanya, "Uh... Kash, he's my husband." Bumilog ang bibig nito. "Sawyer, she's Kash..."

Tumango ang katabi ko sa kanya.

Tumikhim ako," And, by the way... ito pala 'yung kailangan para sa next event. I need to leave, I know you can be the secretary instead," sabi ko saka pinaliwanag saglit ang mga gagawin at kung saan nakalagay ang ilang mga files na ginagamit at sinulatan ko.

Gulat ang rumehistro sa mukha niya pero maya-maya ay tumango-tango siya at ngumiti. Napangiti rin ako, alam kong maiinis si Chain pero bahala na siya. Kash may be the youngest but she has determination in learning new things.

"Thank you, Kash. We need to go," paalam ko.

"Salamat din po! Kaya pala magkaiba kayo ng apelyido ni Chain ate," turan niya at natutuwang kumaway sa amin papaalis.

--

Sawyer glanced at me for I don't know how many. Nagsimula na kaming umalis pero katulad ko hindi pa rin siya nagsasalita, deretso lang ang tingin ko sa harap. I told him yesterday that we'll exchange driving para hindi masyadong nakakapagod, he assured me no need.

I decided to face him.

Hinimas niya ang ibabaw ng kanyang bibig, his jaw moved. "You didn't tell them?" He asked with eyes straight on the road.

Napataas ako ng dalawang kilay sa tanong niya, "Ang alin?" pagtataka ko.

Saglit siyang sumilip sa kamay ko bago bumuntong hininga.

Umiling siya saglit, "They knew you are married, right?" He carefully asked, tinatansya na hindi naman siya nagkamali sa pagkakaalam.

Bumalik ang atensyon ko sa bintana, "Oo..." sagot ko. "Kash just joined kaya hindi niya alam..." I added.

Free the real feels (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon